Chad Kinis, pakipot sa laplapan scene; Miko Gallardo at Iñaki Torres, bigay-todo sa mahabang kissing scene

by PEP Troika
Sep 27, 2020
(Left) Iñaki Torres and Miko Gallardo in My Day; (left) Chad Kinis and Ardel Presentacion in Beki Problems.
PHOTO/S: Nikko Tuazon / Ardel Presentacion

JERRY OLEA

Setyembre 24, Huwebes, napanood ko sa Facebook page ni Chad Kinis at YouTube channel ng heyPogi ang second teaser ng Beki Love (BL) series na Beki Problems.

Nilaplap ni Lance (22 anyos na si Ardel Presentacion) ang pakipot na si Diony (Chad Kinis) — outdoor.

Umaayaw ang hitad. Kumawala si Diony sa pagsibasib ng pogilicious na binata.

Sinapian ba ni Chokoleit ang laplapable na si Chad? Kay Chad ba dapat isalin ni Yayo Aguila ang korona bilang Laplap Queen? Mas glorious ba si Chad kesa kay Angel Aquino? NO! NO! NO!

Sina Chokoleit, Yayo, at Angel ay lumaban ng laplapan. Si Chad ay mistulang matimtimang birhen ang motivation at characterization, hindi maatim na nilalantakan ng isang lalaki ang kanyang mapanghalinang labi.

Sa loob ng three days ay halos nasa 3 million na ang views ng teaser ng Beki Problems sa FB page ni Chad.


Continue reading below ↓

Ardel Presentacion (left) and Chad Kinis in Beki Problems

Ang una sa walong episode ng Beki Problems ay magpi-premiere streaming sa Oktubre sa YouTube channel ng heyPogi.

Tampok din dito sina Gold Aceron, Ruby Ruiz, Calvin Crew, Ace Toledo, at Francine Garcia, sa direksiyon ni Jill Urdaneta.

Setyembre 25, Biyernes, ipinalabas ang Episode 4 (“Sardines”) ng Pinoy BL series na Quaranthings sa YouTube channel ng Ride or Die.

Nanligaw si Judah (Kyo Quijano) kay Rocky (Royce Cabrera). Binasted ni Pangit si Baliw.

Dingding lang ang pagitan, nagpakalasing ang dalawa. Humulagpos ang masaganang luha sa kani-kanyang mga mata.

Nilapitan ni Rocky si Judah, at ilang sandali pa... ang kanilang katawang lupa ay mistulang sardinas na magkadikit sa lata.

Matulain at malamyos ang awit ni Kyo na "Ipu-ipo" sa kanilang pagniniig: “Pasikut-sikot sa paligid/ Atensyon ko’y isang alipin mo/ Babe, ba’t ka na laging masungit?

“Di mo ba alam?/ Pagka’t ikaw ang mahal/ Aking mundo kailanman

Continue reading below ↓

“Adik sa ‘yo/ At di ko kayang pumikit dahil/ Mami-miss na kita nang sobra-sobra “Kahit na may ipu-ipo/ At kidlat ay atentibo...”

Hindi sila nag-lips-to-lips.


Kyo Quijano (left) and Royce Cabrera

Tweet kapagkuwan ng direktor na si Pancho Maniquis, “An intimate scene should also tell a story. It was very important for us that their chemistry translates well into their more intimate moments, which is why we wanted to be sure that this particular scene would be both tender and passionate.”

Continue reading below ↓

Setyembre 26, Sabado, nagpasiklab ang Episode 8 (4/4) ng My Day sa YouTube channel ng Oxin Films.

May paunawa na iyon ay Rated R-18 RESTRICTED (Under 18 Requires Accompanying Parent or Adult Guardian).

Marubdob ang kissing scene nina Ace (Iñaki Torres) at Sky (Miko Gallardo) with fireworks, background music ang instrumental na "Basta’t Sabihin Mo Lang" (by Xion Lim, composed by Vehnee Saturno).


Continue reading below ↓

Miko Gallardo (left) and Inaki Torres

Humantong ang young lovers sa yayamaning kama, kung saan kapwa sila nagtanggal ng pang-itaas. Nanatili silang nakapantalon.

Ang bed sin, este, scene ang unang kinunan ni Direk Xion Lim sa shooting ng My Day.

Sa pagkakatanda ng project head/producer na si Carlo Morris Galang ay 3 takes ang kissing scene ng AkiMi.

