Kapamilya, handa na ba kayo sa Bagong Umaga at Init Sa Magdamag?

Kapamilya Channel, hindi mapipigilang gumawa ng mga bagong teleserye.
by PEP Troika
Oct 5, 2020
Dalawang bagong teleserye ang handog ng Kapamilya Channel ngayong Oktubre: ang Bagong Umaga at Init Sa Magdamag tampok ang ilan sa pinakamaningning na bituin ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Bagong Umaga na ang title ng Kapamilya drama series kung saan tinanggal si Julia Barretto matapos itong umalis sa ABS-CBN Star Magic at lumipat sa Viva.

Gaya ng naunang napabalita, nasa cast nito sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, at Heaven Peralejo. Kasama nila sina Kiko Estrada, Michelle Vito, at Yves Flores.

No wonder, bet na bet ng mga Kapamilya ang awit ni Bayang Barrios na "Bagong Umaga":

“May bagong umagang parating/ May bagong umagang parating/ May bagong umagang parating/Bagong umaga, bagong umagang parating...

“Gaano man kabigat ang dinadala/ Gaano man ang hirap na nadarama/ Sa buhay mo, kaibigan ko/ Walang pasanin na hindi gumagaan/ Walang pagsubok na hindi nalalampasan”

Ang isa pang bagong Kapamilya serye ay ang Init sa Magdamag. Ito ang unang drama series na bida si Yam Concepcion, at ang papel niya ay doktora.

Dalawa ang leading man ni Yam—si Gerald Anderson bilang doktor, at si JM de Guzman bilang asawa niya na negosyante at bahagi ng political clan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Three weeks lock-in taping sila sa Tanay, Rizal. Then, fourteen days quarantine ulit,” kuwento ng Kapamilya insider nitong Oktubre 5, Lunes.

“'Tapos, balik ulit for another three weeks lock-in taping. Ganoon nang ganoon hanggang matapos ang series.”

Ito bang Init sa Magdamag ay inspired ng 1983 Viva movie nina Lorna Tolentino, Joel Torre, at Dindo Fernando, na idinirek ni Laurice Guillen?

“Hindi. Originally, ang title ng series ay What I Did for Love. Kaso, ang mahal ng song,” paliwanag ng Kapamilya insider.

“So, naghanap kami ng medyo bagay na song sa theme and feel ng show. Iyong Init sa Magdamag ang pinakamalapit.”

Mabuhay ang mga Kapamilya sa bagong umaga hanggang sa init ng magdamag!

GORGY RULA

Senyales na kaya ito ng bagong umagang haharapin ng mga taga-Kapamilya Channel?

May mga nag-post sa Tiktok ng pagsasanib ng ABS-CBN at ZOE TV na mapapanood sa Channel 11.

Idinagdag na sa list ng Sky Cable ang ZOE Channel at may ilang taga-ABS na nagpu-post na ng pagsasanib ng ABS-CBN at ZOE.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ang latest na nasagap namin, hindi pa raw ito napa-finalize dahil pinag-uusapan pa ang oras na ibibigay sa Kapamilya Channel bilang blocktimer.

Wala lang akong ideya sa agreement ng isang blocktimer, pero ayon sa ilang napagtanungan ko, ilang oras lang ang puwedeng gamitin ng blocktimer sa isang istasyon. Hindi raw pwedeng lumampas sa walo o sampung oras ang gagamitin ng isang blocktimer.

Ang narinig ko, mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-diyes ng gabi ang hinihingi raw na oras ng Kapamilya Channel.

Nag-aalangan daw ang mga taga-ZOE sa gusto ng ABS-CBN dahil baka mapansin sila at mapag-initan, at baka ang prangkisa naman nila ang maapektuhan.

Kunsabagay, mahaba rin ang oras ng GMA-7 noon bilang blocktimer sa QTV. Pero hindi siguro ito napansin noon dahil hindi pa mainit ang isyu ng franchise.

Kaya pinag-uusapan pa raw at hindi pa napagkakasunduan kung ilang oras ang maibibigay ng ZOE sa ABS-CBN bilang blocktimer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan na lang natin, dahil hindi pa talaga natin matitiyak kung mapapanitili ang init sa magdamag ng mga programang ipapalabas ng ABS-CBN sa ZOE TV.

NOEL FERRER

Mga bagong teleserye, fresh content, tuloy ang trabaho ng mga nasa Kapamilya network!

Habang ang iba’y tigmak sa mga replay pa rin, don’t you think the audience deserves better now, lalo na’t naghahanap sila ng mga bagong panoorin ngayong lockdown pa rin?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang bagong teleserye ang handog ng Kapamilya Channel ngayong Oktubre: ang Bagong Umaga at Init Sa Magdamag tampok ang ilan sa pinakamaningning na bituin ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results