Federico Moreno, sobrang inspired dahil kay Harlene Bautista

by PEP Troika
Oct 12, 2020
Federico Moreno on Harlene Bautista: “I’m so inspired right now. She’s very supportive. Wala akong masabi. I’m beyond words. Talagang nandiyan siya… I work better when she’s there."
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Kitang-kita ko ang sweetness nina Harlene Bautista at Federico Moreno nang nakapanayam namin ang anak ni Kuya Germs sa radio program namin sa DZRH noong nakaraang linggo.

Bago sumalang si Federico sa Zoom, nakita ko pang nag-kiss muna si Harlene sa kanya.

“PA lang ako sa kanya,” nakangiting sagot ni Harlene nang tinukso namin silang dalawa.

All-out ang suporta ni Harlene sa sinimulang project ni Federico na tinawag niyang Supershow app. May partners siya rito, pero hindi raw kasali si Harlene.

“She’s not my business partner, but she’s better than a business partner, kasi nandito lang siya,” pakli ni Federico.

“I’m so inspired right now. She’s very supportive. Wala akong masabi. I’m beyond words.

“Talagang nandiyan siya… I work better when she’s there.

“Kasi siyempre, batikan na aktres, producer.

“Minsan, nagtatanong ako sa kanya, ‘My love, ano ‘to? My love, ano ‘to?’

“Lagi akong nagtatanong sa kanya, and she’s there to support me,” masayang pahayag ni Federico.

Continue reading below ↓

Ang Supershow app ay parang inspired sa That’s Entertainment ni German "Kuya Germs" Moreno, ang yumaong ama ni Federico.

Naghahanap sila ng talents online, at sila na ang maghahanap ng booking para sa iba’t ibang events.

Bukas ito sa iba’t ibang performers gaya ng singers, dancers, hosts, magicians, clowns, at iba’t ibang performers na puwedeng magamit sa parties at ibang events.

Aware sina Federico na wala pang ganitong events dahil sa pandemic, kaya tumatanggap lang muna sila ng mga gustong magpa-audition online.

Kapag naayos na raw nila ito, ilu-launch na nila ito sa November 25, na sana ay medyo maluwag na raw at puwede na ang ibang events.

Sabi ko nga, gina-guide talaga ako ng Papa ko, e, dahil dito ako nagka-idea na bakit hindi natin i-continue ang pag-discover ng talents na, at the same time, matulungan natin silang ma-book.

“I have this idea, gawa tayo ng app. Let’s discover using this technology... then, let’s help them also.

Continue reading below ↓

“Hindi naman puwedeng mag-discover ka lang, bigyan mo rin sila ng pagkakataon para kumita.

“So, ginawa namin, parang That’s Entertainment pero online,” saad ni Federico.

Sa mga interesadong maging bahagi sa Supershow app, buksan lang daw ang www.supershow.app at doon i-send ang kanilang audition piece at mayroon silang ipi-fill out na form.

Kapag naayos na iyun, ang app na yun ang maghahanap ng booking sa kanila.

Kaya ang tagline nila, “May booking ka na ba?”

NOEL FERRER

Deadma si Harlene Bautista sa naunang balita na magkakaanak na ang dating partner na si Romnick Sarmenta sa iba, dahil hiwalay na sila at may kani-kanyang buhay na.

Ang mahalaga ay masaya sina Harlene at Freddie sa kanilang pagsasama at talagang inaayos ng Diyos ang lahat, pati na rin kay Romnick na mahaharap sa bagong responsibilidad.

Ganyan yata kapag nailalagay sa maayos ang buhay. Kung masaya ka, nakikita na lang yun sa iyong mga gawa, at hindi na lang basta kumukuda.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Masaya tayo para kina Federico at Harlene, ganoon din kina Romnick at Barbara Ruaro.

Nakaka-good vibes ang kanilang pag-iibigan, at hangad natin na pagsaluhan nila ang forever. Mabuhay!!!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Federico Moreno on Harlene Bautista: “I’m so inspired right now. She’s very supportive. Wala akong masabi. I’m beyond words. Talagang nandiyan siya… I work better when she’s there."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results