Maja Salvador, pasok sa Sunday noontime show ng TV5; Macoy Dubs, magiging Kapatid na rin

by PEP Troika
Sep 26, 2020
Sigurado na ang paglipat ni Maja Salvador (kaliwa) sa TV5 dahil isa siya sa main hosts ng Sunday noontime show na may tentative title na SUP (Sunday Ultimate Party), kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual at Catriona Gray; magkakaroon naman ng Saturday show sa TV5 ang impersonator na si Macoy Dubs, na mas nakilala sa kanyang Auntie Julie character.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Pause muna sa pananakot at pagtataray ang mga kontrabida sa TV at pelikula na sina Pinky Amador, Ryan Eigenmann, Nina Ricci Alagao-Flores, at Mon Confiado.

Bibida sila sa Bawal na Game Show ngayong Setyembre 26, Sabado ng 7 P.M., sa TV5. Masindak kaya ang Ghorl twins (Wally Bayola at Paolo Ballesteros)?


Continue reading below ↓

(L-R) Mon Confiado, Pinky Amador, Ryan Eigenmann, Nina Ricci Alagao

Waley muna si John Arcilla bilang talent scout sa Bangon Talentadong Pinoy ngayong Sabado ng 8 PM.. sa Kapatid Network.

Nag-taping kasi si John sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang Renato “Buwitre” Hipolito. Ang pumalit sa kanya ay si K Brosas.

Kumusta kaya ang dynamics ni K with host Ryan Agoncillo, and fellow talent scouts Janice de Belen and Joross Gamboa?


Continue reading below ↓

Pagsapit ng 9 P.M.., panauhin ang young moms na sina Cristine Reyes at Andi Eigenmann sa Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdes.

Ibinahagi ni Cristine kung paano binago ng anak niyang si Amarah ang kanyang buhay.

Ani Cristine, “Unconditional yung love ni Amarah sa akin and the same way na kapag tinitingnan ko siya, ito pala yung ibig sabihin ng unconditional love.

“Kasi, hindi mo siya malalaman hangga’t hindi ka pa nagkakaroon ng anak. Yun din po yung laging sinasabi sa akin ng mommy ko, e.”

Continue reading below ↓

Ini-reveal ni Andi ang bonding niya with Ellie and Lilo kaugnay sa paglalaba.

Natatawang sabi ni Andi sa teaser, “They try to finish the laundry for me but... they couldn’t do it. There’s too much soap daw! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Sa Oktubre 3, guests sa Usapang Real Life sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos.

Continue reading below ↓

Sa Oktubre 10, sina Pokwang at Zsa Zsa Padilla naman ang kachikahan ni Luchi.

Siyanga pala, ang social media star na si Auntie Julie a.k.a Macoy Dubs ay magiging Kapatid na. Ano kaya ang Saturday program niya sa Singko? Abangan!

Ang bagong news program ng TV5 na Frontline Pilipinas ay eere simula Oktubre 5. Tampok dito sina Raffy Tulfo, Cheryl Cosim, Luchi Cruz-Valdes, Ed Lingao, at Lourd de Veyra.

NOEL FERRER

Simula na ng taping this coming October ng Sunday show ng TV5 na may working title na ‘SUP o Sunday Ultimate Party (na puwede pang magbago).

Ang target launch nila ay sa October 18 with Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador, at hinihintay pa ang ibang makakasama.

Ito yung sinabi ni Maja na susundan niya ang kanyang tatay-tatayan na si Mr. M o Johnny Manahan at mapapanood muna siya sa ibang network.

Si Mr. M ang direktor ng bagong show na ito ng TV5.

Continue reading below ↓

'Tapos, ang daily show ng Singko ay may Billy Crawford, Luis at Edu Manzano raw.

Teka, nakita ko si Matteo Guidicelli sa presscon ng TV5 din? Ano kaya ang bagong show niya sa Kapatid Network?

GORGY RULA

Sa totoo lang, medyo nae-enjoy ko ang Fill in the Bank nina Pokwang at Jose Manalo.

Kasi, in fairness kay Pokwang, ang dali niyang mag-adjust sa co-hosts niya. Si Jose naman ay nakakaaliw kung paglaruan niya si Pokie.

Natatapos ko ang game show na ito kahit recycled ang games nila.

Pero hindi talaga ako naaaliw sa Bawal na Game Show, lalo na’t parang bigat na bigat ako sa suot at false eyelashes nina Bebe Ghorl (Wally Bayola) at Barby Ghorl (Paolo Ballesteros).


Continue reading below ↓

Wally Bayola (left) and Paolo Ballesteros

Umaarte kasi sila sa roles na ginagampanan nila, e, mas maganda kung bilang sina Wally at Paolo na lang sila.

Lagi pa silang umaarte na nag-aagawan ng lalaki sina Bebe Ghorl at Barby Ghorl, e, alam naman ng lahat na babae ang gusto ni Wally.

Mas okay siguro kung paiba-iba ang karakter na ginagampanan nila para mapaglaruan every show at hindi predictable.

Samantala, marami na ang nag-aabang sa mga bagong shows na ibabangga ng Brighlight Productions, blocktime producer, sa TV5.

Excited ako sa Sunday show nila tampok sina Piolo Pascual, Maja Salvador, at Catriona Gray.

Ewan ko kung ito nang SUP o Sunday Ultimate Party ang gagamiting title, dahil halatang inspired lang sa ASAP (All-Star Sunday Afternoon Party) ng ABS-CBN at AOS (All-Out Sundays) ng GMA-7.

Mas aliw pa siguro kung Tagalog, yung pasok na pasok sa masa, hindi pasosyal. Kahit magkakapareho lang ang tipo ng show, sana inilayo na ang title.

Continue reading below ↓

Hindi muna ako magbibigay ng kahit anong ideya, pero isang daily program ang niluluto ng isang TV network. Naaliw ako sa title dahil may recall at talagang pangmasa.

Isa iyan sa aabangan sa mga susunod na araw.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sigurado na ang paglipat ni Maja Salvador (kaliwa) sa TV5 dahil isa siya sa main hosts ng Sunday noontime show na may tentative title na SUP (Sunday Ultimate Party), kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual at Catriona Gray; magkakaroon naman ng Saturday show sa TV5 ang impersonator na si Macoy Dubs, na mas nakilala sa kanyang Auntie Julie character.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results