Reply 1988, mapapanood sa TV5; Alden Richards, host ng documentary sa GMA-7

by PEP Troika
Sep 12, 2020
Maraming bago sa TV ngayong September. Sa TV5, ilulunsad ang mga K-drama, gaya ng Reply 1988 (L). Sa GMA-7 naman, may documentary si Alden Richards (R) na pinamagatang Lockdown: Food Diaries.
PHOTO/S: File/ PR

JERRY OLEA

Annyeonghaseyo, mga Kapatid!

Mapapanood ang K-dramas na Reply 1988 at Wok of Love simula September 21, Lunes, sa TV5. Laveeet! Dae-bak!

Lunes hanggang Biyernes ng gabi, back-to-back ang kilig.

Ang time slot ng Reply 1988 ay 8:30-9:00 p.m. Tungkol ito sa limang magkakaibigan at mga pamilya nilang magka-kapitbahay sa Dobong district ng Northern Seoul. Bida rito sina Park Bo-gum, Lee Hye-ri, Go Kyung-pyo, Ryu Jun-yeol, at Lee Dong-hwi.

Patok sa mga kritiko at manonood ang Reply 1988, na ipinalabas noong Nobyembre 6, 2015 hanggang Enero 16, 2016 sa tvN.

Samantala, 9:00-9:30 p.m. naman ang time slot ng Wok of Love, na isang nakakahalinang love story na masasarap at maiinit ang timpla at sangkap.

Bida rito sina Lee Jun-ho, Jang-hyuk, at Jung Rye-won.

Ipinalabas ito mula Mayo 7 hanggang Hulyo 17, 2018 sa SBS.

"Sagot namin ang inyong gamot sa K-fever!” pangako pa ng TV5 sa Facebook post nito noong Setyembre 11, Biyernes.

Continue reading below ↓

Keber sa trending na #CancelKorea, lalo pa’t lumutang na ang #SorryToFilipinos sa Twitter.

NOEL FERRER

Ok namang ma-appreciate ang K-dramas, lalo na at maayos ang kanilang storytelling at pulido ang technical values. Pero kaya rin natin iyan!!!

Ang Sa Iyo Ay Akin is taking on the fast pace and the great acting of its cast at kita mong mala-A World of The Married Couple.

Yung Pinoy remake ng Descendants Of The Sun ay nag-last taping day na rin, habang ang Love Thy Woman ay tuluyang nagtapos na.

Magwawakas na rin ang A Soldier’s Heart.

Sa September 28 naman ang premiere ng Walang Hanggang Paalam, starring Angelica Panganiban, Arci Muñoz, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, ng Kapamilya network.

At may niluluto rin silang bagong soap na Cara Y Cruz (Julia Barretto) at isang KathNiel teleserye.

Ang GMA-7, may bago namang mini series.

Sana, dumating ang pagkakataon na ang TV5 ay hindi lang Korean TV ang mapo-promote kundi mga gawang Pinoy rin!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

May mga bagong pasiklab ang GMA Network.

Si Alden Richards ang host ng Kapuso documentary na Lockdown: Food Diaries, na eere sa Setyembre 27, Linggo, at 3:45 p.m.

Tatalakayin sa dokyu kung paano binago ng pandemya ang food industry, at kung paano nag-adjust ang iba’t ibang sector upang harapin ang epekto ng COVID-19.

Ewan kung tuloy pa rin ang “Love on the Balcony” episode nina Alden at Jasmine Curtis-Smith sa anthology na I Can See You, na mapapanood ngayong Setyembre sa GMA Telebabad.

Nakunan na ang “The Promise” episode ng I Can See You, kung saan nahulog ang loob ng biyudong multi-millionaire na si Frank Agoncillo (Paolo Contis) sa aspiring artist na si Ivy Teodoro (Andrea Torres).

Kasama rin dito sina Yasmien Kurdi at Benjamin Alves.

Sa pagtatapos ng taping ng Descendants of the Sun, sumaludo si Dingdong Dantes sa leading lady na si Jennylyn Mercado.

Pinost ni Dingdong sa Instagram ang litrato nila ni Jennylyn habang nagbabasa ng script kasama ang kanilang director na si Dominic Zapata para sa last scene ng kanilang mga karakter na sina Capt. Lucas (Dingdong) at Dra. Maxene (Jennylyn).

Continue reading below ↓

Post ni Dingdong, “A snappy salute to @mercadojenny for such an excellent and effective performance! Maraming salamat. ‘Pass your papers’ na kami.”

Kasama sa Descendants of the Sun sina Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Jon Lucas, at Prince Clemente.

Pagkatapos mapanood ang special comeback episode last Saturday, Setyembre 5, may fresh episode ang Pepito Manaloto sa Setyembre 12, Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Ano nga ba ang naganap sa bahay nina Pepito (Michael V.) bago nagsimula ang community quarantine noong Marso?

Habang busy sa last-minute deliveries para sa cupcake business si Elsa (Manilyn Reynes), nag-aalala siya dahil sumama ang pakiramdam ni Pepito at nagpakita ng symptoms ng COVID-19.

Mas nabahala siya nang i-recommend ng doctor na magpa-swab test na ang asawa. Ano kaya ang magiging resulta?

GORGY RULA

Kahit tadtarin ni Bella Poarch ng tattoo ang buong katawan at lumaki pa itong isyung #CancelKorea at #SorrytoFilipinos, hindi mababago ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa K-dramas.

Continue reading below ↓

Nasundot kasi talaga nila ang kiliti ng mga Pinoy, kaya kahit mga artista natin na nagbibida sa teleserye ay nababaliw na rin sa Korean actors.

Nakakalungkot lang kapag napapanood mo online ang teaser ng bagong teleserye ng ABS-CBN dahil effort kung gusto mong mapanood.

Sayang, ang laki pa namang tingnan. Ginastusan at pinagsumikapang mapaganda. Dapat talagang mapanood na sila sa free TV, pero parang malabo pa.

Hindi pa rin daw nagkaayos at wala pang katiyakang matutuloy ang launching nila sa Setyembre 28 sa Zoe TV.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maraming bago sa TV ngayong September. Sa TV5, ilulunsad ang mga K-drama, gaya ng Reply 1988 (L). Sa GMA-7 naman, may documentary si Alden Richards (R) na pinamagatang Lockdown: Food Diaries.
PHOTO/S: File/ PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results