May mga magbabalik at tuluyang tsutsugihin na Kapuso news programs

by PEP Troika
Sep 19, 2020
Susan Enriquez in an episode of iJuander.
Kabilang sa Kapuso shows na magbabalik sa ere ang iJuander ni Susan Enriquez.
PHOTO/S: iJuander, GMA News and Public Affairs YouTube

GORGY RULA

Nabalita na ng Cabinet Files ang newscast programs na magbabalik sa Lunes, September 21.

Ang latest naming nasagap ay bagong episodes na rin daw ang mapapanood sa iJuander ni Susan Enriquez, at Brigada ni Kara David.

Yung iba ay replay lang muna, pero inaayos na ang pagbabalik-taping ng bagong episodes para tuluy-tuloy na ang trabaho ng mga staff.

Ang isa pang nabalitaan namin ay meron daw talagang tuluyan nang tsutsugihin.

Ang isa ay sa dahilang hindi umaarangkada sa ratings, at ang isa naman ay may ibang show ang host kaya tatanggalin na lang ang may mas mahinang rating.

Hindi talaga ganoon kadaling bumalik sa taping dahil sa mahigpit na safety protocols and guidelines.

Pero sinisikap makapag-back to work na para may ginagawa na ang mga production staff.

NOEL FERRER

Mabuti na lang at may platforms online, tulad ng talk show ni Howie Severino na Quarantined with Howie Severino at yung Stand For Truth ng talent kong si Atom Araullo na patuloy na nagbibigay ng napapanahon at makabuluhang balita at insights habang hindi ganoon kataas ang production cost.

Continue reading below ↓

Dito sa mga ganitong moves, nakikita ang paninindigan ng network.

Pero teka, gusto ko namang punahin ang pagpupunyagi ng reporters ng primetime newscasts to come up with good and compelling reports kahit mapanganib ang mag-cover ngayon.

Pero sana rin, may commitment ang anchors at hindi rigodon nang rigodon.

This is very evident sa TV Patrol.

Hindi ko alam pero ang pakiramdam ay para silang nag-a-audition ng mga kumbinasyon simula nang magpaalam si Ted Failon.

Sina Kabayan Noli de Castro at Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang constant.

OK pala kung si Karen Davila ang kasama dahil nagle-level up si Bernadette.

Nakakalito lang kung umiikot na kina Alvin Elchico, Julius Babao, Jorge Cariño, at Henry Omaga-Diaz ang pagiging third anchor.

Para tuloy hinahanap pa talaga ng TV Patrol ang bago niyang itsura!

JERRY OLEA

Ika-48 anibersaryo ng Martial Law sa Lunes, Setyembre 21.

Makabuluhan na sa araw na iyon, babalik sa ere ang mga newscast ng GMA News TV.

Continue reading below ↓

Mapapanood na muli ang Balitanghali, Quick Response Team (QRT), State of the Nation with Jessica Soho, at Stand for Truth.

Simula sa umaga, pwede na agad tumutok sa Dobol B sa News TV, na susundan ng Balitanghali.

Pagdating ng hapon, 3:30 PM, mapapanood ang Quick Response Team.

Patuloy pa rin ang simulcast airing ng Kapuso primetime newscast na 24 Oras, pati na rin 24 Oras Weekend.

Tuwing 10:00 PM ang State of the Nation with Jessica Soho.

Local news ang ihahatid ng GMA Regional TV Strip pagdating ng 11:00 PM.

Kasunod nito ang Stand for Truth, na napapanood pa rin online.

Dagdag pa rito ang GMA Regional TV Weekend News tuwing Sabado nang 5:00 PM.

Mabuhay!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa Kapuso shows na magbabalik sa ere ang iJuander ni Susan Enriquez.
PHOTO/S: iJuander, GMA News and Public Affairs YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results