Guesting ng BuDaKhel, nakatulong sa pagtaas ng rating ng All-Out Sundays?

by PEP Troika
Sep 28, 2020
Ang guesting ng BuDaKhel (Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan) ang highlight sa pagbabalik-studio ng All-Out Sundays nitong Linggo, September 27.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Mula sa 5.3% na rating noong September 20, Linggo, 5.9% ang nakuha ng All-Out Sundays (AOS) nitong September 27, ayon sa AGB-NUTAM.

Nakatulong kaya rito ang guesting ng BuDaKhel na sina Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan?

Medyo nabitin kasi ako sa number nila kasama sina Christian Bautista, Mark Buatista, Jeremiah Tiangco, at Garrett Bolden.

Inaasahang mas bongga at mas masaya ang mapapanood sa susunod na Linggo, lalo na kung may pasabog na naman silang guest performers.

Pagkatapos ng AOS, sumunod ang replay episode ng Wagas, kung saan tampok ang kuwento ni yumaong Senator Mirian Defensor-Santiago na ginampanan ni Heart Evangelista. Naka-5% ito.

Sumunod ang Dear Uge, na part two na ng bagong episodes nila. Naka-5.4% naman ito. Tumaas siya mula sa 5.1% noong September 20.

Pagkatapos ng Dear Uge, dito na pumasok ang documentary na Lockdown: Food Diaries hosted by Alden Richards. Naka-5.2% ito.


Continue reading below ↓

Sumunod ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na naka-8.8%.

Bahagyang bumaba ang Kapuso Mo Jessica Soho with 21.7%. Noong September 20 ay naka-23.2% ito. Pero mataas pa rin naman ito.

Ang The Boobay and Tekla Show (TBATS), na aliw ang prank nila kay Kakai Bautista, ay naka-6.9%.

Nakatapat ng TBATS ang BL series ng TV5 na My Extraordinary, na naka-0.4% naman.

Samantala, tila nakasanayan na ng televiewers ang fresh episode ng Bubble Gang dahil tumataas na ito. Noong Biyernes, September 25, ay naka-7.2% ito.

JERRY OLEA

Noong Marso ay nag-guest ang BuDaKhel sa Eat Bulaga! dahil sa nalalapit nilang concert.

Hindi kasi sila nakakapag-promote noon sa ABS-CBN ng BUDAKHEL Live: Best of the ‘90s, na nakatakdang ganapin noong Marso 20 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Nag-umpisa ang community quarantine noong Marso 15. Mula noon hanggang ngayon ay panay online ang mga concert sa bansa.

Highlight ng comeback party ng All-Out Sundays ang BuDaKhel. Sana, more guestings pa ang BuDaKhel sa Kapuso Network!

Continue reading below ↓

Unang umere ang Wagas anthology noong 2013 sa GMA News TV, at naging daily morning series din last year sa GMA-7.

Sa Oktubre 4, Linggo, ay ire-replay naman ng Wagas ang “Walang Imposible: The Ron and Mary Grace Sapinoso Love Story.” Tungkol ito sa lalaking may cerebral palsy, na pinagbidahan nina Sid Lucero at Gwen Zamora.

Nagwagi ang episode na ito ng Gold Camera Award sa 2014 US International Film and Video Festival.

Sa Dear Uge noong Sunday, bongga ang pagtutuos ng "Dalawang Mrs. U" na sina Stella (Eugene Domingo) at Nelda (Sanya Lopez), with Atty. George (Gardo Versoza) as referee.

Abangan natin ang mga susunod pang fresh pasiklab ng Dear Uge.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Sana, ang pagtaas ng rating ng fresh episodes ng Kapuso shows will encourage producers to continue churning out new episodes while at the same time observing the proper health protocols habang tine-tape ang mga ito.

Second, I wonder how many people have migrated into online viewing ng mga TV content. Kasi, halos lahat ng mapapanood mo sa free TV ay palabas na rin online at your own time.

It brings me to the inevitable question: nagbabago na ba ang viewing habits ng mga Pinoy at nagsi-shift na rin ba ito sa online?

I’m curious to know kung ano ang sagot ng followers natin!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang guesting ng BuDaKhel (Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan) ang highlight sa pagbabalik-studio ng All-Out Sundays nitong Linggo, September 27.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results