GORGY RULA
Iwas-trolls daw kaya nag-decide si BB Gandanghari sumingil na ng bayad para sa vlog niyang BB Uncut.
Sa BB Uncut inilalahad ni BB ang mga nakaraan ni Rustom Padilla, ang kanyang dating katauhan, na bahagi raw ng memoirs na isasalibro.
Para sa mga handang magbayad ng membership fee, ito ang price range: $1.99 o PHP49 (BBnatics), $9.99 o PHP599 (BBlicious), at $99.99 o PHP5,999 (BBingers) kada buwan.
Mas mahal ang fee ng BBingers dahil may exclusive after-party live chat kasama si BB.
Pahayag ni BB nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules, September 16, “Yung BB Uncut is now for subcribers, for members only. And this is only because para maiwasan yung mga trolls.
“Para kung sino talaga yung interesadong makinig at may matutunan.
“Sadly, maaapektuhan yung mga taong medyo hindi makaka-afford, pero I just wanna have peace of mind when I say my story na walang trolls na makakapasok, na lahat na nakakapanood ay verified na emails and users, and I take it from there.”
Tuloy pa rin daw ang kanyang YouTube channel kung saan niya ibinabahagi ang kanyang BB Mornights, Bible study, at Hulahopping.
Pero sa BB Uncut mapapanood ng subscribers ang mga rebelasyon tungkol sa nakaraan ni Rustom.
“Yung BB Uncut is all about becoming. So, pinag-uumpisa pa lang. So, marami pa.
“It’s a memoir. I will be as honest as possible, but at the same time, alam ko naman ang boundaries ko.
“Kung babalikan niyo naman ang mga pinanood, wala naman akong iibahin dun.
"It’s just that ayokong isipin na… umabot na kasi ako sa puntong nagkakaroon ako ng, ‘Oh, is this too much?’ Ayokong umabot pa sa ganun,” saad ni BB.
Tiniyak din BB na hindi mapapahamak o mapapasama kung sino man ang susunod na mababanggit sa mga susunod niyang kuwento.
“Sa akin, kung palagay mo mababanggit ka, start watching BB Uncut, and you can see if I say one single word that can offend Carmina or Piolo."
Si Carmina Villarroel ang dating asawa ni Rustom Padilla.
Si Piolo Pascual ay isang A-list actor/endorser na, ayon sa salaysay ni BB, naka-trysting niya romantically sa San Francisco, California, noong 2001.
Patuloy ni BB, “Kung palagay mo mababanggit ka, watch it again, and see if one word… if I’d said was offensive. Puwede mo akong balikan.
“Ako kasi, hangga’t wala akong… I always pray when I say my story, that I will say the right words, because words can be very powerful.
"And I know I have a very sensitive story. I don’t wanna offend anyone, but I don’t want also to diminish my story.”
JERRY OLEA
Solid ang buwelta ni BB sa pasaring na pagkakakitaan ang mga pasabog niya sa BB Uncut.
“Life is a bitch. Inggit lang ang pinanggalingan niyan,” matatas niyang sambit sa DZRH.
“YouTube is a platform. Ang sa akin is… napakahirap kasi na lagi mong binabato na... natural, you have to be creative.
“Creator ka. You have to create. You really need to create, and I’m creating a book.
"So, ang daming tumitira, e, libre nga dapat iyan, e.
“Kaso, naapektuhan na ako. E, may mga taong gustong makinig at ready'ng magbayad, e, di dun na ako. Gawin natin ito.
“Hindi naman ito pangmatagalan, ano, pero I just need to get my integrity.
"At sinabi ko noon kay Mich Dulce, na naalala ko na tinanong niya... nako-confuse daw siya kapag artist ka, binabayaran ka.
“Sabi ko, ‘Sadly, we live in a very commercial world. And in this world, even your art, you have to sell to live.’
"Yun ang katotohanan, not to be hypocritical about anything, but come on, we are all in this platform, without even referring to the membership.”
Si Mich Dulce ay fashion designer na nakasama ni Rustom Padilla sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong 2006.
Sa reality show na ito ng ABS-CBN umamin si Rustom ng "I am gay."
Pagkalipas ng tatlong taon, noong 2009, nagdesisyon si Rustom na maging trans woman gamit ang pangalang BB Gandanghari.
Ayaw ni BB ng mga nambu-bull sh*t eme-eme.
Pagdidiin niya, “This platform is created for people to be creative and earn.
“Now, if I’m earning... hindi ba puwede? Grabe naman. Diyos ko! Kailangan ko rin naman kumain. Yun naman ang katotohanan dun.
“If you use that to bash me, bring it on! Kasi, wala akong dapat ikahiya sa ginawa ko.
"Because I’m earning a decent living and I have very supportive supporters who support me all the way and encourage me with what I do. Can I not be grateful?”
Abangan natin kung bebenta nang bonggang-bongga ang mga susunod na payanig ni BB!
NOEL FERRER
Pareho pa rin ang tanong ko sa pagkakaroon ng ganitong revelations at pasabog sa pagiging content creator: What have you to gain aside from money sa pagsisiwalat ng ganitong mga kuwento?
Oo, kailangang sabihin ang panig natin at marinig... but klaro dapat kung ano ang end at gustong ma-achieve nito.
Bukod sa kikita ka, magiging mas mabuti at kapaki-pakinabang ka bang tao? Anong prinsipyo ang ipinaglalaban mo?
Sana, hindi lang pansarili kundi para sa mas nakararami. Sana!!!
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.