Sa lipon ng mga Pinoy BL series, so far ay ito ang pinakamahabang laplapan.

Nabuhay ang meme kung saan luhaan si Mico (JC Alcantara) na yakap lang ang nalasap kay Xavier (Tony Labrusca) sa pagwawakas ng Hello, Stranger noong Agosto 19 sa YouTube channel ng Black Sheep.


Continue reading below ↓

Tony Labrusca and JC Alcantara

"Hindi Ako Bibitaw" (by Paul Ramirez) ang background sa harutan nina Ace at Sky sa loob ng kuwarto: “Binago mo ang aking buhay/ Kahit di ko sinubukan/ Ilang beses nang nadapa at/ Di pa rin kita susukuan

“Sisikat o lulubog man ang araw/ Ikaw pa rin ang gusto na mahagkan/Hinahangad na balang araw/ Tatanda na makasama “Malayo na pala, hindi na naliligaw/ Natagpuan na ang sa ‘kin tinadhana/Sabihin man nila, tayo ay naiiba/ Ikaw pa rin ang sigaw/ Hindi na bibitaw...”

Bale birthday presentation ni Iñaki ang episode na ito. Ika-22 kaarawan niya bukas, September 28, Lunes.

Ngayong Setyembre 27, Linggo ng 7:00 P.M. sa Facebook page ng The IdeaFirst Company ang live reading nina Kokoy de Santos, Elijah Canlas, at Teri Malvar sa screenplay ng pelikulang Anino sa Likod ng Buwan (2015), na isinulat at idinirek ni Jun Lana.

May warning sa mga manonood, lalo na sa kabataang fans ng Gameboys, “Contains mature themes and language. Viewer Discretion is advised.”

Continue reading below ↓


Mapangahas ang mga eksena at linya sa pelikulang pinagbidahan nina Adrian Alandy, Anthony Falcon, at LJ Reyes. Ibinilad nila ang kani-kanyang puso at kaluluwa.

One take lang ang kabuuan ng pelikula, gaya ng experimental historical drama film na Russian Ark (2002, directed by Alexander Sokurov).

Sina Teri at Elijah ay parehong 20 anyos, samantalang si Kokoy ay 22 anyos.

Continue reading below ↓

Sino kaya kina Elijah at Kokoy ang magdadayalog ng, “Sa sobrang laki ng t*t* ko, kahit puta ang ikama ko, feeling nila, virgin sila”?

NOEL FERRER

Ang dami nang BL series na mapapanood, at welcome deviation at variation ang reading ng Anino Sa Likod Ng Buwan ngayong Sunday night.

Kapuri-puri sa pagpapataas ng antas ng artistry ng mga aktor ng IdeaFirst ang gagawin nilang ito.

Wala mang direktang financial gain dito, kitang-kita mo ang effort nina Kokoy, Elijah at Teri na ma-develop pa ang kanilang commitment at craft sa pagiging mahusay na artista!

Suportado natin sila riyan! Sana, all!

GORGY RULA

Marami ang pumuri sa kissing scene nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa Gameboys. Magaling kasi silang umarte at nakikita mong ramdam nila ang eksena.


Continue reading below ↓

Kokoy de Santos (left) and Elijah Canlas

Pero mas mapangahas ang love scenes na napapanood sa ilang episodes ng Unlocked anthology ni Direk Adolf Alix Jr. sa Gagaoolala.

Dito sa My Day nina Miko Gallardo at Iñaki Torres, wagas ang laplapan at talagang itinodo na nilang lahat. Pareho silang guwapo kaya okay lang panoorin.

Malayo sa dinayang love scene nina Royce Cabrera at Kyo Quijano sa Quaranthings. Maaaring umiiwas na talaga si Royce sa mga ganitong eksena dahil nabanggit niya noong gusto niyang gumawa ng iba pang tema ng project.

Sa totoo lang, santambak na talaga ang napapanood na Pinoy BL series sa YouTube, kaya baka pag-initan na ito ng ilang grupo, bilang hindi naman ito saklaw ng MTRCB.

Kaya responsibilidad ng mga magulang ang pagbabantay sa digital films o series na pinapanood ng mga anak nila. Baka kasi ma-disorient ang mga kabataan sa dami ng kalalakihang involved sa kuwentong kabadingan.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Iñaki Torres and Miko Gallardo in My Day; (left) Chad Kinis and Ardel Presentacion in Beki Problems.
PHOTO/S: Nikko Tuazon / Ardel Presentacion
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results