Derek Ramsay, ayaw munang bumalik sa trabaho; Andrea Torres, na-depress pagkatapos mag-taping

by PEP Troika
Sep 30, 2020
Patatapusin muna raw ni Derek Ramsay ang 2020 bago siya bumalik sa trabaho. Gugugulin daw muna ni Derek ang panahon niya sa pamilya, lalo na’t regular routine na nila every Sunday na nagsasama-sama silang pamilya, pati ang pamilya ng girlfriend niyang si Andrea Torres.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Maraming ganap sa showbiz ngayong Miyerkules, katapusan ng Setyembre.

Pahiwatig ba ito na happy days are here again sa huling quarter ng taon para sa entertainment industry?

Today ang announcement ng Viva kung sinong aktres ang bagong lipat sa kanilang pamilya.

Kahapon pa sana nila ipinakilala kung sino ang young actress na “stronger, fiercer and brighter than ever,” pero naurong iyon ng isang araw.

Continue reading below ↓

Hudyat ba ito ng pagratsada muli ng Viva, lalo pa’t pinu-promote na nila si Billy Crawford sa TV program nitong Masked Singer Pilipinas na mag-uumpisa sa Oktubre 24, Sabado ng 7:00 P.M., sa TV5?


Ready na ba kayong manghula hu is hu?

May virtual mediacon ngayong hapon ang bagong newsprogram ng TV5 na Frontline Pilipinas, na eere simula Oktubre 5, Lunes ng 6:30-7:30 P.M.

Continue reading below ↓

Frontliners ng “most complete and up-to-date news reports” sina Raffy Tulfo, Cheryl Cosim, Luchi Cruz-Valdes, Ed Lingao, at Lourd de Veyra.

Matutunghayan din ito kung weeknights tuwing 8:00 PM sa One PH Channel 1 na available sa Cignal TV.


Take note na sa Lunes ng 6:00 A.M. mag-uumpisa ang radio program nina Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo5 92.3 News FM, na mapapanood din sa TV5.

Continue reading below ↓


Dalawa ang virtual mediacon today ng GMA-7. Piling-pili ang writers, columnists, editors, at vloggers na invited sa mga ito.

Matapos ang celebration ng third season ng The Clash sa comeback party ng All-Out Sundays, may pa-mediacon na sila. Sa Oktubre 3, Sabado ay mag-uumpisa na ito sa Kapuso Network.


Continue reading below ↓

May pa-mediacon din today ang “High Rise Lovers” ng drama anthology na I Can See You.

Nasa cast ng episode na ito sina Lovi Poe, Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga, at Kenneth “Tetay” Ocampo, sa direksiyon ni Monti Parungao.

Ipapalabas ito umpisa Oktubre 5, Lunes ng 9:15 PM sa GMA-7.


Continue reading below ↓

Lovi Poe, Kenneth "Tetay Ocampo, and Teresa Loyzaga

Casting call ng pelikulang Anak ng Macho Dancer ngayong 2:00-5:00 P.M. sa Sikat Studio, 305 Tomas Morato Avenue, Bgy South Triangle, QC, malapit sa Timog Avenue.

Mapangahas ang pelikulang ito na ididirek ni Joel Lamangan, kaya ang mag-a-audition ay dapat handa sa maseselang eksena. Walang eme-eme!

Kailangan ng produksyon ng mga lalaki at babae, edad 21-30, at may itsura para sa iba’t ibang papel.

“Sa mga interesado, magdala ng resume, head shot at full body shot photo. Dapat, naka-face mask at face shield,” sabi ng line producer of the year na si Dennis Evangelista.

Para sa mga detalye, makipag-alam kay Bb. Katya sa CP# 09661386440.


Continue reading below ↓

Pangungunahan nina Lea Salonga, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Lani Misalucha ang Sine Sandaan: The Next 100 — Celebration of the Closing of the Philippine Cinema Centennial ONLINE mamayang 8:00 P.M.

Streaming ito sa Facebook page at YouTube channel ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Tampok din sa two-hour concert na ito sina Isay Alvarez, Robert Seña, The Company, at ang Acapallego.


