Pista ng Pelikulang Pilipino, tuloy pa rin kahit may pandemya

by PEP Troika
Sep 11, 2020
FDCP Chair Liza Diño on conflict with industry stakeholders: "Baka miscommunication o misunderstanding lang talaga yung namagitan between the agencies and the PMPPA in terms of how FDCP is launching and implementing our programs and the policies ngayon na ginagawa natin para protektahan ang mga workers."
PHOTO/S: @lizadino Instagram / FDCP

GORGY RULA

Bahagi ng pagtatapos ng pagdiriwang ng "Sine Sandaan: 100 Years of Philippine Cinema," magkakaroon ng online concert si Ice Seguerra bilang pakikibahagi sa pagdiriwang na ito.

Mapapanood ito ngayong alas-singko ng hapon sa Facebook page at YouTube channel ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Kasabay ng pagtatapos ng Sine Sandaan, ilulunsad na rin ng FDCP ang "Sine Sandaan: The Next 100."

Maaari ninyong ma-check sa website ng fdcp.ph ang events at activities na pinuno na ang buwan ng Setyembre.


Continue reading below ↓

PPP TULOY SA KABILA NG PANDEMYA

Pero ang isa sa gusto kong abangan sa malaking activities ng FDCP ay ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa Oktubre.

Ang nakakalungkot lang, hindi natin ito mapapanood sa mga sinehan, pero tuloy pa rin ang annual film festival.

"Online siya, pero it’s going to be in the FDCP platform. We created an exclusive platform for PPP 2020," anunsiyo ni FDCP Chair Liza Diño.

Nakapanayam si Liza sa isang mediacon via Zoom noong Huwebes, September 10.

Mahalaga raw na patuloy ang paggawa ng pelikulang Pilipino sa kabila ng pandemya.

"We need local content. Ayaw nating masanay sila sa K-drama o puro foreign films ang napapanood nila.

"All the more na dapat tayong maging masigasig na makakapagpalabas tayo ng Filipino films, kasi nandiyan sila sa mga bahay nila.

"As long as the spirit is there, naniniwala ako na the production see the value and they see FDCP as an ally to make this happen para sa ating mga manonood."

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Liza na nandiyan pa rin ang kooperasyon ng film producers lalo na ang mga miyembro ng PMPPA o Philippine Motion Pictures Producers Association.

LIZA ON CONFLICT WITH INDUSTRY STAKEHOLDERS

Aware tayo sa isyu sa pagitan ni Liza laban sa mga taga-PMPPA at pati sa Inter-Guild Alliance, at hindi pa raw nagkaroon ng pagkakataong magkausap sila.

Iyon ay may kinalaman sa pag-alma ng PMPPA, Inter-Guild Alliance, at iba pang industry stakeholders laban sa umano'y mapangsikil na mga polisiya na pilit ipinatutupad ng FDCP sa audio-visual industry.

Pero puwede naman daw magkaisa alang-alang sa ating movie industry.

Sabi ni Liza, "Sana talaga, at some point, there’s a chance to talk.

"Kasi, baka miscommunication o misunderstanding lang talaga yung namagitan between the agencies and the PMPPA in terms of how FDCP is launching and implementing our programs and the policies ngayon na ginagawa natin para protektahan ang mga workers.

"But with other institutions, yes, we are coordinating with them sa iba’t iba nating activities.

Continue reading below ↓

"Even if walang pag-uusap with PMPPA mismo as a whole, yung ibang event ng PMPPA especially for PPP next month, individually with other production companies… we are in talks sa mga pelikulang i-acquire natin na ipapalabas natin para sa PPP.

"Yes, we’ve been talking to Viva. Nagkaroon na rin kami ng pag-uusap with other producers and production companies."

Ang Viva ay isa sa 22 film companies na miyembro ng PMPPA.

Patuloy ni Liza: "So, siguro, ang nakikita ko naman dun is, hindi naman sa lahat ng panahon we need to see things eye to eye.

"As long as meron tayong common ground… ang goal natin is mas makakapagpalabas ng pelikula para sa audiences natin lalo na ngayong pandemya."

NOEL FERRER

Maganda kung matutuloy pa rin ang PPP kahit na mga old PPP at Filipino movies ang mapapanood online.

Balita nami’y ang restored version ng Maynila Sa Kuko Ng Liwanag ay isa sa highlights dito.

Continue reading below ↓

Natuwa rin ako nang mabalitaang tuloy rin ang Cinema One Originals sa November.

Pero tulad ng Cinemalaya, magpo-focus daw ito sa short films. Kailangan talagang i-jumpstart muli ang industriya ng pelikula ng clean slate. Sana, soon.

JERRY OLEA:

Star-studded ang Sine Sandaan: The Next 100 virtual concert sa September 30.

Ayon sa media announcement ng FDCP, "To officially close the Philippine Cinema Centennial, FDCP will host and stream Sine Sandaan: The Next 100, a two-hour virtual event that encapsulates our aspirations for the future of Philippine Cinema."

Magpe-perform dito sina Lani Misalucha, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga, The Company, Acapelago, Robert Seña, at Isay Alvarez.


Continue reading below ↓

Lea Salonga, Martin Nievera, Gary Valenciano, and Lani Misalucha

Samantala, nagsanib-puwersa ang FDCP at The Manila Times Broadcasting Corporation (TMT) para sa online movie streaming platform na Sine Sandaan on The Manila Times TV.

Mag-uumpisa ito sa Setyembre 18, Biyernes at tatagal ng labintatlong (13) linggo.

Mapapanood ng cinephiles saan mang panig ng mundo ang mga pelikulang Ang Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro (directed by Sigfreid Barros Sanchez), Bahay ng Lagim (Celso Ad. Castillo), at Sigaw sa Hating Gabi (Romy Suzara).

Bahagi ang mga ito ng "Spotlight" section, at libre ang mga ito sa The Manila Times TV.

Budget-friendly ang classics sa "Masters" section kung saan kabilang ang Maynila sa Kuko ng Liwanag (Lino Brocka), Pagdating sa Dulo (Ishmael Bernal), at Genghis Khan (Manuel Conde).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chair Liza Diño on conflict with industry stakeholders: "Baka miscommunication o misunderstanding lang talaga yung namagitan between the agencies and the PMPPA in terms of how FDCP is launching and implementing our programs and the policies ngayon na ginagawa natin para protektahan ang mga workers."
PHOTO/S: @lizadino Instagram / FDCP
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results