Boobay at Super Tekla, nagsigawan sa GMA-7 compound; Tom Rodriguez, nangapa sa taping

by PEP Troika
Sep 16, 2020
Mga komedyanteng sina Boobay at Super Tekla, sinalubong ng prank ang celeb guests ng TBATS. Kapuso actor Tom Rodriguez, nagbahagi ng karanasan sa first day of taping para sa I Can See You.
PHOTO/S: TBATS / I Can See You BTS

JERRY OLEA:

Mapapanood na ang bagong Kapuso anthology na I Can See You simula Setyembre 28, Lunes, sa GMA Telebabad block.

Hindi namin nakumpirma kung ang “Love on the Balcony” nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith pa rin ang buena mano rito.

Nauna kasing i-shoot ang “The Promise” nina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves at Yasmien Kurdi. Kinunan iyon ng team ni Direk Zig Dulay sa Cavinti, Laguna.

Nitong Setyembre 13, Linggo nag-first day shoot ang “High Rise Lovers,” na tinatampukan nina Lovi Poe, Winwyn Marquez, Tom Rodriguez, Teresa Loyzaga, at Kenneth “Tetay” Ocampo.


Continue reading below ↓

Istorya ito ng mag-asawang dadaan sa pagsubok dahil sa kaibahan ng kani-kanyang pangarap sa buhay.

Maingat at mahigpit na sinunod ng cast and crew ng “High Rise Lovers” ang safety protocols sa taping noong Linggo.

Dumaan sa swab testing ang lahat ng bumubuo ng serye bago sumabak sa taping.

Kapansin-pansin sa behind-the-scene (BTS) photos ang pagsunod sa social distancing, pagsusuot ng protective gear, maging pag-disinfect at pag-sanitize ng kapaligiran.


Continue reading below ↓

Habang lunch break noong Linggo, September 13, nag-post si Tom sa Instagram Story ng karanasan niya sa set.

"Grabe, sobrang enjoy. It feels great to be working. Kasama ko yung cast ng crew. Iba pa rin talaga yung pakiramdam na hindi lang sa Zoom yung trabaho. Yung nandito kayo.

"Siyempre, maraming nagbago. Konti lang yung tao. Kailangan, social distancing pa rin. And siyempre, yung ibang mga eksena na usually magagawa mo na may physical touching, medyo dito, iniiwasan na talaga.

"Ganoon pa man, I’m so proud of our team here. Everyone’s been great talaga, and sumusunod talaga sa protocols. We’re doing our best that we can."

Dahil matagal ding nagpahinga dahil sa enforced quarantine, aminadong nangapa si Tom sa unang sabak niya sa mga eksena.

"Although kanina, I have to admit, naninibago ako uli. Hehehe! Di ako sanay.

"First eksena ko, napakabigat na eksena. And medyo hindi ako satisfied sa ginawa ko.

Continue reading below ↓

"Hiyang-hiya ako na baka ako yung naging cause ng delay sa mga kasamahan ko."


Inihalintulad niya sa first day of school ang kanyang pagbabalik-trabaho.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Tom: "Siyempre, 12 hours lang yung limit namin sa isang araw kesa dati na 24. Maximized namin.

"So, kailangan, importante, mahalaga na magawa yung bawat eksena. So, kanina, medyo naninibago lang.

"First taping. Parang bagong pasok uli sa eskwelahan, may ano, kaba. Hahaha! Pero I'm happy to be back!"

GORGY RULA:

Napaka-challenging ngayon para makabuo ng isang TV show na maraming bawal at maraming iiwasan dahil sa ipinapatupad na safety protocols.

Kaya dapat malawak ang imahinasyon ng writers para makabuo ng kuwentong tututukan ng mga manonood kahit may panay physical distancing at bawas sa physical contact.

May ibang tinanggap ang hamon at kung anu-ano ang naiisip para lang maging interesting ang isang show.

Kagaya nitong bagong episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS), nabulabog ang mga security guards sa ground floor ng GMA-7 nang biglang magsigawan sina Boobay at Super Tekla.

Napaniwala nila ang mga walang ideya sa show na talagang nag-aaway sila.

Continue reading below ↓

Iyun pala, prank nila iyon sa special guests nilang magkasintahang Jason Abalos at Vickie Rushton.

Ang saya ng segment na iyun na mapapanood sa Linggo, September 20!


NOEL FERRER:

Muli, masaya ako na fresh content na naman ito mula sa GMA!

Sana, magtuluy-tuloy na ito at hindi na nila maisip na i-alternate pa sa replay para ganahan lahat—mga artista, production, at audience!

Continue reading below ↓

At least, masasabi na natin ang title nito sa mga Kapuso... I Can See You... regularly!!!

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga komedyanteng sina Boobay at Super Tekla, sinalubong ng prank ang celeb guests ng TBATS. Kapuso actor Tom Rodriguez, nagbahagi ng karanasan sa first day of taping para sa I Can See You.
PHOTO/S: TBATS / I Can See You BTS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results