Marian Rivera, balik-taping para sa Tadhana; Kapuso shows, aarangkada na ngayong new normal

by PEP Troika
Sep 26, 2020
Pagkatapos ng ilang buwan ay muling sumalang sa taping si Marian Rivera (kaliwa) para sa kanyang weekly drama anthology na Tadhana. Si Alden Richards (kanan) naman ang host ng documentary special na Lockdown: Food Diaries.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

JERRY OLEA

Sa apat na magkakasunod na Sabado, replay ang palabas sa Magpakailanman ng GMA-7.

Matutunghayan muli sa drama anthology na hino-host ni Mel Tiangco ang “Patawad, Ama Ko” episode na pinagbidahan nina Dennis Trillo at Allan Paule ngayong Setyembre 26, Sabado ng 8 P.M., pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa Kapuso Network.


Continue reading below ↓

Dennis Trillo

Unang umere ito noong Hulyo 20, 2019, at tampok din sa episode na ito sina Sheila Marie Rodriguez, Orlando Sol, Chinggay Riego, at Ana de Leon.

Pero may mga bagong paandar ang GMA-7.

Balik-taping si Bea Binene para sa fresh episode ng Magpakailanman. Kasama ba sa episode na ito si Anthony Rosaldo?


Continue reading below ↓

Bea Binene

Matapos mag-back out sa teledramang First Yaya, balik-taping si Marian Rivera sa Tadhana, sa direksiyon ng asawang si Dingdong Dantes. Sa bahay nila mismo ang kanilang collab.

Noong Setyembre 24, Huwebes, ini-announce na ang Top 30 Clashers ng The Clash.

Labintatlong (13) lalaki at labimpitong (17) babae ang magtatagisan at kikilatisin ng Clash Panel na binubuo nina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas.


Continue reading below ↓

Balik-studio ang All-Out Sundays bukas, Setyembre 27, Linggo ng 12:00-1:45 P.M.

Opo! Bago na ang timeslot ng AOS!

Ipagdiriwang dito ang third season ng The Clash, na mag-uumpisa sa Oktubre.

Iwe-welcome ng "All-Out Stage" ang BuDaKhel na binubuo nina Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan.

Siyempre pa, ang frontliner ng All-Out Sundays ay si Alden Richards.

Si Alden ang host ng documentary special na Lockdown: Food Diaries, na mapapanood bukas, September 27, ng 3:45 P.M. sa GMA-7.


Continue reading below ↓

Alden Richards

Sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) bukas ng gabi, ipa-prank si Kakai Bautista.

Sa "Na-TBATS Ka" segment, susubukan kunwari ni Tekla na manghiram ng pera kay Kakai na walang kamalay-malay na pinapakinggan ng viewers ang kanilang pag-uusap.

Mapapanood ang TBATS pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.


Continue reading below ↓

Super Tekla, Boobay, and Kakai Bautista

Malapit nang matapos ang lock-in taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Sa behind-the-scenes photos ng teledrama, present ang mga pangunahing artista na sina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Dina Bonnevie, at Snooky Serna.


Kate Valdez, Dina Bonnevie, Snooky Serna, and Barbie Forteza

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin ang social distancing sa set, at ang pagsusuot ng cast at crew ng face mask at face shield.


Siyempre pa, inaabangan din natin ang pagpapatuloy ng Descendants of the Sun (DOTS) nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, at Jasmine Curtis-Smith.

Itong DOTS ang unang Kapuso teledrama na nag-lock in taping, at nakunan na ang mga eksena hanggang ending sa Tanay, Rizal.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Parang ang laking challenge talaga sa mga artista at production staff ng GMA-7 itong mga programang magbabalik na sa taping.

Wala na silang matinding kalaban, pero naikukumpara naman sa replay episodes na walang limitations noong ginawa nila ang mga iyon.

Kagaya nitong Anak ni Waray vs Anak ni Biday, wala nang matinding kalaban, pero kalaban nila ngayon ang sariling programa na dapat mas maganda at mas mataas ang rating kesa sa dati.

Kaya dapat mas maganda at kaabang-abang mga susunod na mapapanood sa mga nai-tape na mga drama series ng Kapuso Network.

Pero natutuwa naman ang mga staff at main cast dahil nairaos nila ang taping. Sa Martes, September 29, na sila mapa-pack up.

Medyo nahirapan lang daw silang makipag-communicate sa labas, sa pamilya nila, dahil walang signal sa location nila. Kaya pagdating nila ng hotel, doon na raw sila nakakatawag sa kani-kanyang pamilya.

Pagka-pack up lang daw nakakatawag si Barbie sa mommy niya, at pati sa boyfriend na si Jak Roberto siyempre, dahil sa hotel nga lang nagkaka-signal.

Continue reading below ↓

Kung sa Batangas at Tagaytay na-lock in ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, ang Bilangin ang Bituin sa Langit ay pinagpipilian pa raw kung sa La Union o Antipolo magla-lock in.

Ang The Clash Season 3 ay nakapag-taping na noong Huwebes, September 24, kung saan may napili nang finalists.

Mahirap dahil sa social distancing, pero kinasasanayan na nila dahil mukhang ito na ang normal na gagawin nila hanggang sa finals nito.

NOEL FERRER

Welcome news ang pagbabalik ng The Clash. Matagal-tagal na hinintay ito ng kaibigan kong Lani Misalucha na napako na rin dito sa lockdown.

Ang tanong ko lang, may prangkisa ang GMA-7 at nagawa naman na nila dati, pero bakit hindi itinutuluy-tuloy ang pagte-tape at pagpapalabas ng bagong episodes ng Magpakailanman?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng ilang buwan ay muling sumalang sa taping si Marian Rivera (kaliwa) para sa kanyang weekly drama anthology na Tadhana. Si Alden Richards (kanan) naman ang host ng documentary special na Lockdown: Food Diaries.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results