Sa pagtatapos ng Gameboys, what's next: Season 2 o movie?

by PEP Troika
5 days ago
Sa pagwawakas ng season one ng Gameboys, ano ang aabangan ng fans nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas? Season two ba o movie?
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Magwawakas na ang first season ng Pinoy BL series na Gameboys ngayong Setyembre 13, Linggo ng 8:00 p.m., sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Parang kailan lang na pinukaw tayo ng panghaharot ni Gavreel (Kokoy de Santos) kay Cairo (Elijah Canlas) sa isang laro.

Nabulabog tayo sa paglalaro ni Pearl (Adrianna So), na inakala nating bubog sa CaiReel.

Nagngitngit tayo sa mga hirit ng hitod na si Terrence (Kyle Velino).

Nakiluha tayo sa pighati ni Cairo nang pumanaw ang kanyang ama.

At kilig overload tayo sa pagtatagpo nina Cai at Gav—sa kanilang unang yakap, unang halik, at pagliliwaliw nang magkahawak-kamay habang umaambon.

Sa pagsapit ng season finale ng pinakamagandang Pinoy BL series sa balat ng lupa, naglalaro sa ating diwa kung ano ang ihahayag ng The IdeaFirst Company.

Nagsu-shoot na ang Girls' Love (GL) series na Pearl Next Door. Ito na ba ang isusunod sa Gameboys series?

Continue reading below ↓

Bago na-extend for three more episodes ang Gameboys series, tinatapos na ang screenplay ng Gameboys the movie.

Magsu-shooting na ba ang EliKoy ng nasabing pelikula?

Laganap pa rin ang COVID-19. Ang Episode 13 ay finale ng Season 1.

Isusunod na ba ang Season 2 bago ang movie version? O may paayuda na lang muna ang The IdeaFirst Company?

Puwede bang mag-eyeball ang Gameboys fans sa Emerald Avenue o sa RAVE Rainforest Park ng Pasig City? Ano sa palagay ninyo?

NOEL FERRER

Excited ako sa sa Finale ng Gameboys Season 1.

Habang paparami ang nagpupumilit pantayan ang na-achieve ng Gameboys na tunay nga namang breakthrough project ngayong pandemic, parang nakaalagwa na ang grupo ng IdeaFirstCompany sa pag-establish ng kanilang brand.

Mga icon-building moves ang susunod nilang pasabog. May major pictorials para sa isang major endorsement. Kasali na sila sa pop-culture subjects na pinag-aaralan sa mga eskuwelahan.

Kaugnay nito, sasabak sa isang class-on-air ang creative team ng series at mga aktor sa Radyo Katipunan next Friday, Setyembre 18.

Continue reading below ↓

Hindi malayo na dahil signifciant at pioneering ang kanilang effort sa industriya, magandang ma-document ang success nila (parang AlDub) at magkaroon ng libro (or educational material) na puwedeng pag-aralan at balik-balikan.

Hindi rin malayo talaga na dahil sa success nila ay magkaroon ng Season 2. Dapat lang, di ba? Abangan na lang natin ang kanilang mga pasabog.

Good luck, Team Gameboys!

GORGY RULA

"I refuse to miss you," sabi ni Elijah kay Kokoy nang nakapanayam sila ni Allan Diones sa kanyang online show na 2WAD.

Nangako silang dalawa na tuluy-tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.

Nabuo ang magandang friendship na kinagiliwan ng fans.

Kung gusto ng IdeaFirst na magkaroon pa ito ng karugtong at ituloy pa rin ang kanilang love team, paano na makakapag-move on sina Elijah at Kokoy sa kani-kanyang career?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagwawakas ng season one ng Gameboys, ano ang aabangan ng fans nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas? Season two ba o movie?
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results