May epekto ba sa imahe ni Piolo Pascual ang rebelasyon ni BB Gandanghari?

by PEP Troika
5 days ago
Magbabago ba ang pagtingin ng publiko kay Piolo Pascual dahil sa mga rebelasyon ni BB Gandanghari tungkol sa romantic encounter nila sa San Francisco, California?
PHOTO/S: courtesy of Gorgy Rula

GORGY RULA

Sa kabila ng pagkakadamay kay Piolo Pascual sa negatibong isyung pinaputok ni BB Gandanghari, tila hindi nabago ang pagtingin sa kanya ng mga tao.

Sa radio program namin sa DZRH, gabi-gabi ay nakakatanggap kami ng mensahe mula sa fans na nagsasabing naaawa sila kay Piolo at galit sila kay BB.

Sa totoo lang, sa gitna pa ng isyung ito ay na-close ang kanyang endorsement para sa Beau Charcoal soap nang walang ka-effort effort.

Crush na crush siya ng company president na si Rhea Anicoche-Tan.

Pero dahil sa quarantine na dulot ng COVID-19, nangyari ang contract-signing at pictorial habang nasa Makati City si Piolo at nasa Angeles City, Pampanga, ang may-ari ng kumpanya.

JERRY OLEA

You can never put a good man down, ika nga.

Sa lata ng mga bulate na binuksan ni BB, kikiwal-kiwal ang negatrons, at tinitimbang kung sino ang laos at kung sino ang pinagkakatiwaan ng madla.

Continue reading below ↓

Nananahimik si Piolo, kinaladkad ni BB sa mga eskandalosang pahiwatig. May mga pangangatwiran si BB na lubha yatang malalim at hindi natin malirip.

Pero kahit ano pa mang putik ang pilit na ikulapol kay Piolo, patuloy natin siyang mamahalin.

NOEL FERRER

Hindi natin totally masasabing hindi nababago ang pagtingin ng tao kay Piolo.

Nananatili pa rin ang mga tanong sa kanya, hindi lang sa personal na buhay kundi pati sa mga gawi niya kaugnay ng pulitika.

Halimbawa rito ay ang pagkakasama niya sa gawain ng Philippine Communications Operations Office under Malacañang para sa State of the Nation (SONA).

Bagamat sinabi niya sa statement na "This isn't about the President," may mga kumukuwestiyon pa rin sa kanya, and, at the height when his co-workers in ABS-CBN were asking government to look into the network’s franchise renewal, he joined at the last minute.

Suwerte nga lang sigurong matatawag iyon dahil may produktong nagtitiwala pa rin sa kanya bilang endorser. They possibly deserve each other para maging mutually beneficial sa kanilang interests.

Continue reading below ↓

In the end, marami pa ring kailangang linawin si Piolo. At darating yun sa takdang panahon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magbabago ba ang pagtingin ng publiko kay Piolo Pascual dahil sa mga rebelasyon ni BB Gandanghari tungkol sa romantic encounter nila sa San Francisco, California?
PHOTO/S: courtesy of Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results