Jon Lucas, pinalitan ni Martin Escudero sa Victor Wood biopic?

by PEP Troika
Sep 10, 2020
Sino na nga ba ang gaganap bilang Victor Wood (gitna) sa biopic ng sikat na '70s singer: si Jon Lucas (kaliwa) o si Martin Escudero (kanan)?
PHOTO/S: Instagram / Facebook / Noel Orsal

JERRY OLEA

Totoo bang pinalitan na si Jon Lucas bilang bida sa pelikulang Jukebox King: The Life Story of Victor Wood kahit nakapag-pictorial na ito?

Ayon sa source ng PEPTroika, may conflict kasi sa schedule ni Jon, na kasama sa cast ng Kapuso teleseryeng Descendants of the Sun.

E, nakatakda na raw mag-start ang shoot ng nasabing movie ngayong Setyembre, na ididirek ni Carlo Ortega Cuevas para sa EBC Films.

Aba! Period film ang Jukebox King, na nakatakdang kunan sa loob ng dalawampung (20) araw.

Ayon pa sa source ng PEP Troika, ang ipinalit kay Jon ay si Martin Escudero.

Si Victor Wood ay sikat na singer noong dekada '70.

NOEL FERRER

At least, busy na ulit si Martin Escudero.

Pagkatapos niyang pumalit bilang bida ng Ang Misyon, na unang in-offer kay Vin Abrenica ng direktor na si Cesar Soriano (na naging close talaga kay Martin), heto at papalit naman siya kay Jon Lucas para sa biopic ni Victor Wood.

Continue reading below ↓

Ang kakatwang tanong, sino kaya ang gaganap na Madam Auring sa pelikulang ito? O kasama man lang ba si Madam Auring dito?

Ano sa tingin mo, Tito Gorgy?

GORGY RULA

Hindi pa sumasagot ang taga-Eagle Broadcasting Corporation o EBC Films kung may mga mababago nga sa casting.

Bukod kasi sa gaganap na Victor Wood, may mga kinukuha silang malalaking artista para sa ilang mahahalagang roles.

Wala pa rin kaming ideya kung aling bahagi ng kuwento ng buhay ni Victor Wood ang mapapanood sa pelikula.

Bukod kay Madam Auring, na-link sdin i Victor sa ilan pang kilalang personalidad na buhay pa ngayon. Medyo maselan ang kuwento kung ire-reveal iyon sa pelikula.

Hindi na kasi kilala si Victor ng mga nasa huling henerasyon kahit kasabayan niya halos ang mga kilala pa ring sina Nora Aunor, Vilma Santos, Tirso Cruz III, at iba pa. Kaya dapat interesting ang ilalahad sa pelikula.

Ang isa pang ipinagtataka ko, bakit hindi singer ang kinuha nilang gaganap dahil maraming magagandang awitin si Victor Wood na puwede nilang pasikatin uli?

Continue reading below ↓

Swak na swak sana riyan ang mga tipo ni Daniel Padilla, kahit si Derrick Monasterio, o kung medyo matanda nang konti, kayang-kaya iyan ni Mark Bautista.

Kailangan ba talaga dapat, miyembro rin ng Iglesia ni Cristo? Bakit hindi si Ruru Madrid na active na INC member?

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino na nga ba ang gaganap bilang Victor Wood (gitna) sa biopic ng sikat na '70s singer: si Jon Lucas (kaliwa) o si Martin Escudero (kanan)?
PHOTO/S: Instagram / Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results