Kapamilya, Kapuso, Kapatid stars magsasanib-pwersa sa Gabay Guro event

by PEP Troika
Oct 1, 2020
Kabilang sina Regine Velasquez, Pops Fernandez, Martin Nievera, Ian Veneracion, Bea Alonzo, Maymay Entrata, at Edward Barber sa makikilahok sa Gabay Guro event na gaganapin online sa October 3.

NOEL FERRER

Maraming Kapamilya talents ang makakasama ng MVP group sa kanilang taunang Gabay Guro event.

Pwede iyong maipalabas sa MVP network na TV5 or Cignal. Pero actually, sa streaming magaganap ang lahat sa Oktubre 3, Sabado ng 3:00 P.M., sa Facebook page at YouTube channel ng Gabay Guro.

Kapamilya plus Kapuso na parang mas malaki pa sa Christmas special with the major networks combined!

Hosts sina Edu Manzano, Xian Lim (na dapat si Luis), at ang talent kong si Iza Calzado.

Bigating performers ang makakasama with Sharon Cuneta, Martin Nievera, Gary Valenciano, Gabby Concepcion, Derek Ramsay, Piolo Pascual, Ian Veneracion & Bea Alonzo, Maymay Entrata & Edward Barber, Zsa Zsa Padilla & Karylle, Ogie & Leila Alcasid, Regine Velasquez...

Dingdong & Jayda Avanzado, KZ Tandingan, Joey Generoso & Mark, Jinky Vidal & Klarisse de Guzman, Luke Mijares & Ebe Dancel, Paolo Santos & Julie Ann San Jose, Juris Fernandez & Iñigo Pascual, Rayver & Rodjun Cruz...

Continue reading below ↓

Zephanie Dimaranan, The TNT Boys, Jed Madela, Kyla, Sam Concepcion, Randy Santiago, Christian Bautista, Jugs, Teddy, Raimund Marasigan, Nyoy Volante, Jona, Jaya, Lani Misalucha, at marami pang iba.

Sa panahon ng pandemya, magandang nagsasama-sama ang mga Kapamilya, Kapuso, at Kapatid sa isang magandang adhikain.

GORGY RULA

Thirteen (13) years na itong ginagawa ng Gabay Guro kung saan pinapasaya nila ang mga mahal nating mga guro sa isang araw sa SM MOA Arena.

Pero dahil sa pandemyang hinaharap natin, at bawal ang mass gathering, online na lang ito.

Sa mga guro na gustong sumali at posibleng manalo ng mga bonggang papremyo, maari kayong makakuha ng e-ticket sa Gabay Guro app. I-download ninyo itong Gabay Guro app sa inyong mobile phone, tablet, laptop o desktop, at doon makakakuha ng e-ticket para makasali sa raffle.

Proud si Ms. Chaye Cabal-Revilla, ang chairperson ng Gabay Guro Foundation ng PLDT at Smart, sa app na ito dahil marami ritong magagamit ng teachers para sa kani-kanyang klase lalo na ngayong nasa blended learning program na tayo.

Continue reading below ↓

Bukod pa riyan, kahit offline ay mabubuksan nila ang Gabay Guro app.

“Pinoy made ang app na ito. Every time na mag-download nito, may points silang makukuha.

“'Tapos, mag-register and get ng e-ticket para sa kanilang raffle.

“I-click niyo lang ang grand gathering, may registration, at makakuha sila ng QR code at iyun na ang e-ticket nila,” paliwanag ni Ms. Chaye kung paano makasali sa bonggang pa-raffle ang mga teachers.


Continue reading below ↓

Walang house and lot na pa-raffle ngayon, pero nandiyan pa rin ang Foton car na ibibigay sa masuwerteng guro, at halos P2M cash na ipapa-raffle.

Pinag-uusapan lang daw nila kung paano ang hatian sa ipapa-raffle na cash prizes. Mas kailangan daw kasi iyan ngayon ng ating mga guro.

Samantala, kung napag-usapan last year ang ang pagkikita sa Gabay Guro event nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, hindi lang daw niya alam kung ano naman ang magaganap ngayon dahil online kasi lahat.

Pero nakakatuwa raw dahil talagang all-out pa rin ang partisipasyon ng mga kilalang celebrities, at hindi isyu sa kanila rito ang talent fee. Ginagawa nila ito para sa ating mga guro.

JERRY OLEA

Bukod sa grand gathering na ito na taun-taong ginagawa ng Gabay Guro, involved din ang ilang celebrities sa pagtulong sa ilang mga guro (lalo na sa senior citizens) kung paano maka-adapt sa online schooling.

Hindi sila ganoon ka-techie kaya nag-volunteer ang ibang celebrities gaya nina Pops Fernandez at Derek Ramsay para turuan sila online.

Continue reading below ↓

“May task force tayo to do that. May training programs. May mga artista tayo na nag-volunter din na mag-YouTube videos para magturo,” paliwanag ni Bb. Chaye.

“Saka ang kagandahan din, meron tayong na-form na task force na mga MVP teachers na tawag natin.

“Mga Gabay Guro teachers na magtu-tutor sa kanilang fellow teachers who need help sa kanilang transition. Of course, to continue the training din on a weekly basis.”

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sina Regine Velasquez, Pops Fernandez, Martin Nievera, Ian Veneracion, Bea Alonzo, Maymay Entrata, at Edward Barber sa makikilahok sa Gabay Guro event na gaganapin online sa October 3.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results