Carmi Martin, no regrets na hindi siya natuloy sa KathNiel project

by PEP Troika
Sep 30, 2020
Nanghinayang man daw siya na hindi siya natuloy sa digital series ng KathNiel, inihayag ni Carmi Martin na mas mahalagang naagapan na malamang dinapuan siya ng COVID-19.
PHOTO/S: @miss_carmi Instagram

GORGY RULA

Noong Lunes, September 28, lang nakalabas ng quarantine facility si Carmi Martin pagkatapos siyang ma-quarantine ng dalawang linggo.

Nang lumabas daw ang resulta na positibo siya sa COVID-19, stressful para sa aktres ang mga araw na yun dahil kailangan na niyang mag-check out sa isang hotel sa Quezon City.

Doon sila ipina-quarantine ng production ng digital series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na The House Arrest of Us bago mag-swab test.

Hindi alam ng aktres kung saan siya tutuloy dahil naka-lockdown na rin daw ang condo na tinutuluyan niya sa Makati.

Nasa bahay pa niya ang sister niyang PWD at senior citizen pa.

Tingin ni Carmi, nahawa siya sa kasambahay niyang naging positibo sa COVID-19, lalo't siya ang nagdala rito sa isang quarantine facility.

Mabuti at humingi siya ng tulong sa LGU ng Makati, na siyang naghatid sa kanya sa isang quarantine facility ng naturang lungsod.

"Tinulungan ako ng LGU ng Makati. Buti na lang, in God’s ano talaga… dinala ako dito sa facility ng Makati na ang pangalan ay Makati Friendship Suites facility.

Continue reading below ↓

"Alam mo, naging heaven ang aking stay dun. Biruin mo, 24 hours, meron kang doktor. Twebty-four hours, meron kang nurse. Twenty-four hours, meron kang WiFi, may pagkain ka, pagkatapos, three-bedroom ang aking kuwarto.

"Hindi three-bedroom dahil artista ako, ha? Yun pong facility na yun ay kahit kanino, puwede," pahayag ni Carmi nang nakapanayam namin sa DZRH noong Martes, September 29.

Kaya sinasabi raw niya sa kanyang Instagram post na "honeymoon with God" dahil hindi siya nagmukmok at hindi na-depress sa kanyang kondisyon.

Bagkus ay nagdasal at nagpasalamat siya sa Diyos at nakipag-usap sa mga taong nagbigay sa kanya ng inspiring message.

Isa raw sa madalas niyang nakakausap ay si Coney Reyes at ilang kasamahan niya sa Bible study.

Continue reading below ↓

Kaya ang payo ni Carmi sa mga tinamaan ng COVID-19, lalo na ang mga asymptomatic, dapat daw ay lumapit sa kanilang LGU at i-submit ang sarili sa isang quarantine facility para hindi na makahawa sa ibang tao.

"Gusto ko ngang sabihin sa mga tao na imbes na mamatay pa ang lola ninyo, ang tatay ninyo, sumurender na kayo. Pumunta na kayo sa facility…

"Hindi na para kang multo na ikot ka nang ikot, nagkakalat ka ng virus.

"Kahit na asymptomatic ka, pumunta ka na sa facility."

Mabuti na raw iyong siguradong nabibigyan ng karampatang medical care.

"Sinasabi ko nga sa ibang tao, 'Alam mo, ito yung aking shortcut, e. Fourteen days, o, tapos na ako ngayon.

"Ikaw, ikot ka nang ikot na parang multo, isang buwan, hindi ka pa rin magaling."

Nanghinayang man daw si Carmi na hindi siya natuloy sa digital series ng KathNiel, tingin daw niya, kagustuhan yun ng Diyos at baka doon pa raw siya sa taping mamatay.

Continue reading below ↓

"Ginawa yun, kasi ayaw pa Niya akong mamatay.

"Kasi, kung yun ay false negative, baka na-heart attack ako sa taping!" bulalas ng aktres.

NOEL FERRER

Sinabi rin ni Carmi na siya talaga ang peg at first choice para sa role niya sana sa The House Arrest of Us.

Naaliw siya sa nabasa niyang script ng proyektong bida ang KathNiel.

Pero baka raw Diyos na ang nagsabi sa kanya na, "Teka muna, health first."

Kaya para kay Ruffa Gutierrez na ang role ni Carmi! I’m sure, masaya rin iyan!

And kapag okay na, there’ll be better projects waiting for Carmi.

Dahil bukod sa certified na magaling na artista, talagang magaan at masaya siyang katrabaho talaga!

JERRY OLEA

May mga aral tayong natututunan sa isini-share ng mga naka-survive sa COVID-19.

Merong ibang celebrity survivors na nanatiling nasa "closet" kahit nalagpasan na nila ang pagsubok, at iginagalang din natin iyon.

Kaya bilib tayo kay Carmi sa paglalahad niya ng kanyang pinagdaanan.

Continue reading below ↓

Sadyang hindi para sa kanya ang papel na ina ni Kathryn. Meant iyon para kay Ruffa.

Okay lang kay Ruffa na maging mother ni Kathryn—ang reigning Box Office Queen ng pelikulang Pinoy.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanghinayang man daw siya na hindi siya natuloy sa digital series ng KathNiel, inihayag ni Carmi Martin na mas mahalagang naagapan na malamang dinapuan siya ng COVID-19.
PHOTO/S: @miss_carmi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results