Alden Richards, Hari ng Telebisyon sa GMA-7; TBATS, bumabawi sa ratings

by PEP Troika
Sep 21, 2020
Ratsada ang projects ni Alden Richards (left) sa GMA-7. Magkasintahang Vickie Rushton at Jason Abalos (lower right), natulala sa "pag-aaway" nina Boobay at Super Tekla (upper right) sa TBATS.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram / TBATS

GORGY RULA

Umepek ang prank na away nina Boobay at Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show na ipinalabas noong Linggo, September 20.

Natulala ang celebrity couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton habang nagaganap ang komosyon sa pagitan nina Boobay at Tekla.

"Bastos ka Boobay! Ugali mo iyan noon pa!" galit na sabi ni Tekla.

Buwelta ni Boobay, "Respetuhin mo ang oras ng guests natin..."

Naka 7.5% ito, na ang laki ng itinaas mula sa 6.2% noong nakaraang September 13.

Continue reading below ↓

Samantala, naka 5.3% ang All-Out Sundays.

Sa darating na Linggo, September 27, nasa studio na ang live telecast, at pinaghahandaan na nila ito ngayon pa lang.

Ito ang isang good news na in-announce nila sa AOS noong Linggo. Excited na silang lahat dahil miss na miss na raw nila ang mga kasamahan sa Sunday variety-comedy show ng GMA-7.

Nilinaw ni Ken Chan na kahit magkakasama na sila sa loob ng studio, susundin pa rin nila ang safety protocols—tulad ng pagsusuot ng face shield at pagsunod sa physical distancing.

Continue reading below ↓

Ang bagong episode ng Dear Uge ni Eugene Domingo ay nakakuha ng 5.1% sa TV rating.

Naka 5.7% ang pelikulang Cara x Jagger nina Jasmine Curtis-Smith at Ruru Madrid sa GMA Blockbuster, at 8.9% naman ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes.

Bagong episode din ang napanood sa Pepito Manaloto—na tumalakay sa kuwento ng COVID 19—noong nakaraang Sabado, September 19. Naka 19.8% ito.

Sinundan iyon ng replay episode ng Magpakailanman na 20.5%.

JERRY OLEA:

Lantad na ang loving-loving nina Ruru Madrid at Bianca Umali, kaya siguro naka-5.7% lang ang Cara x Jagger sa TV.

Di ba, “nasagasaan” sa takilya ang nasabing movie dahil sa isyu kay Bianca noong premiere night ng pelikula sa SM Megamall?

Excited tayo sa romansa nina Lea (Jasmine Curtis-Smith) at Iñigo (Alden Richards) sa “Love on the Balcony” episode ng I Can See You anthology, na mag-uumpisa sa Setyembre 28, Lunes, sa GMA Telebabad.

Kapwa mahusay na artista sina Alden at Jasmine, kaya inaasahan nating magpapakilig sila nang lubos sa bagong programa ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓


Sa direksiyon ni LA Madridejos, tampok din sa “Love On The Balcony” sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez.

Frontliner pa rin si Alden sa All-Out Sundays tuwing Linggo ng tanghali.

Pero simula Setyembre 27, pagpatak ng 3:45 p.m., eere na sa GMA-7 ang documentary na Lockdown: Food Diaries kung saan si Alden ang host.

Continue reading below ↓

Rumaratsada rin siyempre sa Afternoon Prime Block, mula Lunes hanggang Biyernes, ang re-run ng teledramang One True Love, kung saan katambal ni Alden si Louise de los Reyes.

Kaya walang duda na si Alden ang kasalukuyang Hari ng Telebisyon sa GMA-7.

Kaugnay sa kanyang 10th anniversary sa showbiz, may payanig si Alden sa Disyembre 8. Nagpa-save the date ang Asia’s Multimedia Star sa Instagram.

Ito ba iyong concert na dapat ay noong Hulyo ginanap pero ipinagpaliban dahil sa COVID-19?

Continue reading below ↓

Sa Pepito Manaloto noong Sabado, nagbalik ang tambalang #ChiNikki nina Julie Anne San Jose at Jake Vargas. Wagi ang pa-good vibes ng programa.

Three consecutive Saturdays nang replay ang Magpakailanman, pero ratsada ang mga ito sa ratings.

Nawa’y meron na silang bagong episodes, lalo pa’t napakaraming inspiring and relevant stories na may kaugnayan sa paglaganap ng pandemya.

Tuloy na ang search para sa next singing sensation sa The Clash Season 3.

Sa recent Instagram post ni Direk Louie Ignacio, ipinasilip niya ang behind-the-scenes mula sa taping ng singing competition.

Naka-face mask at face shield ang staff, na pawang sumailalim sa swab testing.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Magaganap kayang lahat ng episodes ay magiging new episode na?

Sana, soon. Dahil habang bumabalik na ang mga tao sa trabaho nila ay tuluy-tuloy pa rin ang pasok ng commercials, kaya share the income and the love kumbaga!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ratsada ang projects ni Alden Richards (left) sa GMA-7. Magkasintahang Vickie Rushton at Jason Abalos (lower right), natulala sa "pag-aaway" nina Boobay at Super Tekla (upper right) sa TBATS.
PHOTO/S: @aldenrichards02 Instagram / TBATS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results