Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, suportado ng fans; Maine Mendoza, pinaratangang walang amor sa AlDub Nation

by PEP Troika
Sep 14, 2020
Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith (kaliwa), magtatambal sa Kapuso anthology na "I Can See You." Maine Mendoza (kanan), sinagot ang sentimiyento ng ibang netizens na tila wala itong amor sa AlDub experience nito noon.
PHOTO/S: @kapusoprgirl / @mainedcm Instagram

JERRY OLEA

Pinag-ingatang si Jasmine Curtis-Smith ay huwag ma-link kay Alden Richards sa promo ng pelikulang Imagine You And Me na ipinalabas noong Hulyo 13, 2016.

First anniversary presentation kasi ng AlDub ang nasabing pelikula.

Ngayon ay magkatambal sina Alden at Jasmine sa “Love on the Balcony” episode ng Kapuso anthology na I Can See You, na malapit nang umere.

Nag-tweet si Kapuso PR Girl ng behind-the-scenes ng nasabing episode nitong Setyembre 13, Linggo.

Continue reading below ↓

Pinusuan ng netizens ang tandem nina Alden at Jasmine, at marami ang nagsabing bagay na bagay sila.

Parehong mahusay umarte sina Alden at Jasmine kaya malamang na maganda ang chemistry nila, kahit matagal-tagal nang may boyfriend ang young actress.

GORGY RULA:

Tapos na rin siguro ang isyu ng AlDub Nation sa tambalan nina Alden at Maine Mendoza.

Kaya nakikita ang pagmamahal at suporta nila kay Alden kahit wala na ang tambalang AlDub.

Si Maine nga ang tila nagkakaisyu sa mga taga-AlDub dahil sa dinadalang sama ng loob ng ilan sa kanya.

Kahapon, September 13, sinagot ni Maine ang ilang netizens na tila nanunumbat sa kawalan daw ng amor ni Maine sa AlDub Nation.

Tweet ng netizen, "being part of ADN was such a positive experience for me, too bad u dont see it that way. hope u find ur own happiness and light @mainedcm."

Kinontra ito ni Maine.

Direktang sagot ni Maine sa netizen, "???? Seryoso itong tanong.. saan po ito nanggaling?"

Continue reading below ↓

Sinundan ito ni Maine ng isa pang tweet kalakip ng sentimiyentong "deserve" daw ng actress-host ang narating nito bilang kalahati ng tambalang AlDub.

Pero tanong ng netizen, Bakit mga "negative things" ang "tumatak" kay Maine?

Nilinaw ni Maine na hindi ang AlDub Nation ang tinutukoy niya sa mga ipinu-post sa social media.

"Nakita ko ito, gets ko.. na hindi. Honestly hindi ko alam kung bakit lagi kayong galit sa akin kahit hindi naman ADN ang tinutukoy ko sa mga sinusulat ko.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit iniisip niyo na laging patungkol sainyo yung mga sinasabi ko kasi hindi naman."

Ang pakiusap na lang ni Maine ay huwag na sanang pairalin ang galit sa puso.

"Bakit hindi nalang tayo mamuhay ng payapa lahat? Suportahan nalang ang gustong suportahan? Kailangan lagi may panunumbat at labasan ng sama ng loob?"

Habang buhay naman daw siyang nagpapasalamat sa lahat na sumuporta at nagmahal sa kanya, taga-AlDub Nation man o hindi.

Continue reading below ↓

Diretsong saad ni Maine: "Nirerespeto ko yung umalis at yung mga nanatili. Pero sana doon sa mga umalis, hayaan na sana natin ang isa’t isa.

"Wag na pairalin ang 'galit' sa puso. Masaya ako sa buhay ko ngayon, walang halong echos. Sana kayo din."

Samantala, lalong dumarami ang endorsements ni Alden. May bago na naman siyang produktong iniendorso.

Lumalabas ding prayoridad pa rin siya bilang homegrown Kapuso artist.

Tila sa kanya napupunta ang ibang magagandang projects, sa halip na ibigay sa ilang sikat na Kapamilya actors.

NOEL FERRER

Matatandaang si Jasmine ang third wheel sa AlDub movie na Imagine You And Me, na naging hit din.

Ngayon, reunited sina Jasmine at Alden sa telebisyon.

Kailangan ni Alden magkaroon ng foothold sa TV dahil matagal-tagal na rin mula nang magkaroon siya ng highly-rated narrative project sa telebisyon.

Oh well, ang maganda lang talaga ay mataas ang visibility ni Alden sa commercials, kaya kapit na kapit sa kanya ang masa.

Continue reading below ↓

Grabe ring active si Alden sa gaming na talaga namang alternative na pagkakakitaan.

All the best kay Alden!

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith (kaliwa), magtatambal sa Kapuso anthology na "I Can See You." Maine Mendoza (kanan), sinagot ang sentimiyento ng ibang netizens na tila wala itong amor sa AlDub experience nito noon.
PHOTO/S: @kapusoprgirl / @mainedcm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results