Labing-isang GMA News TV shows, nanganganib tuluyang mawala sa ere

by PEP Troika
Sep 11, 2020
Kabilang ang travel show ni Drew Arellana (left) na "Biyahe Ni Drew" at daily afternoon newscast na Balitanghali sa mga posibleng tanggalin nang tuluyan sa ere, ayon sa showbiz insider na nakausap ng PEP Troika.
PHOTO/S: Screengrab from Biyahe ni Drew / Balitanghali

GORGY RULA

Sa totoo lang, nakakalito kung bagong episode o replay ang napapanood natin ngayon sa mga programa ng GMA-7.

Last Saturday, September 5, ay bagong episode ang napanood sa Pepito Manaloto, pero mas mataas pa ang rating ng ilang replay episodes.

Pero naka-19 percent pa rin ito, ayon sa AGB NUTAM.

Baka mas gusto ng mga manonood na nandiyang umaarte si Michael V kaya yung previous episode ay naka-21.1%.

Naka-remote work kasi si Michael V dahil isinaalang-alang ang pagkakaroon niya noon ng COVID-19.

Ang Magpakailanman ay naka-19.4%, pero mas mataas ang previous week na bagong episode, na umani ng 22%.

Kahit ang Daddy’s Gurl ay tumaas nang slight, 11.3%, kahit ang pagkakaalam ko ay replay episode ito. Ang nakaraang episode ay nakakuha ng 11.1%.

Wala pa akong nakuhang ratings ng Linggo, September 6.

Pero abangan natin sa September 13 dahil bagong episode na ang mapapanood sa late-night variety show na The Boobay and Tekla Show.

Continue reading below ↓

Excited ang dalawang hosts na sina Boobay at Super Tekla dahil ngayon lang sila uli mapapanood sa bagong episode.

Medyo mahirap daw sa taping nila sa studio dahil mahigpit na sinusunod ang safety protocols sa GMA-7, pero tiniyak nilang masaya ito, gaya ng mga nagawa nila sa nakaraang episodes.

Special guest nila sa Linggo, Setyembre 13, si Mark Bautista, na sasalang sa segment nilang "Feeling the Blank." Sasagutin dito ni Mark ang controversial at naughty questions.

Marami pa silang mga nakakaaliw na segments, pero bilang pagsisimula ng "ber month," makakasama nila si Jose Mari Chan.

Si Jo Mari Chan ay tila simbolo na ng pagsalubong sa Yuletide season with his classic song "Christmas in Our Hearts."

NOEL FERRER

May nag-message sa atin sa PEP.ph na maraming shows sa GMA News TV ang nanganganib mawala sa ere.

Sabi ng showbiz insider: "Narinig ba ninyo na yung GMA shows na mga six months nang floating pa rin, ite-terminate na raw?

Continue reading below ↓

"Ang talagang apektado raw ay yung sa GMA News TV kaya ang dami nang nagre-react sa social media.

"Napabalitang tigbak na ang State of the Nation ni Jessica Soho at Tonight with Arnold Clavio.

"Kailangang i-repitch ang mga show at mapatunayang kayang kumita ng mga ito."

Ang iba pang shows sa GMA News TV na naghihingalo—kung hindi man sibak na—ay Biyahe ni Drew (Drew Arellano), QRT (Emil Sumangil), Balitanghali (Raffy Tima, Connie Sison, Mark Salazar, Mav Gonzales), News TV Live, at Good News (Vicky Morales).

Gayundin ang Ang Pinaka (Rovilson Fernandez), Pop Talk (Tonipet Gaba), Pinas Sarap (Kara David), Bawal Ang Pasaway (Winnie Monsod), Reel Time, at Investigative Documentaries (Malou Mangahas).

Wala raw assurance na makakabalik pa ang mga ito.

Basta, kailangang masigurado munang mabebenta ang mga programa.

Ang wino-worry raw kasi ng staff, kung tuloy ang tanggap ng cash advance, malulubog sila sa utang.

Nang isangguni natin ito sa isang kaibigang taga-GMA, ang sabi lang niya ay "Not True."

Continue reading below ↓

Well, ang pruweba nito ay kung mabubuhay na ulit ang mga nabanggit na shows at kung full blast na ulit ang pagte-taping ng mga bagong entertainment content ng network.

Imo-monitor natin ito.

JERRY OLEA

Laganap pa rin ang COVID-19 sa kabila ng safety protocols and guidelines na ipinatutupad ng TV programs.

Kaya nauunawaan ko kung may Kapuso programs na nauudlot ang pagte-taping, at may mga artistang bigla na lang nagbabakasyon.

Basta, aliw overload ang hatid ng bagong episodes ng The Boobay and Tekla Show umpisa sa Setyembre 13, Linggo, 10:00 p.m.

Mapapanood ito pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Iso-showcase ni Mark Bautista ang kanyang improvisational comedic skills sa “Boobay and Tekla Presents…. Si Malakas at si Maganda.”

Ang gaganap na Malakas ay si Mark, ang Maganda ay si Boobay, at ang narrator ay si Tekla.

Itatampok sa segment na "Pasikatin Natin ‘To!" ang funny videos na ipinadala ng viewers.

Continue reading below ↓

Nagbabalik ang outrageous letter-reading segment na "Dear Boobay and Tekla."

Bibisita sa studio ang standees nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Sanya Lopez at Gabbi Garcia.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang travel show ni Drew Arellana (left) na "Biyahe Ni Drew" at daily afternoon newscast na Balitanghali sa mga posibleng tanggalin nang tuluyan sa ere, ayon sa showbiz insider na nakausap ng PEP Troika.
PHOTO/S: Screengrab from Biyahe ni Drew / Balitanghali
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results