Panonood ng Miss Universe Philippines activities online, may subscription fee

by PEP Troika
Sep 26, 2020
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Magsisimula na bukas, September 27, ang Ring Light series ng Miss Universe Philippines 2020 na mapapanood sa www.empire.ph.

Dito matutunghayan ang activities ng 50 candidates ng Miss Universe Philippines. Ito ang kakaiba sa national beauty pageant ngayong may pandmeic dahil sa online lang sila masusubaybayan.

“Iri-reveal namin doon sa Ring Light series lahat ng training nila, lahat ng advocacy nila… na kinausap sila ng WWF, ng AHA! Learning Centers. Dumaan sila sa mga seminar na yun, hindi alam ng mga tao,” pakli ni Jonas Gaffud nang nakapanayam namin sa DZRH noong September 25, Biyernes ng gabi.

Si Jonas ang creative director ng Miss Universe Philippines.

Talagang challenging daw sa kanila ang pagma-mount ng competition dahil sa ipinatutupad na safety protocols and guidelines.

Masusubaybayan ang lahat ng gagawin nila sa 8-part Ring Light series hanggang sa finals nitong mapapanood sa GMA 7 sa October 25.

Continue reading below ↓

Two weeks before the finals, iipunin ang lahat ng mga kandidata at mala-lock in na silang lahat hanggang finals.

“Inaayos pa namin ang kanilang pagbibiyahe, pero magkakaroon kami ng parang ‘bubble’ na kami-kami lang ang nandoon,” dagdag na pahayag ni Jonas.

Kailangang i-swab test daw silang lahat. Kapag naka-lock in na sila, pagkatapos ng finals na sila puwedeng lumabas.

May health officers daw na tututok sa kanila upang tiyaking pina-practice nila ang social distancing at ilan pang pag-iingat during the competition.

Hindi lang mailahad ni Jonas kung ano ang proseso ng kumpetisyon, pero hindi raw ito kagaya ng dati na magsasama-sama ang finalists sa stage.

Pinag-aaralan pa raw kasi nila ngayon kung anu-ano ang mga dapat gawin para masunod ang safety protocols at guidelines ng DOH at IATF.

Sa mga interesadong subaybayan ang journey ng mga kandidata sa Miss Universe Philippines 2020, mag-subscribe sa www.empire.ph, kung saan nandoon ang Ring Lights series hanggang sa finals.

Continue reading below ↓

May subscription fee itong P299.

JERRY OLEA

Bakit may subscription fee na P299 ang Ring Light Series?

“A portion of each subscription will go to our candidate's personal beneficiary and to our partner organizations,” post ng Miss Universe Philippines sa kanilang Facebook page noon pang Agosto 10.

Dahil sa pandemic, umatras ang ibang sponsors ng timpalak.

Hindi ba sapat ang sponsorship ng Frontrow para maging libre ang pinakamalaking online pageant series ng Pilipinas?

Ito pa naman ang unang edisyon ng Miss Universe Philippines matapos kumalas sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ni Stella Marquez Araneta kaya inaasahan nating confidently bonggacious ang mga pasiklab nito. Iyon pala, may bayad?!

Gaano ba ka-relevant ang paligsahang ito para pagkagastusan nina Aling Nena at Mang Kanor, sa halip na bumili ng bigas, ulam, face mask, alcohol, sabon, at iba pang basic needs?

Hanash sa Facebook page ng timpalak nitong Setyembre 25, Biyernes, “Why is Miss Universe Philippines 2020 essential these days? Find that out by subscribing to the Ring Light Series premiering this September 27.”

Continue reading below ↓

Naku! Hihintayin ko na lang ang telecast ng coronation night sa Oktubre 25, Linggo, sa GMA 7!

NOEL FERRER

Paano magiging makabuluhan ang beauty contest sa panahon ng pandemya? Iyan ang aabangan natin sa kauna-unahang Miss Universe Philippines.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results