Maureen Wroblewitz, suportado ang social media detoxification ni JK Labajo

by PEP Troika
Sep 10, 2020
Maureen Wroblewitz, ibinahagi na umiiwas sa social media ang nobyo na si JK Labajo. "Whatever he decides to do, I said, supportive ako."
PHOTO/S: @mauwrob Instagram

GORGY RULA

Suportado ni Maureen Wroblewitz ang desisyon ni JK Labajo na tumigil na muna sa social media para mag-detoxify.

Si Maureen ay kilalang winner ng reality show na Asia's Next Top Model Cycle 5 noong 2017.

Si JK ay third placer sa ABS-CBN reality show na The Voice Kids Season 1 noong 2014. Kilala siya sa sikat na OPM song na "Buwan."

Napapag-usapan daw nilang dalawa, pero ayaw ni Maureen pangunahan kung permanente na ba o pansamantala lang itong pamamahinga ni JK sa social media.

"I can’t really say. Ang sabi, it’s just temporary, may mga sinasabi na it’s for good," pakli ni Maureen nang nakatsikahan namin sa DZRH nung Miyerkules, September 9.

"But we’re just letting everyone to talk muna and he’s detoxifying pa all the negativity on social media for now.

"So, he’s not really on social media even on Facebook for personal reasons. So, he’s working and focusing on his self pa muna."

Continue reading below ↓

Hindi pa raw masabi ni Maureen kung ano ang plano ng boyfriend niyang singer-songwriter sa karera nito, pero bukas naman daw si JK sa pagkuwento sa kanya ng kung anumang pinagkakaabalahan nito.

Pahayag ni Maureen: "Siyempre, we talked about it, but I don’t really want to talk on his behalf. Because it’s his thing.

"Whatever he decides to do, I said, supportive ako.

"Ayun! We’ll see what will happen in the near future."

Sa ngayon ay ini-enjoy lang daw nilang dalawa ang kanilang relasyon.

Inamin ni Maureen na paminsan-minsan ay dinadalaw siya ni JK kapag puwede ito.

Medyo mahigpit pa rin daw kasi ang quarantine protocol kaya hindi raw sila madalas na nagkikita.

Kaya kinorek ako ni Maureen sa sinabi kong si JK ang quarantine buddy niya.

Ang itinuturing daw niyang quarantine buddies ay ang mga alaga niyang pusa at aso.

Nito lamang March 2020 mas naging bukas sina Maureen at JK tungkol sa pagtatangi nila sa isa't isa.

Continue reading below ↓

Naging bukas naman si Maureen sa pagsasabing madalas nilang kinakanta ni JK ang "Buwan" bago pa ito na-release.

Muse rin ni JK si Maureen sa mismong music video ng "Buwan."

Di ba, siya naman talaga ang "buwan" na tinutukoy ni JK sa naturang kanta?

"We would sing it before. Kasi, bago nag-release ang song, we’re listening to it over and over again, like half a year before it was released.

"So, parang we’re tired na of the song because we’re listening to it so often. But we always sing the song together," napapangiting pahayag ni Maureen.

"Kaya pinagbigyan kami ni Maureen na kantahin ang ilang linya ng sikat na kanta na first time daw niyang kantahin na mapapanood ng publiko.

NOEL FERRER

Maganda yung tanungan dahil pareho kayong nag-adjust sa lengguwahe ni Maureen, Tito Gorgy.

In fairness, ha, nakukuha na niyang mag-Tagalog talaga!

Good na naitanong mo about being pandemic buddies. Kasi, may study ngayon na maraming couples ang nag-break dahil sa pandemic.

Continue reading below ↓

Mabuti at okay pa rin sina Maureen at JK dahil ang payo ng mga eksperto, magandang leksyon ngayon na ang dapat hanapin sa isang partner ay hindi yung makakasama at makakasundo mo "for the moment."

Mas mahalaga raw iyong tipo ng partner na pangmatagalan at makikita mong maligaya ka at naggo-grow ka "through the pandemic."

JERRY OLEA

Gustung-gusto ko ang kantang "Buwan."

Kaya ikinatuwa ko ang balitang magde-detoxify si JK sa social media. Nakaka-good vibes.

Inaasam ko na huwag bumilang ng maraming taon bago magkaroon si JK ng isa pang big hit. Inaasam ko rin na magningning pa ang bituin ni Maureen.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maureen Wroblewitz, ibinahagi na umiiwas sa social media ang nobyo na si JK Labajo. "Whatever he decides to do, I said, supportive ako."
PHOTO/S: @mauwrob Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results