Royce Cabrera ng Quaranthings, posible bang umibig sa bading?

by PEP Troika
6 days ago
Royce Cabrera on love that defies sex, gender, and gender identity: "Kumbaga, ang importante kasi, sa ugali tayo ng isang tao tumitingin, hindi sa kung ano ang panlabas nila. Dahil sa ugali nila, doon natin sila mas mamahalin."
PHOTO/S: Royce Cabrera Facebook

JERRY OLEA:

Okay lang kay Royce Cabrera na pansexual sa tunay na buhay si Kyo Quijano, ang katambal niya sa Pinoy Boys Love (BL) series na Quaranthings.

Ang pansexual ay tumutukoy sa romantic o sexual attraction sa isang tao, nang hindi tumitingin sa sex, gender, o gender identity.

Sabi ni Royce tungkol sa pakikipagtrabaho niya kay Kyo, "Hindi po ako naging awkward, kasi, nung first day namin sa set, para bang pinag-bonding muna ni Direk ang cast members at staff para maging magaan ang loob ng bawat isa."

Ang director ng nasabing eight-part online series ay si Pancho Maniquis.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP Troika si Royce sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa Facebook Messenger, ngayong Miyerkules ng hapon, Setyembre 16.

"Nagkakuwentuhan kami ni Kyo. Tapos, nagkaroon kami ng heart-to-heart talk para mas makilala namin ang isa’t isa," lahad pa ni Royce.

Kung napag-usapan man nila ni Kyo ang tungkol sa kani-kanilang dinaanang heartaches at pakikipagrelasyon, tikom ang bibig ni Royce ukol dito.

Continue reading below ↓

Sabi lang niya, "Lahat ng pinag-usapan namin, related lang din sa magiging takbo ng trabaho namin.

"Siguro po, yung tungkol sa heartaches, siya na ang makakasagot niyan. Hehehe!"


Si Royce ay bumida sa 2019 Cinemalaya Film na Fuccbois, kasama sina Kokoy de Santos, Yayo Aguila, at Ricky Davao.

Continue reading below ↓

Nitong August 2020, inanunsiyo na nominado si Royce bilang Best Actor at si Ricky bilang Best Supporting Actor sa 43rd Gawad Urian dahil sa kanilang natatanging pagganap sa pelikula.

Si Kyo ay Youtube vlogger na may 1.88 million subscribers. Ang most-watched vlog niya ay isang episode ng binuo niyang kilig mini-series, na umani ng 4.3 million views.

ROYCE'S SEXUAL ORIENTATION

Inusisa rin namin kung sigurado ba si Royce sa sarili na straight siya o kung may bahid siya ng pagiging pansexual.

Paglilinaw ng 25 anyos na si Royce, "Si Rocky po na character ko sa Quaranthings ay isang pansexual.

"Pero ako mismo, si Royce, ay straight po. Hehehe!"

Sa totoong buhay, keri ba niyang magmahal ng bading o pansexual?

"Ngayon po kasi, open-minded na ang mga tao, tapos, 2020 na rin," matamang saad ni Royce.

Naniniwala raw siya na hindi isyu ang sexual orientation pagdating sa pag-ibig.

Paliwanag niya: "Marami nang bagong nangyayari, so, dapat hindi na rin iba iyung mga ganitong klaseng katangian.

Continue reading below ↓

"Kumbaga, ang importante kasi, sa ugali tayo ng isang tao tumitingin, hindi sa kung ano ang panlabas nila.

"Dahil sa ugali nila, doon natin sila mas mamahalin."

Pabirong hirit pa ni Royce kung posibleng magmahal siya ng bading, "Kaya depende rin po, hindi ko rin masasabi sa ngayon. Hehehehe!"

Continue reading below ↓

ONSCREEN CHEMISTRY WITH KYO

Klik ang tandem nila Royce at Kyo sa Quaranthings.

Ang Episode 1 (“Quarantine Pass”) na nag-premiere noong Setyembre 4, Biyernes sa YouTube channel ng Ride or Die ay naka-766,000 views na.

Ang Episode 2 (“Alcohol”) na in-upload noong Setyembre 11 ay naka-464,000 views na.

Nagagalak na reaksiyon ni Royce, "Siguro po, nag-click kami dahil mas Pinoy iyung atake ng story namin, na karamihan talaga ay nakaka-relate sa bawat character na ginagampanan namin. Kaya mas nabigyang-pansin din siguro."

Sa mga eksenang may physical contact sila ni Kyo, ano ang naramdaman niya? Nadadarang ba siya? O si Kyo ang nag-iinit sa kanya?

Sagot ulit ni Royce, "Tulad nga po ng sinabi ko, nawalan na kami ng awkwardness sa isa’t isa.

"Kaya pag merong eksena na may body contact, e, ginagawa talaga namin nang tama at walang ilangan."

Ano pa ang biruan nila ni Kyo? Tinutukso ba sila ng co-workers na baka ma-develop sila sa isa’t isa?

Continue reading below ↓

"Parte naman ng trabaho namin iyun lalo pa at kailangan talaga namin magkaroon ng chemistry sa isa’t isa," kaswal na sagot ni Royce.

"So, kung tinutukso man kami, e, ayos lang. Kasi, para sa amin, mas nakaka-build up ng confidence iyun para sa kilig factor na tinatawag. Hahaha!"

Continue reading below ↓

GORGY RULA:

Bawal Jugmental, sabi sa Eat Bulaga.

Pero nababadingan kasi ako kay Kyo. Parang hindi sila nagkakalayo ni Awra Briguela na may katarayan ang bading. Iyun ay tingin ko lang na maaring mali ako.

Diyan sa Quaranthings ay parang may mali sa casting dahil marami pang puwedeng gumanap sa role na naibigay kay Kyo.


Continue reading below ↓

Lalo nang kinuha nila si LJ Moreno ang gumanap na nanay niya. Parang mag-ate lang ang dating nila.

Pero naaliw ako sa Pinoy BL series na ito.

Sabi ni Royce nang nakatsikahan namin sa DZRH last week, maaaring ang seryeng ito ang isa sa huli niyang pagpapa-sexy.

Gusto niyang makagawa ng iba pang projects na hindi na kailangang magpa-sexy.

Magaling kasi siyang umarte kaya kaya naman niya.

Pero sa panahon ng pandemya, magpapaka-choosy ka pa ba sa projects na iniaalok sa iyo?

NOEL FERRER:

Variety of roles ang habol ni Royce na tama naman.

One film does not make an actor.

Kailangang maging consistent ka sa iyong kahusayan and part of it is being guided and working with the best people.

Mas may makakapagbigay pa kay Royce niyon kaysa sa kapartner niya sa Pinoy BL project niya.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Royce Cabrera on love that defies sex, gender, and gender identity: "Kumbaga, ang importante kasi, sa ugali tayo ng isang tao tumitingin, hindi sa kung ano ang panlabas nila. Dahil sa ugali nila, doon natin sila mas mamahalin."
PHOTO/S: Royce Cabrera Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results