Elijah Canlas at Kokoy de Santos ng Gameboys, "hiwalay" na muna

by PEP Troika
Oct 12, 2020
Pagkatapos ng successful team up nila sa Gameboys, magkakanya-kanya munang proyekto sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.
PHOTO/S: IdeaFirst Facebook

JERRY OLEA

Ini-announce sa grand fancon ng Hello Stranger noong Agosto 16 na may sequel ang XavMi series. Isasapelikula ito.

Agosto 19 nagtapos ang BL series nina Tony Labrusca at JC Alcantara sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.


JC Alcantara and Tony Labrusca

Kapagkuwan ay tinapos ni Tony ang pelikulang U-Turn, kasama sina Kim Chiu at JM de Guzman. Streaming na ito online umpisa Oktubre 30, in time for Halloween.

Continue reading below ↓

May bagong Kapamilya teleserye si Tony, ang Bagong Umaga na ipapalabas sa A2Z Channel 11. Co-stars dito ni Tony sina Barbie Imperial, Heaven Peralejo, Kiko Estrada, Michelle Vito, at Yves Flores.

“Hiwalay” na muna ang AlcanTon. Hindi pa malinaw kung kailan sisimulan ang pelikulang Hello Stranger.

Ang EliKoy ng Gameboys, ganoon din.

Setyembre 13, Linggo, ipinalabas ang Episode 13 (“Crossing The Line”) ng Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Nagsunud-sunod ang guestings at pictorial nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos. Gameboys Forever and Ever?!


Continue reading below ↓

Setyembre 27, Linggo, binasa ng EliKoy kasama si Teri Malvar ang screenplay ng pelikulang Anino sa Likod ng Buwan (2015, panulat at direksyon ni Jun Lana). Facebook live ito sa FB page ng The IdeaFirst Company, na in-upload din kapagkuwan sa kanilang YouTube channel.

Gumanap ang EliKoy bilang magkaibigang putik—magkaribal at magkasalo sa katawan ng isang babae.

Oktubre 12, Lunes, inihayag ng The IdeaFirst Company sa Facebook at Twitter na “hiwalay” na muna ang EliKoy:

“#GameboysTilWeMeetAgain

“Let's now wish our boys Kokoy de Santos and Elijah Canlas all the best as they start working on separate productions this coming week.

“Their paths and ours will once again converge soon, but for now we will have more than enough good memories.”

"Somewhere Down The Road" ang theme song?!

May kani-kanyang TV series ang EliKoy sa TV5.

Makakasama ni Kokoy si Maris Racal sa Stay In Love. Si Elijah ay may gagawing Christmaseries.

Continue reading below ↓

Of course, may natapos nang another BL series si Kokoy, ang Oh, Mando! with Alex Diaz.

Naulinigan naming sa Nobyembre ito ipapalabas sa iWant TFC, pero hindi pa iyon kumpirmado.

Teka! Ipapalabas na ba this weekend sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company ang GL series ni Adrianna So na Pearl Next Door?

“Wait ko lang ang decision ni Jun [Lana] if ready na to release ang Pearl Next Door. Malapit na ito,” sabi ni Direk Perci Intalan (executive producer) nitong Monday morning.

NOEL FERRER

That’s the way to grow—work with other artists and after, kapag lalo pang tumaas ang stocks at premium nila as artists, saka mag-reunion kapag matindi na ang pagkaka-miss!!!

Tama naman na the EliKoy tandem has made a lot of memories na puwedeng balik-balikan ng fans at supporters habang gumagawa sila ng sari-sarili nilang projects.

Maliban sa mga nabanggit mo, Tito Jerry, looking forward din akong maging best actor si Elijah Canlas sa nalalapit sa Gawad Urian.

Continue reading below ↓

Sana rin, ang pelikula niyang Kalel, 15 ang mapiling Philippine entry sa Oscars, para ngayon pa lang ay mapaingay na at makapagkampanya na tayo sa ating lahok!

All the best!!!

GORGY RULA

Maganda ring mag-focus na lang muna sina Kokoy at Elijah sa kani-kanyang projects, hindi sa love team nila.

Maganda at sila ang nanguna sa Pinoy BL series dahil nagsasawa na rin ang iba sa dami ng BL series na napapanood online.

Kaya maganda rin yung matagal-tagal na break para mapulsuhan muna kung hit pa rin ba ang BL series at kailangan nang mag-season 2 ang Gameboys.

Sa ngayon ay may pinaghahandaang drama series si Kokoy sa TV5.

Magti-taping siya sa Eat Bulaga! para maglaro ng "Bawal Judgmental." Type na type pala iyon ng bagets. Abangan kung kailan ito eere!

Si Elijah naman ay excited akong panoorin siya sa pelikulang He Who is Without Sin ni Direk Jason Paul Laxamana.

Continue reading below ↓

Dati itong entry sa Sinag Maynila, pero ngayon ay mapapanood na sa Pista ng Pelikulang Pelikulang Pilipino na magsisimula sa October 31. Kasama rito ni Elijah si Enzo Pineda.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng successful team up nila sa Gameboys, magkakanya-kanya munang proyekto sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.
PHOTO/S: IdeaFirst Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results