Ken Chan, tumangging gumawa ng BL series dahil sa love team nila ni Rita Daniela

by PEP Troika
Oct 1, 2020
Pagkatapos gawin nina Ken Chan at Rita Daniela ang launching movie nilang My First And Always, magsasamang muli ang dalawa sa Season 3 ng The Clash bilang journey hosts.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

GORGY RULA

Nagpapasalamat si Rita Daniela dahil masuwerte siyang si Ken Chan ang ka-tandem niya dahil wala raw kaarte-arte ang Kapuso actor, at magaan katrabaho.

Isa ito sa napatunayan ni Rita nang magkasama silang na-lock in nang walong araw sa shooting ng launching movie nilang My First and Always ng Heaven’s Best Entertainment.

Iba raw kasi ang experience na nagtatrabaho sa bagong normal na lahat ay nag-iingat ngayong nasa pandemya pa tayo.

“Doon ko talaga naramdaman na, ‘Ah, eto na pala ang new normal.’ Isipin niyo po yun, eight days straight.

"'Tapos, since may curfew, hindi na siya tulad ng dati na pwedeng mag-work talaga kahit madaling-araw. Pero dahil may curfew, sobrang strict na sila sa time,” pakli ni Rita.

Dagdag niyang pahayag, “May mga advantages at disadvantages din po because of the pandemic.

“Advantage, because of the time, kasi parang nanibago kami na, ‘Ah, eto pala ang pakiramdam kapag maaga kang natapos sa work.’

Continue reading below ↓

"Yun lang na masarap ang feeling na meron ka ring more time to rest, and to prepare din for the next day.

“Ang disadvantage kasi, nababawasan naman yung time, like yung mga break. Kasi, sa amin po talaga, mas major na wala kaming break.

“Sariling sikap ka at diskarte kung kailan ka pwedeng kumain. Kasi, dire-diretso talaga ang trabaho dahil nga po sa curfew, iniiwasan talaga na ma-late sa curfew.

“Pero hindi talaga mahirap katrabaho si Ken Chan. Lahat, magagawa, kasi hindi siya maarte.”

Kaya ang tandem nila ang laging ginagamit ng GMA-7, at magsasama sila uli sa Season 3 ng The Clash na magsisimula na sa October 3, Sabado ng 7:15 ng gabi.

Excited silang dalawa dahil kasama sila sa mga bagong talents na eventually makakatrabaho nila sa ibang programa ng GMA-7 kagaya ng All-Out Sundays.

Umaayon din ang RitKen sa sinabi ng The Clash hosts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na sana, kakaiba ang mapiling grand champion this season sa mga nanalo noong Season 1 na si Golden Cañedo, at sa Season 2 na si Jeremiah Tiangco

Continue reading below ↓

“Unique, pero solid!” sabi ni Julie Anne.

“Siguro, for me, hinahanap ko yung ibang genre naman, yung parang kakaiba.

“Sana, ibahin lang nila. Yung iba ang style,” pakli ni Rayver.

JERRY OLEA

Gusto ng GMA-7 na palakasin pa ang RitKen tandem kaya tinanggihan nila ang alok kay Ken na magbida sa isang BL series.

“Actually, may nag-inquire na po. Kaya lang, ayaw talaga ng GMA Network and Artist Center because nanggaling na po ako sa Destiny Rose before. So, mahirap pong makawala sa ganoon pong character,” sabi ni Ken.

Kaya iyong mga nangangarap na madugtungan ang harutan nina Ken at Jeric Gonzales sa Destiny Rose, huwag na kayong hopia at asado.

Samantala, may agam-agam ako para kina Golden at Jeremiah sa pag-uumpisa ng Season 3 ng The Clash.

Hindi ko pa kasi nararamdaman ang kislap ng kanilang bituin, 'tapos may hihirangin nang bagong kampeon ang nasabing singing competition?

Oo nga’t marami ang nabigyan ng trabaho sa pagkakaroon ng bagong season ng The Clash.

Continue reading below ↓

Still, nakaramdam ako ng lungkot para kina Golden at Jeremiah.

NOEL FERRER

Nang makausap ko ang GMA-7 executive na si Annette Gozon-Valdes, napag-usapan namin ang mga artistang may hitsurang pang-showbiz, may attitude na pang-showbiz, at may talent na pang-showbiz.

Itong sina Rita at Ken, may talent na pwede pang hasain. Pero ang nakahihigit sa kanila ay ang kanilang determinasyon at commitment na mag-succeed. Hindi matatawaran yun!

Kaya kahit alam nating imposibleng magkatuluyan sila sa totoong buhay, pwede nilang iarte yun nang maayos at mapapaniwala ang mga tao dahil pinagbubutihan nila ang trabaho nila.

Sana, malayo ang marating nila. Given na tama talaga ang attitude nila, which in this industry really makes a difference.

Yun lang!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos gawin nina Ken Chan at Rita Daniela ang launching movie nilang My First And Always, magsasamang muli ang dalawa sa Season 3 ng The Clash bilang journey hosts.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results