Continue reading below ↓

Post-birthday concert naman ni Rita Daniela mamayang 9:00 P.M. sa livestreaming app na Kumu.

Rita & Friends Live! ang title ng virtual concert, kung saan ka-join ni Rita sina Ken Chan, Kris Lawrence, Gian Magdangal, Jeremiah Tiangco, at Thea Astley.

Ang saya-saya!


NOEL FERRER

Hataw nga sa last quarter talaga ng taon with 86 Days Before Christmas at 200th Day natin on Quarantine!

Continue reading below ↓

Ngayon din ang start ng taping ng Kapamilya teleserye na Cara Y Cruz. Locked in ang lahat sa iisang lugar.

Kahit nawala rito si Julia Barretto, tuloy ang taping with cast members Barbie Imperial, Tony Labrusca, Rio Locsin, Sunshine Cruz, Cris Villanueva, Yves Flores, Heaven Peralejo, Keempee de Leon, Nikki Valdez, Bernadette Allyson, and Richard Quan.

'Tapos, tuluy-tuloy rin ang pagre-rehearse at pagsasaayos ng Gabay Guro na gaganapin sa Oktubre 3, Sabado.

Malalaking performers ang pumayag lumabas sa TV5 para sa coverage nito. The biggest and brightest for this advocacy project, ikanga.

GORGY RULA

Extended ang General Community Quarantine (GCQ) sa NCR hanggang October 31, pero purisigido ang showbiz industry na ituluy-tuloy ang trabaho para mga bagong programa at fresh episodes na ang mapapanood natin sa TV.

Tila may ilan pang Kapamilya stars ang mag-aalisan na sa Star Magic. Ang tsismis na nakarating sa amin, susunod daw sila kay Julia Barretto sa Viva Artists Agency (VAA).

Continue reading below ↓

Pero ang ibang artistang may sapat namang ipon ay ayaw munang magpa-pressure sa trabaho.

Kagaya ni Derek Ramsay, patatapusin na raw niya ang taong 2020 bago siya bumalik sa trabaho.

Nakapag-shoot daw siya ng dalawang commercials, at okay raw dahil maingat ang lahat na nasa production sa pagsunod sa safety protocols and guidelines.

Continue reading below ↓

Gugugulin daw muna ni Derek ang panahon niya sa pamilya, lalo na’t regular routine na nila every Sunday na nagsasama-sama silang pamilya, pati ang pamilya ng girlfriend niyang si Andrea Torres.

“We’re praying na everything will change and will go back to normal at doon na ako kakayod sa trabaho.

“This year, patapos na rin, gamitin ko na lang ‘tong oras to my parents, to my family. Kapag naging busy ako, hindi ko na rin sila makikita. You know, parang balance na rin,” pakli ni Derek.

Pinayuhan din ni Derek si Andrea na huwag gawin ang isang episode ng Kapuso drama anthology na I Can See You. Pero hanggang payo lang siya dahil ang Kapuso actress pa rin ang nasunod.


Continue reading below ↓

Paolo Contis and Andrea Torres in I Can See You

Nabanggit pa sa amin ni Derek na pagkatapos gawin ni Andrea ang I Can See You, kung saan limang araw itong naka-lock in sa location at kailangang ma-self quarantine pagkatapos ng taping, ay tinamaan ng depression ang aktres.

“Parang na-stress siya nang sobra when she had to do the quarantine.

“She lives with her parents, 'tapos hindi talaga siya lumalabas ng kuwarto. Parang tinamaan siya talaga dun.

"Sabi niya, hindi na muna siya magtatrabaho. Mahirap,” kuwento ni Derek nang nakausap namin sa telepono kahapon, September 29.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patatapusin muna raw ni Derek Ramsay ang 2020 bago siya bumalik sa trabaho. Gugugulin daw muna ni Derek ang panahon niya sa pamilya, lalo na’t regular routine na nila every Sunday na nagsasama-sama silang pamilya, pati ang pamilya ng girlfriend niyang si Andrea Torres.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results