Sofia Pablo, hindi na kasama sa pagbabalik ng Prima Donnas

by PEP Troika
Sep 26, 2020
Dahil sa guidelines ng Department of Labor and Employment na hindi maaaring magtrabaho o lumabas ang mga bata below 15 years of age ngayong may community quarantine, hindi muna mapapanood si Sofia Pablo sa Kapuso afternoon drama series na Prima Donnas.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

Ligwak ang 14-anyos na si Sofia Pablo sa balik-taping ng Kapuso teledramang Prima Donnas.

Sa Abril 2021 pa ang kanyang ika-15 kaarawan.

Narito ang official statement mula sa Kapuso Network nitong Setyembre 25, Biyernes ng gabi:

“It is with a heavy heart that GMA Entertainment Group announces that Sofia Pablo will no longer be part of the upcoming fresh episodes of the Afternoon Prime drama series Prima Donnas.

“This is in strict compliance to the guidelines of the Department of Labor and Employment on the engagement or participation of a child below 15 years of age during the implementation of community quarantine.

“Meanwhile, preparations for the program’s resumption of taping continue with the production strictly following the safety protocols and guidelines mandated by the government.”

Si Sofia ang Donna Lyn o Lenlen sa teledrama.

Pawang 15-anyos ang Donna Marie o Mayi na si Jillian Ward, ang Donna Belle o Ella na si Althea Ablan, at ang kontrabidang si Brianna na ginagampanan ni Elijah Alejo.

Continue reading below ↓

Sa young actors na kasama sa Prima Donnas, 18 anyos na sina Will Ashley at Vince Crisostomo, 17 anyos si Julius Miguel, at 16 anyos si Miggs Cuaderno.

NOEL FERRER

Goodbye, Sofia sa Prima Donnas at sa lahat ng minors na bawal pang lumabas sa bahay ngayong nasa quarantine pa rin tayo.

Ganyan din ang kinasasapitan ngayon ng ating Superstar Nora Aunor, na isang senior cirizen.

Marami ang nag-aabang kung ano ang susunod niyang palabas. Pero dahil senior citizen siya, pinag-iingat muna at bawal lumabas.

Paano pala ang mga direktor like Joel Lamangan? Nakakuha ba siya ng special permit sa IATF para magtrabaho kahit senior citizen?

At kahit si Mr M o Johnny Manahan na diumano’y hindi pinayagan ng health representative na magdirek ng ASAP Natin ‘To, ano kaya ang special arrangement para makapagdirek siya ng mga programa sa TV5?

Ganoon pa rin ba ang guideline na bawal pa ring lumabas ang minors at seniors?

Continue reading below ↓

Nakakalito na rin dahil paiba iba ang pagpapatupad ng batas.

GORGY RULA

Noong nakaraang linggo pa pinag-uusapan ang di pagkasali ng mga minor sa isang drama series.

Maaaring isa ito sa mga dahilan kaya naantala ang pagbabalik-taping ng Prima Donnas.

Mabuti na lang at may social media kaya isa ito sa pinagkakaabalahan ni Sofia. Aliw na aliw ako sa TikTok posts ni Sofia. Minsan, nakakaabala pa ang mahaba niyang buhok pag nagti-TikTok siya.

Continue reading below ↓

Samantala, nakakahinga na nang maluwag ang buong cast at production staff ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday dahil matatapos na ang taping nila.

Naka-lock in sila sa Batangas ng 18 days at smooth ang taping hanggang sa pagtatapos nito.

Naka-text ko ang mommy ni Barbie Forteza. Ngayon lang daw siya hindi nakakasama sa taping ng Kapuso Primetime Princess dahil nililimitahan ang mga tao sa set.

Ang isa pang pinaghahandaan na rin ang pagbabalik ng taping ay ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

Nabanggit iyan ni Kyline Alcantara sa virtual mediacon ng All-Out Sundays, na pinaghahandaan na ang pagbabalik-taping nila.

Pero napag-alaman namin sa mga taga-Bilangin na baka bandang end of October o first week of November pa sila makakabalik.

Inaayos pa ang schedule ng swab test sa lahat na involved sa production at ilan pang requirements para masunod ang safety protocols na kailangang tuparin.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa guidelines ng Department of Labor and Employment na hindi maaaring magtrabaho o lumabas ang mga bata below 15 years of age ngayong may community quarantine, hindi muna mapapanood si Sofia Pablo sa Kapuso afternoon drama series na Prima Donnas.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results