Dingdong Dantes, nagkamit ng Asian Star Prize sa 15th Seoul International Drama Awards

by PEP Troika
3 days ago
Si Dingdong Dantes ang ikaapat na Kapuso actor na nagkamit ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

Ayan na! Ayan na! Naglilipatan na ang mga Kapamilya sa Kapatid Network!

Siyempre, ang mga Kapuso ay hindi basta nganganga, lalo pa’t nagdiriwang sila ng ika-70 anibersaryo.

Kinilala rin si Dingdong Dantes bilang isa sa winners ng Asian Star Prize sa 15th Seoul International Drama Awards para sa pagganap nito sa Pinoy remake ng Descendants of the Sun.

Kapuso Primetime King na, Asian Drama Awardee pa!

Continue reading below ↓

Ini-announce ang pagwawagi ni Dingdong via live stream ngayong Setyembre 15, Martes.

Inialay ni Dingdong ang award sa lahat ng frontliners at sa mga kapwa Pilipino.

Aniya, “This award is a tribute to all frontliners in the world—soldiers, healthcare workers, and volunteers.

“This award is also for my loved ones and all the Filipino people. May we find consolation knowing that our stories are being appreciated especially during these trying times.

"Again, thank you very much. A snappy salute to you all."

Si Dingdong ang ikaapat na Kapuso star na nagwagi ng Asian Star Prize.

Nauna sina Dennis Trillo (2016), Gabby Concepcion (2017), at Alden Richards (2019).

NOEL FERRER

Whatever that award is, congratulations pa rin!

Hindi man ito Best Actor Award, Brightest Star naman siguro ito.

Maliban sa Kapuso Stars, sumasali ba rito ang Kapamilya o Kapatid stars?

Whatever it is, it still is an added recognition to our stars in the country. Congratulations pa rin!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Congratulations kay Dingdong na talagang inaabangan na ang pagbabalik sa primetime ng GMA-7 ang Descendants of the Sun.

Naunang ihayag ang Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun bilang Most Popular Foreign Drama of the Year noong Agosto 10.


Ito ang unang television program sa bansa na tumanggap ng nasabing pagkilala sa Seoul International Drama Awards 2020.

Continue reading below ↓

Hinihintay nating makabalik na ang mga primetime drama series ng GMA-7—Descendants of The Sun, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at sana magbabalik-taping na rin ang Love of My Life.

Exciting din ang weekly series na I Can See You, na ang episode nina Alden Richards at Jasmine Curtis titled “Love on the Balcony” ang magiging pilot episode.

Tapos na ring i-tape ang “The Promise” episode nina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Dingdong Dantes ang ikaapat na Kapuso actor na nagkamit ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results