Julia Barretto, umalis na ng Star Magic para lumipat sa Viva

by PEP Troika
Sep 29, 2020
Kinumpirma ng isang ABS-CBN insider ang pag-alis ni Julia Barretto sa bakuran ng Star Magic at paglipat nito sa Viva Artists Agency. Umalis na rin si Julia sa teleseryeng Cara y Cruz ng Kapamilya Channel.
PHOTO/S: RB Chanco / Julia Barretto Instagram

NOEL FERRER

May nagparating sa PEP Troika ng balitang lilisanin na diumano ni Julia Barretto ang Star Magic family, at lilipat na raw sa pamamahala ng Viva Artist Agency (VAA).

Kaakibat ng nasabing balita ay ang diumano’y pagtalikod niya sa naipa-storycon niyang teleserye sana sa Kapamilya network, ang Cara y Cruz, na pagtatambalan nila ni Tony Labrusca. Mukhang si Barbie Imperial na raw ang papalit sa kanya.

May bulung-bulungan ding lilipat si Julia sa TV5.

Nang magsiyasat tayo ay tikom ang bibig ng mga taga-Kapamilya network dito, samantalang ang kakilala naman natin sa TV5 ay nagsabing wala pang kasiguraduhan ang pagtuntong ni Julia sa Kapatid network.

Pero maugong daw ang balitang magpapa-handle na ang aktres sa Viva.

Ano ang masasabi ninyo rito sa mala-telenobela ring ganap recently kay Julia Barretto?

JERRY OLEA

Tweet ng Viva Artists Agency nitong Setyembre 28, Lunes: “Stronger. Fiercer. Brighter.

“Can you guess who’s joining our growing fam? Find out the big reveal on Sept. 29, 2020!”

Continue reading below ↓

Nakalagay sa kaakibat nitong art card: “A new star will shine will shine brighter at Viva!”

Naka-post din ito sa Instagram acocunt ng Viva Entertainment.

Si Julia Barretto ba ang tinutukoy rito?

Wala nang prangkisa ang ABS-CBN. Hirap akong hagilapin kung saan panonoorin ang kanilang mga programa.

Ang tatay-tatayan ni Julia sa Star Magic na si Mr. M o Johnny Manahan ay nasa TV5 na.

Continue reading below ↓

Di ba, matapos mapabalitang si Direk Laurenti Dyogi ang bagong pinuno ng Star Magic, umugong ang bulung-bulungang aalis dito ang ilang A-list stars?

Nasa kuwadra ng Viva sina Vice Ganda, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Marco Gumabao, Xian Lim, Matteo Guidicelli, Bela Padilla, Kim Molina, at iba pa.

Welcome addition sa kanila si Julia, if ever.

GORGY RULA

Kinumpirma ng kaibigan nating Kapamilya na lumipat na sa Viva si Julia.

Kuwento ng Kapamilya insider, “Nag-quarantine at nagpa-swab test na si Julia para sa taping ng Cara y Cruz. Nag-script reading sila a few days before mag-taping.

“At the last minute, nawala na siya sa project. Nagulo ang production. Apektado ang ibang mga artista. Na-delay ang taping, pero tuloy.

“Kasama talaga sa cast ng Cara y Cruz sina Barbie Imperial at Heaven Peralejo. Siyempre, may changes dahil wala na sa cast si Julia.”

Dating Viva artist ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto. Ang ama ni Julia na si Dennis Padilla ay hawak ni June Torrejon na taga-Viva.

Continue reading below ↓

Hindi ako sure kung Viva artist pa rin ang tiya ni Julia na si Claudine Barretto.

Marami pang magagawa ang Viva kay Julia.

Bakit kay Claudine, tila nauudlot ang projects na dapat gagawin niya?

Na-depress si Claudine dahil naudlot ang shooting nila ni Piolo Pascual sa Italy. May plane tickets na sila, kaso lumaganap ang COVID-19 pandemic at nagka-lockdown.

Speaking of Piolo, totoo bang umalis na rin ito sa pangangalaga ng Star Magic at lumipat na sa Cornerstone?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ng isang ABS-CBN insider ang pag-alis ni Julia Barretto sa bakuran ng Star Magic at paglipat nito sa Viva Artists Agency. Umalis na rin si Julia sa teleseryeng Cara y Cruz ng Kapamilya Channel.
PHOTO/S: RB Chanco / Julia Barretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results