Bea Binene, gaganap bilang battered wife sa Magpakailanman; Paolo Contis, pang-leading man na ang dating

by PEP Troika
Oct 6, 2020
Bea Binene (left) will play a battered wife imprisoned by her husband in an episode of Magpakailanman; Paolo Contis attracts viewers of I Can See You because of his leading-man role in "The Promise" episode.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Sa limang Sabado ng Oktubre, bago lahat ang episodes ng Wish Ko Lang (WKL) tuwing 4:00 P.M. sa GMA-7.

Buena mano sa October Pasabog ng programang hino-host ni Vicky Morales ang “Nilapa ng Buwaya” episode noong Oktubre 3.

Tinampukan ito nina Angelika dela Cruz, Barbara Miguel, Miggs Cuaderno, Neil Ryan Sese, at Angela Alarcon.

Sa darating na Sabado, October10, handog naman ng WKL ang episode na “Nilamon ng Lupa,” starring Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Kelvin Miranda, and Klea Pineda.

Panay fresh din ang episodes this month ng Magpakailanman anthology, hosted by Mel Tiangco.

Noong Oktubre 3, Sabado ng 8:15 P.M., ipinalabas ang episode na “Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story.”

Istorya ito ni Nurse Lorraine (ginampanan ni Shaira Diaz), na tinulungang manganak ang isang babaeng street dweller sa Makati City.

Sa darating na Sabado ng gabi, matutunghayan naman ang episode na "The Lockdown Wife." Istorya ito ng isang battered wife na ilang buwang ikinulong ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay.

Continue reading below ↓

Ito ang pagbabalik-trabaho ni Bea Binene matapos ang anim na buwang community quarantine. Co-stars niya rito sina Martin del Rosario, James Teng, at Maritess Joaquin.

Noong hindi pa nagbabalik sa taping si Bea, naging abala siya sa kanyang online food business na Bea Bakes. Siya mismo ang nagbe-bake ng mga ibinebenta niyang cookies, muffins, at iba pang sweet treats.

Sa Oktubre 17, ihahatid naman ng Magpakailanman ang episode na "Sign Language of Love" kung saan tampok sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales.

Istorya ito ng teacher sa isang school for the deaf na mahuhulog ang loob sa isang deaf-mute student. Haharapin nila ang panghuhusga at pagtutol ng kani-kanyang pamilya at mga katrabaho.

NOEL FERRER

Another hurrah for fresh episodes!!!

Sana, mapangatawanan na ito nang tuluyan hindi lang ng GMA-7 kundi ng lahat ng TV networks.

Nami-miss ko lang ang straight-up public service nature ng Wish Ko Lang. Naiinintindihan ko ang pangangailangan ng reenactment, pero hindi kasi ito ang focus dati.

Continue reading below ↓

Pero for greater viewership and general interest perhaps, may ganitong changes sa creative decisions. Sakay naman natin yun.

GORGY RULA

Maganda ang feedback sa "The Promise" episode ng I Can See You na nagsimula kagabi, October 5, Lunes.

Sabi ng isang taga-GMA na nakatsikahan ko, si Paolo Contis daw ang hinintay ng televiewers. Mas gusto raw nilang panoorin si Paolo na nagdadrama.

Kinakantiyawan nga si Paolo na leading man na raw talaga ang dating niya. Natatawa na lang si Paolo dahil wala raw nabago sa kanya ngayong leading man na siya. Diyan na siya umaarteng parang pumupungay ang mga mata.

"Ang hirap pala! Wala naman nabago sa akin. Ganoon pa rin naman kahit sinasabi nilang pang-leading man na ako!" natatawang pakli ni Paolo.

Thankful siya dahil sa blessings na dumarating.

Samantala, magsisimula na ang recap ng Descendants of the Sun. Tatakbo ito ng dalawang linggo at pagkatapos, papasok na ang mga bagong episodes na nai-tape na.

Continue reading below ↓

Ganoon din ang aabangan sa Prima Donnas at Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na natapos na rin ang taping.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Binene (left) will play a battered wife imprisoned by her husband in an episode of Magpakailanman; Paolo Contis attracts viewers of I Can See You because of his leading-man role in "The Promise" episode.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results