Raymart Santiago, gustong gawing pribado ang relasyon nila ni Jodi Sta. Maria: "Hindi naman kami KathNiel o LizQuen."

by PEP Troika
Oct 1, 2020
Pagkatapos kumpirmahin ang espesyal na namamagitan sa kanila ni Jodi Sta. Maria, nais ni Raymart Santiago na tahimik lamang ang relasyon nila. Dahil sabi nga niya, hindi naman sila love team na kagaya ng KathNiel at LizQuen.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Maraming nangungulit kay Raymart Santiago na ma-interview para kumpirmahin ang naglabasang balita tungkol sa relasyon nila ni Jodi Sta. Maria.

Ngunit very Raymart, hindi siya nagpapapatol sa interviews at pinahahalagahan niya ang personal na buhay.

But this is not to say na itinatanggi niya ang masayang ganap sa kanyang buhay. Hindi lang siya talaga nabubuhay sa ingay ng showbiz.

Kagabi, Setyembre 30, Miyerkules, tinanong ko si Raymart kung ano ang masasabi niya sa pagputok ng balita tungkol sa relasyon nila ni Jodi.

“Hindi naman kami KathNiel o LizQuen. Kung ano man yung inilabas niyo, yun na ‘yon. Masaya lang lahat,” matipid na sabi ni Raymart.

Tama naman.

Bihira o halos wala tayong narinig kay Raymart kahit na anong drama o pahayag sa kanyang buhay.

Sa gitna ng maraming pagsubok na humantong pa sa mga legal battle, bibihira mo siyang mariringgan ng kung ano. Karaniwan nang pribado ang kanyang pakikitungo kaya mas taos sa puso at nagtatagal ang kanyang pagkakaibigan at relasyon sa mga tao.

Continue reading below ↓

Sa maikling pahayag ni Raymart na ito sa atin, pinahahalagahan niya ang kung anumang meron sila ni Jodi ngayon, at iginagalang natin ito.

Sa katunayan, nakokonsensiya na siguro ang nag-leak ng larawan nina Raymart at Jodi dahil pagbali ito ng kasunduang confidentiality sa lugar na pinagganapan ng espesyal na moment nina Jodi at Raymart.

Basta, ipagdarasal nating maging maligaya at matahimik ang samahan ng dalawang kaibigan nating ito. Dahil dito’y excited ako na mag-attend ng Christmas party namin sa barkada na kasama na si Jodi!

Pero teka, baka may bagong mga bubulaga pa na mga bagong kaanib sa pamilya bago matapos ang taon. Abangan!!!

GORGY RULA

Ilang beses kong nakausap si Jodi sa mga pagkikita namin noon sa mga pribadong pagtitipon. Nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa kanyang nakakarelasyon.

Tapos na siya sa pa-cutie-cutie na pakikipagrelasyon, at puwede na siyang mag-settle down uli.

Ang problema, pending pa rin ang annulment case nila ni Pampi Lacson. Sana matapos na ito at ibigay na ng korte ang kalayaan nila ni Pampi.

Continue reading below ↓

Haharap na si Jodi sa bagong hamon kapiling ang bagong makakatuwang niya sa buhay.

Tingin ko naman, okay na okay na si Raymart ang makakasama niya dahil seryoso ito noon pa.

Sa isyung pagsasama nila noon ni Claudine Barretto bilang mag-asawa, mas naniniwala ako kay Raymart, pagkatapos kong subaybayan ang mga pinagdaanan nila noon sa korte.

Tama ngang hindi pa-cute na love team sina Raymart at Jodi, kaya hayaan na natin kung gusto na nilang manahimik.

Maaring hindi na sila magsalita tungkol sa kanilang relasyon. Masayang-masaya na tayo para sa kanilang dalawa.

Nakakatuwa ang grupo ninyo, Sir Noel, may bago kayong recruit dahil siyempre, kasama na ni Raymart madalas si Jodi.

E, sino na lang sa grupo ninyo ang wala pang love life? Kung puwede, pakitanong kina Rowell Santiago at Agot Isidro.

JERRY OLEA

JoMart, JoRay, RayJo o RayDi?

Naku! Hindi naman magka-love team sina Jodi at Raymart. Nakakaasiwa kung may pa-portmanteau pa sila a la KathNiel o LizQuen.

Continue reading below ↓

Lumalaki na ang kani-kanyang anak sa napangasawa, na matagal na silang napahiwalay.

Kilig-kiligan man tayo at sabik uriratin kung paano umusbong at yumabong ang pag-iibigan nina Jodi at Raymart, hayaan na lang natin sila.

At least, hindi sila dedma o nag-deny sa balita, bagkus ay agad umamin. Sapat na iyon sa atin.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos kumpirmahin ang espesyal na namamagitan sa kanila ni Jodi Sta. Maria, nais ni Raymart Santiago na tahimik lamang ang relasyon nila. Dahil sabi nga niya, hindi naman sila love team na kagaya ng KathNiel at LizQuen.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results