KMJS, Amazing Earth, Dear Uge tumaas ang ratings nang maglabas ng fresh episodes

by PEP Troika
2 days ago
Kumpara sa replays, mas pinanood ng Kapuso viewers ang bagong episodes ng KMJS ni Jessica Soho, Amazing Earth ni Dingdong Dantes, at Dear Uge ni Eugene Domingo. Kumusta ang ratings ng ibang Kapuso shows?
PHOTO/S: GMA-7

GORGY RULA

Tumaas ang NUTAM ratings ng mga Kapuso primetime shows noong Sabado, September 12.

Ang bagong episode ng Pepito Manaloto ni Michael V. ay naka-20.3%, kumpara sa special comeback episode nito noong September 5 na naka-19%.

Ang replay Magpakailanman episode nina Katrina Halili at Dion Ignacio ay naka-20.6%, kumpara sa replay ding episode tungkol sa cyberporn family noong September 5 na naka-19.4%.

Ang Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza ay naka-12.3%, mas mataas sa previous episode na naka-11.3%.

Samantala, medyo bumaba ang fresh episode ng The Boobay and Tekla Show noong Linggo, September 13. Naka-6.2% lang ito, samantalang 8% ang replay episode nito noong September 6.

Iba kasi ang mga nakaraang episodes na wala pa yung physical distancing. Ang dami pang bawal sa bagong episodes kaya maaaring naninibago pa ang mga manonood.

Pero dapat talagang mga bago na ang mapapanood natin sa mga programa sa GMA-7.

Kahit ang Kapuso Mo, Jessica Soho noong nakaraang Linggo ay naka-22.5% lang, samantalang 24.5% noong September 6.

Continue reading below ↓


Medyo tumaas ang All-Out Sundays noong Linggo na naka-5.6%, dahil naka-5% lang ito noong September 6.

Ang Dear Uge ni Eugene Domingo ay naka-5.9%, mas tumaas nang konti sa rating noong September 6 na 5.4%.

Continue reading below ↓

Dapat mas mataas pa rito ang bago nilang episode sa darating na Linggo.

Pataas nang pataas ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-9.1% nung Linggo, mula sa 8.8% noong September 6.


Continue reading below ↓

Marami pang magagandang shows ang inaasahan ng mga manonood sa GMA-7 bilang ito lang talaga ngayon ang namamayagpag sa free TV.

Medyo hirap pa ring humabol ang mga bagong palabas ng TV5.

Ewan ko lang kung may malaking pagbabago kapag magsisimula nang iere ang mga bagong programang ipu-produce ng Brightlight Productions tampok ang mga sikat na Kapamilya stars.

JERRY OLEA

May fresh episode muli ang Dear Uge sa Setyembre 20, Linggo, na pinamagatang “Ang Dalawang Mrs. U.”

Sa istorya, ang biyudang si Stella (Eugene Domingo) ay kailangang manirahan kasama ang keridang si Nelda (Sanya Lopez) upang makuha ang mana mula sa pumanaw na asawa.

Legal wife vs pretty mistress! Ang referee, si Atty. George (Gardo Versoza).


Continue reading below ↓

Balik-taping na ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Sa Instagram video ni Snooky Serna noong Setyembre 13, Linggo, ipinasilip niya ang behind-the-scene moments kung saan naka-face mask siya, maging sina Barbie Forteza, Jay Manalo, Direk Mark de la Cruz, at mga production staff.

Nag-first taping day na si Lovi Poe para sa “High-Rise Lovers” episode ng I Can See You anthology noong Setyembre 13, Linggo.

Continue reading below ↓

Ibinalita ito ni Lovi sa Instagram, maging ng manager niyang si Leo Dominguez sa Facebook.


Co-stars ni Lovi sa episode na ito sina Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga, at Kenneth "Tetay" Ocampo. Ang director ay si Monti Parungao.

Continue reading below ↓

Sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Rhian Ramos naman ang magbibida sa isa pang episode ng I Can See You titled “Truly. Madly. Deadly.”

NOEL FERRER

Nakakaawa ang mga existing shows sa TV at kailangan nilang patunayan ang bisa ng kanilang fresh episodes vis-a-vis sa mga replay.

"Kung matatakot tayong mag-shooting, gutom ang papatay sa atin... hindi ang coronavirus," sabi ni Direk Joel Lamangan.

Walong araw (Setyembre 7-14) na straight nag-shoot si Direk Joel ng pelikula niyang Lockdown sa Cavite.

Maganda ang sinabi ni Direk Joel—na ipinost ng kaibigan nating Direk Armand Reyes —na makabubuting pag-isipan din ng mga nagpapatakbo ng TV networks.

Pahayag niya tungkol sa pagbabalik-shooting: "Huwag nating pairalin ang takot, dahil kung hindi tayo gagalaw, maraming film workers ang mamamatay sa gutom, hindi sa Covid.

"Kung sumusunod ka naman sa health and safety protocols, walang dahilan para matakot... there's no reason to worry."

Award-winning writer Eric Ramos hit it bull’s eye when he said, "Hindi naman takot ang movie [at TV] workers. Mga producer ang takot... Takot sa gastos."

Continue reading below ↓

Yun na!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumpara sa replays, mas pinanood ng Kapuso viewers ang bagong episodes ng KMJS ni Jessica Soho, Amazing Earth ni Dingdong Dantes, at Dear Uge ni Eugene Domingo. Kumusta ang ratings ng ibang Kapuso shows?
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results