Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, "magpapakasal" na?

by PEP Troika
Sep 29, 2020
Sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, pinili ng real-life couple na si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na manatiling loyal sa Kapamilya network.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

KathNiel, magpapakasal... sa sitcom?!

Nabulabog ang KathNiel fans sa Instagram post ni Min Bernardo, ina ni Kathryn Bernardo, noong Setyembre 25, Biyernes, kung saan may singsing (wedding ring?) sa pagitan ng mga titik na K at N, at ang kaakibat na litrato ay mistulang parte ng wedding gown.

Continue reading below ↓

Beinte-kuatro anyos pa lang si Kathryn. Ang pahayag ng aktres, 26 anyos siya magpapakasal.

Kaya ang conclusion ng fans, “ikakasal” si Kathryn kay Daniel Padilla sa kanilang Kapamilya sitcom na tatampukan din nina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Gardo Versoza, at Dennis Padilla.

Kahit may feelers o offers ang ibang TV Network sa KathNiel, pinili nilang maging loyal sa ABS-CBN.

Sabihin mang “The boat is sinking” ang laro ng mga Kapamilya matapos kitlin ang prangkisa ng kanilang network, andiyan pa rin ang KathNiel, maging ang LizQuen tandem nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Parang madali lang kasing gawin ang sitcom sa gitna ng sitwasyon natin ngayon. Para iba na rin ang mapapanood sa pinakasikat pa ring love team.

Epek na epek silang magpapatawa, lalo na si Daniel na ang cute ng style niya sa pagpapatawa na tatak-Padilla.

Isa sa nanghinayang sa proyektong ito ay si Carmi Martin, na gaganap sanang nanay ni Kathryn. Ang dinig kong ipinalit sa role ay si Ruffa Gutierrez.

Kuwela rin kung si Ruffa dahil aliw rin siya kung magpatawa na pasosyal.

Sa huling pag-check ko, nakabinbin pa rin ang usapan ng ABS-CBN sa Zoe TV.

Sana matuloy na ito para mapanood na ulit ang ABS-CBN sa free TV. Mahirap kasing panoorin kung online lang.

NOEL FERRER

Alam ko, may pelikula pang gagawin sina Kathryn at Daniel kung okey na ang sitwasyon.

In fairness, napaka-visible pa rin nila sa TV ngayon sa dami ng endorsements.

At heto, may digital concert pa si Daniel, ang APOLLO: A Daniel Padilla Digital Experience, sa Oktubre 11, 2020.

Continue reading below ↓

Na-promote din iyan ni Mommy Min sa kanyang Instagram account, na may paalala sa mga bumili ng tiket na huwag i-share ang streaming link para hindi ma-disconnect sa livestream.

Pandemic man o kahit na anong season, KathNiel rules talaga!!!

JERRY OLEA

Naudlot ang balik-tambalan nina Kathryn at Daniel sa Kapamilya teleseryeng Tanging Mahal, at pelikulang After Forever na magsu-shooting sana sa ibang bansa dahil sa COVID-19 pandemic at pagkitil sa prangkisa ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Good news sa KathNiel fans na magsi-sitcom muna sila, kung saan mas madaling tumupad sa safety and health protocols kumpara sa teleserye o pelikula.

Kuwento ng kaibigan nating Kapamilya insider, “Mahina pa rin ang 8 branches ng KathNails nail salon and spa ni Kath, maging ang 2 branches ng Barbero Blues nila ni DJ. Lugi.

“Puro labas ang pera ni Kath. Buti na lang, sunud-sunod ang endorsements niya.

“Mataas ang viewership ng YouTube channel ni Kath na ‘Everyday Kath’ kaya bongga pa rin siya kahit lugi ang mga negosyo niya.”

Nagpapasalamat siyempre si Kath na kahit may pandemic ay hindi siya nababakante sa trabaho.

“Marami pa rin pong projects and right now we really have to stay in a bubble, as in we have to stay in one place para mabawasan yung chances na magka-COVID 19,” pahayag ng young actress noong Setyembre 25 sa panayam via email.

“So most of the time I’m away talaga from home. We know it’s for the welfare of everyone so we have to very conscious and compliant with health regulations like washing of hands, wearing masks, and social distancing.

Continue reading below ↓

“I encourage everyone po to please be mindful of the safety of others around you and always practice safety measures sa panahon na ito.

“Huwag po tayo magpabaya. Kakayanin po natin ito, just keep praying and helping our families and friends...

“I know it’s difficult to be positive nowadays but we have to persevere for the sake of our loved ones.

“As I always say, di naman po tayo bibigyan ng pagsubok na di natin kayang lampasan. But we have to take care of our health, asset po natin ‘yan sa panahong ito.”

Bilang endorser ng San Miguel Corporation brands, masaya si Kath na itinatayo ng kumpanya ang bagong Manila International Airport sa Bulacan. Meron pa iyong adjacent economic zone, na sa paniniwala niya ay makakapag-boost sa ekonomiya ng bansa.

Pag-amin ni Kath, “Marami talagang nawalan ng work nitong pandemic. It breaks my heart to see people losing jobs and unable to provide for their families.

Continue reading below ↓

“If possible nga na magawa na agad ang bagong airport at economic zone so we can already attract businesses and give people jobs.

“A lot of people really need help right now. In our personal capacity, what we can do is to help the people around us as much as we can. But for the long-term, jobs po talaga ang kailangan.”

Proud si Kathryn na maging bahagi ng San Miguel family na nasa likod ng itinatayong airport sa Bulacan.

Aniya, “From what I heard, it’s going to be really big, spacious and modern. If sanay ka sa big airports like in Japan, Korea and in Europe, it’s going to be that big...

“Matagal na yung San Miguel, and maganda yung reputation niya so I’m sure, like sa TPLEX... and yung iba pang projects nila ay maganda rin yung quality ng work, like their products that I endorse.

“Hopefully, pag maagang matapos yung Bulakan airport at may time at pwede nang magbakasyon, makakasakay rin ako diyan.

Continue reading below ↓

“Just praying and hoping na matapos na po itong crisis para we can live our lives normally like we are used to.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, pinili ng real-life couple na si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na manatiling loyal sa Kapamilya network.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results