Si Sanya Lopez, papalitan si Marian Rivera as First Yaya?

by PEP Troika
Oct 10, 2020
sanya lopez in gold background, marian rivera in shorts
Irerespeto raw ni Marian Rivera (kanan) kung ibigay man sa iba ng GMA-7 ang First Yaya na sana'y pagbibidahan niya. Si Sanya Lopez (kaliwa) ang matunog na papalit daw kay Marian.
PHOTO/S: Instagram | @sanyalopez, @marianrivera

JERRY OLEA

Ia-announce ang kapalit ni Marian Rivera bilang bida sa Kapuso teledramang First Yaya sa 24 Oras sa Oktubre 12, Lunes sa GMA-7.

Si Sanya Lopez ba ito?

Ang sigurado ako, hindi ito si Heart Evangelista.

Hindi ko ma-imagine si Heart na maging “Salome” (taga-salo) sa project na inayawan ng Kapuso Primetime Queen.

Si Jennylyn Mercado?

Ultimate Star siya, at nagtambal na sila ni Gabby Concepcion sa Love You Two.

Malabo si Lovi Poe.

Meron itong teledramang Owe My Love with Benjamin Alves.

Sina Carla Abellana at Rhian Ramos, merong Love of My Life with Mikael Daez.

Sina Megan Young at Bianca Umali, naka-line up sa Legal Wives kasama sina Dennis Trillo at Alice Dixon.

Si Glaiza de Castro, kasado sa The Seed of Love with Mike Tan.

Si Andrea Torres, Sanggang Dikit siyempre ni Derek Ramsay.

Si Pauline Mendoza, ilulunsad sa Babawiin Ko Ang Lahat with John Estrada.

Continue reading below ↓

Si Shaira Diaz, leading lady ni Ruru Madrid sa Lolong.

Si Kyline Alcantara, nasa Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Si Klea Pineda, nasa Magkaagaw.

Sina Mikee Quintos at Thea Tolentino, nasa The Lost Recipe with Kelvin Miranda.

Si Sanya Lopez... nasa Agimat ng Agila with Ramon “Bong” Revilla Jr.

Uy! Pwede si Sanya! Di ba?!

Sa istorya ng First Yaya, ang Vice President (Gabby Concepcion) ay magiging Presidente ng Pilipinas.

Kering-keri ni Sanya na maging ‘yaya’ para sa mga anak ng presidente!

Nasa cast din ng First Yaya sina Pancho Magno, Cassie Legaspi, at Pilar Pilapil.

GORGY RULA

Para kay Marian Rivera talaga ang First Yaya na sinasabi ngang tailor-made sa kanya, at kuwela sana talagang panoorin sila ni Gabby Concepcion.

Pero dahil sa situwasyon natin ngayon, mahirap para sa kanya na iwan ang mga anak niya and at risk ang pamilya kapag magpa-lock in siya sa taping.

Sabi ni Marian, nasa GMA-7 iyon kung maghahanap sila ng kapalit sa kanya at irerespeto niya iyon.

Continue reading below ↓

Bagay naman si Sanya kung siya na ang napili sa project na iyon.

Di ba, kay Marian napunta ang mga magagandang projects nang iniwan ni Angel Locsin ang GMA-7?

Ngayon kaya ay mauulit ang magagandang blessings na ito kay Sanya nang magpahinga muna si Marian sa paggawa ng drama series?

Kung si Sanya na ang First Yaya, siya pa rin kaya ang leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Agimat ng Agila, na magsisimula na ang taping sa susunod na buwan?

NOEL FERRER

Maganda itong mga announcement na ito.

At least, may mga bagong balita sa ating industriya.

Nagre-recap na ang Prima Donnas.

Ang fresh episodes nito, papasok sa November 9.

Sa Oktubre 26, eere na ang recap ng Descendants of The Sun nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, at Jasmine Curtis-Smith.

Ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, magsisimula na ang recap sa November 23.

Kaya ang inaasam natin sa iba pang mga TV series ng GMA-7, magkaroon na rin ng fresh episodes.

Continue reading below ↓

Sana, soon! Sana, all!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Irerespeto raw ni Marian Rivera (kanan) kung ibigay man sa iba ng GMA-7 ang First Yaya na sana'y pagbibidahan niya. Si Sanya Lopez (kaliwa) ang matunog na papalit daw kay Marian.
PHOTO/S: Instagram | @sanyalopez, @marianrivera
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results