Shaira Diaz, gaganap na modern-day hero sa Magpakailanman; tambalan nina Alden at Jasmine, maganda ang feedback

by PEP Troika
Sep 30, 2020
Shaira Diaz (kaliwa) gaganap bilang nurse na tumulong sa babaeng nanganak sa kalye; tampok naman sina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith (kanan) sa "Love On The Balcony" episode ng Kapuso drama anthology na I Can See You.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Bida si Shaira Diaz bilang Lorraine Pingol sa fresh episode ng Magpakailanman sa bago nitong timeslot sa Oktubre 3, Sabado ng 8:15 P.M., pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.

Si Lorraine ang medical frontliner na tumulong sa isang babaeng naabutan niyang nanganganak sa kalye. Nag-viral ang nasabing video.

Tampok din sa episode na ito si Yayo Aguila bilang ina ni Lorraine.

“Si Shai, isa sa favorites ko siya na kasama sa work. We became close a few years ago when we shot an episode of Wattpad sa HK,” lahad ni Yayo nitong Setyembre 30, Miyerkules, via Messenger.

“Very sweet girl, very focused and very independent pa. I’m glad nagkasama kami ulit.

"Kasi, at least, alam na namin sa isa’t isa how we work. So, basically, di na kami nahirapan sa mga scenes.”


Continue reading below ↓

Kumusta ang taping nila?

“Ibang-iba talaga ang new normal. No more of the usual chika. Pagdating sa set, blocking na agad. Then, take.

“Then, balik na sa rooms. Strict ang GMA sa protocols and I love them for that.

“Mabilis ang trabaho. One-day and 12-hour work schedule talaga. Halos lahat, take 1 kami.

“Hindi lang ako sure sa ibang eksena without me. But alam ko rin na yung re-enactment ng panganganak sa kalye, very detailed yun.

“Kasi, dapat kapareho talaga nung actual. Ipapakita naman nila sa episode yung actual video.”

NOEL FERRER

Very good.

Kung isang buwan na nag-replay ang Magpakailanman nitong September, baka bumawi sila at mag-all-fresh episodes na sila this October and in the succeeding months.

Aantabayanan natin ‘yan!!!

GORGY RULA

Hindi mo talaga mapulsuhan kung ano ang gusto ng televiewers lalo na’t ang dami na nilang pinagpipilian ngayon sa mga digital at online shows.

Minsan, mas mataas pa ang rating ng replay kesa sa bagong episode. Depende siguro kasi sa kuwentong inilalahad.

Continue reading below ↓

Pero interesting itong kuwento ng nurse na si Lorraine. Kaya panonoorin ko iyan!

Samantala, masaya ang bumubuo sa drama anthology na I Can See You dahil maganda ang feedback sa first episode nilang "Love on the Balcony" nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith.


Nag-trending sa Twitter ang pilot episode at tinutukan sa mga susunod na araw.

Continue reading below ↓

Sa October 5, Lunes, ay bagong episode na naman ang mapapanood, ang "High Rise Lovers," tampok sina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Winwyn Marquez.

JERRY OLEA

Kaabang-abang din ang “October Pasabog” ng Wish Ko Lang! (WKL) tuwing Sabado ng 4:00 P.M. sa GMA-7.

Sesentro sa pamilya ang limang star-studded episode ng WKL sa Oktubre, hosted by Vicky Morales.

Magbibigay-buhay sa dramatization ng “Nilapa ng Buwaya” story sa Oktubre 3, Sabado, sina Angelika dela Cruz, Barbara Miguel, Miggs Cuaderno, Neil Ryan Sese, at Angela Alarcon.

May episode na tatampukan nina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Klea Pineda, at Kelvin Miranda.

Pangungunahan ni Rita Avila ang isang episode kasama sina Vance Lareña, Crystal Paras, Michael Flores, at Arny Ross.

Kaabang-abang din ang episode nina Bianca Umali, Angelu de Leon, Chesca Salcedo, at Sue Prado.

Ganoon din ang kuwentong pagbibidahan ni Katrina Halili, Dominic Roco, at Miggs Cuaderno.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Diaz (kaliwa) gaganap bilang nurse na tumulong sa babaeng nanganak sa kalye; tampok naman sina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith (kanan) sa "Love On The Balcony" episode ng Kapuso drama anthology na I Can See You.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results