Vic Sotto on having daughter Tali: "It's a whole new experience for me."

by PEP Troika
Oct 11, 2020
Vic Sotto, daughter Tali, and wife Pauleen Luna-Sotto.
“Tali is my first child na halos nakita ko lahat ng firsts niya—first steps, first song, first words. Ang sarap sa pakiramdam," sabi ni Vic Sotto tungkol sa daughter nila ng asawang si Pauleen Luna, na si Tali.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

GORGY RULA

Dahil sa pagka-cute ni Talitha Sotto na nakikita sa social media account ni Pauleen Luna, may mga nag-i-inquire na ng commercials para sa bagets.

Karamihan daw ay mga online commercial na niri-request kay Pauleen kung puwedeng kasama ang anak nila ni Vic Sotto.

Pero ayaw raw ni Bossing Vic.

“Ayaw raw niya pagtrabahuin ang bata wahahaha!” text back ni Pauleen sa tanong ko kung may commercial offers ba sa anak nila.

Pati sa interviews ay nire-request din kung puwedeng isama si Tali, pero tumatanggi si Bossing Vic.

Okey lang daw kapag lumaki na ang bata.

Minsan ay sumisingit si Tali sa Eat Bulaga kapag nagho-host si Bossing Vic ng "Bawal Judgmental" segment.

Hindi raw nila mapigilan dahil gustung-gusto ng bagets na nakakabit sa daddy niya, at natutuwa rin siya kapag naririnig na niya ang kanta ng Eat Bulaga at naka-on na ang ilaw ng kamera sa bahay nila.

Continue reading below ↓

Malaki ang pasasalamat sa Diyos ng mag-asawang Vic at Pauleen dahil dumating si Talitha sa buhay nila.

Na-handle nila nang mabuti itong pandemya dahil gumagaan ang pakiramdam nila kasama ang kanilang anak.

“Naku! Buti na lang, may bata kami sa bahay. Kung hindi, buryong na talaga kami!” text pa uli sa akin ni Pauleen.

Kakaibang experience bilang ama kay Bossing Vic itong bonding nila ni Tali habang naka-quarantine dahil kasama siya at naging bahagi siya sa paglaki ng kanilang anak.

Hind raw niya ito na-experience sa mga nauna niyang anak.

Sabi ni Bossing Vic sa interview sa kanya ni Jessica Soho na mapapanood sa Kapuso Mo Jessica Soho mamayang gabi, “Sa edad ko, it’s a whole new experience for me.

“Yung mga anak ko before Tali, parang most of the time, hindi ko talaga sila nakitang lumaki. I missed a lot of their firsts.

“Tali is my first child na halos nakita ko lahat ng firsts niya—first steps, first song, first words. Ang sarap sa pakiramdam.

Continue reading below ↓

“I’m very proud of my children, I could talk about Danica, Oyo, Vico, Paulina, and Tali all day. I really wouldn’t care if bawas pogi points yun o kung ano man. It doesn’t matter to me, because I’m very proud of them. I can talk about them forever.”

NOEL FERRER

Iba talaga ang nagagawa ng pagkakaroon ng anak sa perspective ng mga magulang tungkol sa kanilang propesyunal at personal na buhay.

Somehow, may sense of purpose ang mga binibiyayaan nito.

Teka, Tito Gorgy, may plano pa bang sundan nina Pauleen at Bossing Vic si Tali? In fairness, puwede pa, ha?

Hindi kaya yan maging epekto rin ng lockdown at ng bed weather ngayong mga panahong ito?

JERRY OLEA

Nakikiramay naman ang PEP Troika kay Pauleen sa pagpanaw ng kanyang lola (ina ng kanyang ama).

Nahirapan sila sa proseso ng lamay dahil sa pandemya.

Dinamdam ito ni Pauleen dahil close talaga silang buong pamilya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Tali is my first child na halos nakita ko lahat ng firsts niya—first steps, first song, first words. Ang sarap sa pakiramdam," sabi ni Vic Sotto tungkol sa daughter nila ng asawang si Pauleen Luna, na si Tali.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results