Marco Alcaraz, di pinayagan sa delivery room ng misis na si Precious Lara Quigaman

by PEP Troika
Sep 17, 2020
Nakatakdang magsilang ngayong Huwebes ng umaga, September 17, si Precious Lara Quigaman ng ikatlong anak nila ng aktor na si Marco Alcaraz.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Kahapon pa, September 16, nasa Makati Medical Center sina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz para sa final tests sa delivery ng former Miss International ng kanilang third baby.

Ngayong Setyembre 17, Huwebes umaga, nakatakdang magsilang sy Lara.

“Please pray for a safe delivery for Lara po. Sayang I was not allowed sa delivery room.

“First time po na hindi ako pinayagan dahil sa Covid rules ng hospital. Understandable naman,” sabi ng alaga kong si Marco.

Caesarean ang delivery ni Lara sa ikatlo nilang anak.

Papangalanan nila itong Moses Marc, after ng panganay nilang si Noah Lamar at ikalawang si Tobias Nolan, na taken after Biblical names.

Incidentally, birthday rin ngayong araw ni Tobias. In-advance na ng mag-asawa ang celebration ng birthday nito dahil makakasabay nga ng panganganak ng bagong baby ngayon.

Mapapanood ito sa vlog ng Alcaraz Family sa YouTube. Double celebration ang mangyayari, just in case.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nag-post si Lara ngayong Thursday morning sa kanyang Instagram at Facebook pages kaugnay sa second birthday ng anak na si Tobias Nolan.

Bahagi ng message ni Lara, “You have brought so much joy and kilig to our lives! My charming charming boy -- your sweet, naughty, funny and silly facial expressions fills mommy's heart with so much love and happiness!

“I'm sorry I can't be with you today on your actual birthday as we will soon welcome your baby brother... but know that mommy thinks of you and kuya noah all the time.

“May God always keep you, bless you, shower you with favor all the days of your life! May you grow up in fear, love and knowledge of the Lord, loving Him and desiring Him above all.

“May your life always declare the goodness and love of the Lord.

“I love you so much my kuya Tobin... happy birthday anak!”

Continue reading below ↓

Nakaka-good vibes ang family pictures ng mga Alcaraz, huh?!

GORGY RULA

Mabuti naman at tapos na ang Ghost Month (August) sa panganganak ni Lara.

Tiyak na magbibigay ng suwerte at blessing ang pagdating ng pangatlong anak ng mag-asawa.

Pero sa totoo lang, ito ang isa sa pangamba ni Vic Sotto noong hindi pa nakapanganak ang anak niyang si Paulina Sotto.

Continue reading below ↓

Ang hirap daw kasing manganak ngayon sa hospital dahil mag-isa lang ang nanay sa delivery room, at hindi puwedeng samahan ng asawa o sino mang miyembro ng pamilya.

Nakakatakot pa dahil makakasabay mo roon ang COVID patients. Kaya mahirap talaga ang manganak sa hospital.

Kaya napupuri ang mga bagong nanganak na sina Max Collins at Coleen Garcia dahil nagawa nilang mag-water birth na tiniis nila ang sobrang sakit dahil wala raw palang isinasaksak na Epidural.

Bukod kay Lara, nakatakda na rin palang manganak ngayong buwan ang komedyanang si Chariz Solomon.

REATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakdang magsilang ngayong Huwebes ng umaga, September 17, si Precious Lara Quigaman ng ikatlong anak nila ng aktor na si Marco Alcaraz.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results