Ruru Madrid at Kyline Alcantara, mas gustong gawing pribado ang kani-kanilang love life

by PEP Troika
Sep 25, 2020
Pareho ang paniniwala nina Ruru Madrid (kaliwa) at Kyline Alcantara na gawing pribado ang kani-kanilang love life. Paliwanag ni Kyline, “Siguro kung magkakaroon man po, siguro open, pero I will not let the public dig deeper into my relationship.”
PHOTO/S: Instagram / Stephen Capuchino

GORGY RULA

Pareho ang style nina Kyline Alcantara at Ruru Madrid pagdating sa love life.

Nang nakatsikahan ng PEP Troika ang dalawa sa virtual mediacon ng All-Out Sundays noong Huwebes, September 24, sinabi ni Kyline na sakaling magka-love life siya, mas gusto niyang gawing pribado ito at hindi na kailangang isapubliko.

Ani Kyline, “Importante siguro na meron ka pa ring kini-keep sa sarili mo like what Gabbi [Garcia] said.

“Siguro kung magkakaroon man po, siguro open, pero I will not let the public dig deeper into my relationship.”

Habang sinasabi yun ni Kyline, tumatango si Ruru at sinabi pa nitong, “Very well said.”

Kaya tinanong ko na rin si Ruru kung gusto rin ba niyang private lang ang love life niya at hindi na i-open sa publiko.

“May mga tao na siguro okay lang po sa kanila na i-share ang bagay na iyan at masaya na sila dun.

“Pero may ibang tao siguro na mas minabuti po nila na itago. Pero hindi po ibig sabihin na hindi ka proud sa tao na yun,” pa-safe na sagot ni Ruru.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “May tamang panahon po para sa bagay na yun. Katulad po ng sinabi ko kanina, iba-iba po ang klase ng tao.

“Kung masaya po sila sa ginagawa nila, isi-share nila yun.

“Meron naman po na mas mabuting itago na lang nila yun.”

Sinundan ko siya ng tanong kung paano niya ide-describe ang love life niya ngayong may pandemic.

“Amazing,” nakangiti niyang sagot.

Hindi naman kaila sa publiko ang karelasyon ngayon ni Ruru ay si Bianca Umali.

Para naman kay Kyline, tingin daw niya ay hindi siya magkaka-love life agad kahit 18 na siya.

“Feeling ko po kasi, kung may lalapit man, feeling ko, mate-turn off sila agad. Ako po kasi talaga… sanay ako sa mga lalaki.

“Ever since, lumalaki ako, kasama ko mga lalaki. Only girl po ako, then sa mga pinsan ko, only girl ako sa father and mother side.

“Siguro, mate-turn off sila, kasi tinotropa ko sila agad,” nakangiting pahayag ni Kyline.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Merong mga bagay na kahit hindi aminin, kitang-kita at alam ng mga taong nakapaligid ang katotohanan.

Masaya sina Ruru at Kyline, sabi nila. Let’s leave it at that.

Dapat galingan nila ang kanilang programang All-Out Sundays dahil milya-milya na ang agwat ng kalidad at effort na ginawa ng ASAP during the pandemic.

Partida pa ito dahil nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, pero hindi sila tumitigil gumawa ng nakamamanghang eksperimento, adjustments, at improvements sa kanilang live shows sa mismong studio.

Maliban dito, heto ang nagbabadyang isa pa nilang katapat na magsisimula nang mapanood sa October mula sa TV5 under Mr. M. (Johnny Manahan). Ito ay ang Live@5 na tatampukan nina Piolo Pascual, Lani Misalucha, at Catriona Gray.

Again, ang panalo rito ay audience. Pagandahan ang laban!

JERRY OLEA

Wagi sa ratings ang Kapuso teledramang Bilangin Ang Bituin Sa Langit, kung saan isa sa mga bida si Kyline.

Sabik na tayong mapanood ang pagpapatuloy ng istorya nito.

Continue reading below ↓

OK lang na magbilang muna ng mga taon bago magka-love life si Kyline. Makabubuting mag-focus muna siya sa kanyang career.

Tungkol kay Ruru, inaasam nating umusad ang kanyang career. Matapos sumadsad sa takilya ang pelikula nila ni Jasmine Curtis Smith na Cara x Jagger last year, lumamlam ang kinang ng kanyang bituin.

Inaabangan na rin natin ang Sunday noontime show ng TV5, na pangungunahan ng mga dating Kapamilya.

Mas exciting kasing may kalaban sa ere ang All-Out Sundays. Pagkaganda-ganda man ng ASAP Natin ‘To ay hirap tayong hagilapin kung saan ito mapapanood.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pareho ang paniniwala nina Ruru Madrid (kaliwa) at Kyline Alcantara na gawing pribado ang kani-kanilang love life. Paliwanag ni Kyline, “Siguro kung magkakaroon man po, siguro open, pero I will not let the public dig deeper into my relationship.”
PHOTO/S: Instagram / Stephen Capuchino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results