Gameboys fans, dini-discourage magbigay ng gifts kina Kokoy de Santos, Elijah Canlas

by PEP Troika
Sep 21, 2020
May continuation ang love story nina Gavreel (Kokoy de Santos) at Cairo (Elijah Canlas) sa Season 2 ng BL series na Gameboys.

JERRY OLEA

Pang-midnight screening talaga ang Chapter 13.5 na Alt.Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company nitong Setyembre 20, Linggo.

Nakasentro ang episode kay Terrence (Kyle Velino), kung paanong nagtagpo silang muli ni Wesley (Miggy Jimenez) sa alter universe.

Ipinakilala rin dito ang effem na si Achilles (Kych Minemoto).


(L-R) Miggy Jimenez, Kyle Velino, and Kych Minemoto

“Iyong Chapter 13.5, walang spin off. Diretso sa Season 2 ang kwentong iyan hehe,” sabi ni Perci Intalan na nagdirek ng nasabing special episode.

Dito rin sa episode na ito ipinakitang happy together sina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-chat namin si Direk Perci nitong Setyembre 21, Lunes ng umaga, via Messenger.

Ibinalita ni Direk Perci na ratsada si Adrianna So sa shoot ng Pearl Next Door, sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal mula sa panulat ni Keavy Vicente.

Si Keavy ang writer ng pelikulang Distance, na streaming na sa Netflix.

Ang Pinay GL series na Pearl Next Door ang next offering ng The IdeaFirst Company sa kanilang YouTube channel.


Iyong Season 2 ng Gameboys ay ididirek pa rin ni Ivan Andrew Payawal, at mula pa rin sa panulat ni Ash Malanum.

Malamang na mag-umpisa ang pagpapalabas nito sa bagong taon.

Pearl Next Door talaga yung tatawid ‘til the holidays. Pero may binubuo kami now na sana, ikatuwa rin ng fans,” sabi ni Direk Perci.

Matatagalan pa ang Gameboys the movie!

“Depende iyan how quickly we can produce. By first quarter of 2021, ang dami na ring nakapila for Kokoy and Elijah,” sabi ni Direk Perci, na katuwang si Direk Jun Lana bilang executive producer ng Gameboys, at manager ng EliKoy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ngayon pa lang, ang dami nang offers na hindi namin ma-accept, kasi may season 2 ng Gameboys.

“Nakakatuwa at nakakapanghinayang actually. Di lang kasi pwedeng lumagare now like before. Siyempre, dapat safe.”

Ang offers ay mga pelikula at TV programs, solo-solo man o magkasama sina Elijah at Kokoy.

Lubos ang pasasalamat ni Direk Perci sa Gameboys fans na patuloy na gumagawa ng fan art.

Ani Direk Perci, “Utang ko sa fans to create a separate page na just for those. Sayang kasi, ang dami, e.

“Nakakatuwa yung fans, nagvo-volunteer na sa akin to help.”

May pakiusap sina Direk Perci sa fans, lalo na iyong mga nasa ibang bansa, na nagpapadala ng kung anu-anong gifts kina Kokoy at Elijah.

“Dini-discourage namin sa fans na mag-send ng mga regalo, kasi nahihiya na rin yung dalawa. Lalo na sa hirap ng buhay ngayon,” lahad ni Direk Perci.

“Yung iba, ang ginagawa na lang, nagdo-donate sa mga sinusuportahang charities.”

NOEL FERRER

Kahit inabot na ng madaling-araw ay nag-message ako sa Gameboys team para sinabing gusto ko ang ginawang AltGameboys with WeRence (Wesley at Terrence) na sina Miggy at Kyle.

Nang mag-guest sila sa Level-Up program ko sa Radyo Katipunan last Friday, September 18, maayos at very pleasant at articulate itong dalawang taga-College of St. Benilde.

Bagay ngang magkaroon ng sariling love life ang Third at Fourth Wheel.

Pero paano na lang ang in-introduce nilang Fifth Wheel kagabi na si Achilles?

Truly, the Gameboys plot thickens!

JERRY OLEA

Chugug ang kilig at kulitan sa two-part Gabing-Gabi Na Vice chikahan with Elijah and Kokoy nitong Setyembre 19 at 20, Sabado at Linggo, sa YouTube channel ni Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As expected, nag-number 1 trending iyon sa Twitter Philippines.

Tweet ni Vice matapos ang streaming ng part 2 ng interview nitong Sunday night, “Others my find the questions really ‘kaloka’ levels. But Elijah and Kokoy were confident enough to answer them.

“Why? Because they are really smart. Awkward un sa shushunga shunga sumagot.”

Ewan kung kaugnay pa rin doon ang next tweet ni Vice: “Lord I pray na ung nagbabasa nito na di makatulog kasi nasasaktan at nalulungkot ay ihele nyo po at unti unti ng makatulog. Alam ko pong kailangan na nila muna ipahinga yung puso nilang pagod na. Amen.”

Samantala, abala si Adrianna So lately sa pagsu-shoot ng Pearl Next Door.

“Since bago siya, I’m slowly trying to figure it out. Challenging siya pero exciting! Marami kaming surprises!” sey ni Pearl nitong Monday morning via Messenger.

“Everyone’s super nice and professional. Nakaka-excite sila kasama every day.”

Sina Phillip Hernandez, Rachel Coates, Iana Bernardez, at Cedric Juan ang exciting co-stars ni Adrianna sa very first Pinay GL series.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May continuation ang love story nina Gavreel (Kokoy de Santos) at Cairo (Elijah Canlas) sa Season 2 ng BL series na Gameboys.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results