Ejay Falcon, handang-handa nang mawalay sa pamilya para sa lock-in shooting

by PEP Troika
Oct 14, 2020
Ejay Falcon: “Siyempre, eight months na po kaming magkakasama! Eto, two weeks lang. OK na iyon. Kaya handa talaga. Handang-handa!”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Back-to-back ang lock-in shoot ni Ejay Falcon—isang TV series, at ang historical film na Balangiga 1901.

Natawa ang 30 anyos na aktor nang usisain ko kung handa na ba siyang mawalay sa mga mahal sa buhay dahil sa mga lock-in shoot.

“Handang-handa na, kasi matagal ko na rin silang kasama, ang mga mahal ko sa buhay! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Ejay sa storycon ng Balangiga 1901 nitong Oktubre 13, Martes ng hapon, sa Altoha Bldg., Madre Ignacia St., Malate, Manila.

“Siyempre, eight months na po kaming magkakasama! Eto, two weeks lang. OK na iyon. Kaya handa talaga. Handang-handa!”

Kailangan na ba niyang magtrabaho?

“Kailangan kong magtrabaho—nagpapakatotoo naman tayo, hindi lang kailangan ko in terms of financially,” pag-amin ni Ejay.

“Kasi, di ba, sa mga nangyari na matagal na walang trabaho, ang pinakaimportante doon, kailangang magtrabaho, kasi... na-miss mo iyong acting, na-miss mo iyong taping.

“Iyong drama. Iyong gift na ibinigay sa ‘yo, iyong talent, kailangan mo namang ilabas, ipakita. Iyong matagal nang hindi nagamit.”

Continue reading below ↓

Kumusta siya nitong nakaraang buwan na kasama niya lagi ang mga mahal niya sa buhay?

“Masaya, masaya,” nakangiting tugon ni Ejay.

“Mas lumalim, nag-bonding. Mas nakilala ninyo ang isa’t isa.

“Kasi, ito rin lang iyong chance na... Dati kasi, lagi akong busy. Last year, iyong Sandugo, katatapos lang. So, before, wala akong time.

“Ito ngayon, nagamit ko iyong time na kasama sila. Kaya... quota na! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Trabaho na! Trabaho na tayo! Ha! Ha! Ha! Ha!

"At alam ko, lahat kaming mga artista, gustung-gustong magtrabaho. Atat na atat na magtrabaho!”

GORGY RULA

Mukhang maaksyon itong film project ni Ejay. Ang suwerte niya dahil ratsada na siya sa project.

Sa mga sagot ni Ejay, parang sawang-sawa na siya sa mga kasama niya sa buhay, hindi kagaya ng ibang artista na lalong lumalim ang relasyon sa ilang buwang pagka-lock in.

Pero sa totoo lang, sobrang bait ni Ejay sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Sana pala, i-suggest ni Ejay na sa bayan niya sa Pola, Mindoro sila mag-lock-in shooting nila.

Zero COVID pa kasi roon, kaya safe pa sila. Pero kailangan pa muna silang ma-quarantine bago makapasok sa Pola.

NOEL FERRER

Sino ba ang mahal sa buhay na kasama ni Ejay?

Sana nga ay maging mas mahusay pa siyang aktor sa kanyang mga project, at ngayong na-shutdown ang ABS-CBN, maganda ring abangan kung lilipat ba siya ng network tulad ng iba.

JERRY OLEA

P80M more or less ang production budget ng Jarrimine Fortuna Film Production Corp para sa Balangiga 1901, na ididirek ni Danny G. Marquez.

Ire-recreate nila ang bayan ng Balangiga, Eastern Samar sa isang lugar sa Tarlac.


Continue reading below ↓

Ejay Falcon (left) with Balangiga 1901 director Danny G. Marquez

“Sobrang excited ako sa film project na ito, at sobrang nakaka-proud, kasi itong gagawin mo, history. Makikita rito ang mga bayani natin,” matamang lahad ni Ejay.

“Ito iyong chance na maipakita namin ang kuwento ng mga totoong nangyari sa mga tao, especially sa mga kababayan natin sa Eastern Samar.

“Iyon yung sobrang nakaka-excite, at ako, bilang artista, e, proud. Kasi, bibihira sa aming mga artista na mabigyan ng ganitong opportunity na mag-portray ng hero.

“Ang sarap sa pakiramdam na gampanan ang isang bayani!”

Anu-ano ang paghahanda niya para sa kanyang papel sa Balangiga 1901?

Napangiti si Ejay, “Pagkabigay sa akin ni Direk Danny ng synopsis, binasa ko agad. Siyempre, may mga konting tanong doon.

“So, natanong ko naman sa kanya lahat ng gusto kong malaman sa buong kuwento...

“Napakaimportante talaga ang kuwentong ito sa ating history.

“Siguro, iyong mga physical training na gagawin ko rito, nagawa ko na dati.

Continue reading below ↓

“Marami na akong nagawa na mga maaksyong teleserye at pelikula. Siguro, konting push na lang.

“May mga arnis kasi rito, so magte-training ako. At saka may panahon pa.”

Ano ang impression niya sa synopsis ng Balangiga 1901?

“May version ang mga kaibigan nating Amerikano, so irespeto natin iyon,” malumanay na pahayag ni Ejay.

“Pero may version din tayo. So, ang ipapakita rito ni Direk Danny ay iyong tamang kuwento, at hindi malilito ang mga tao.

“Walang unfair. Walang pabor sa ganito o ganyan.

"Natutuwa ako at napakaganda ng kuwento. Dapat itong mapanood ng lahat, especially tayong mga Pilipino.

“Kasi, maraming hindi nakakaalam, na marami palang kuwento sa likod ng Balangiga bells.”

Sobrang sarap ng pakiramdam ni Ejay na siya ang kinuhang bida sa historical film na Balangiga 1901, lalo pa’t maraming artista ang nakatengga sa panahon ng pandemya.

Paliwanag ng simpatikong aktor, “Isa sa mga ipinagpapasalamat ko ngayong taon, kasi ang daming nangyari ngayong taon, pero bago natapos ang taon, naibigay sa akin ang opportunity, itong project na ito.

Continue reading below ↓

“Masasabi kong napaka-blessed kong tao, lalo na sa mga nangyayari, di ba? Alam naman natin iyong nangyari sa... iyong nangyayari...

“Kumbaga, kami, nagkakahiwa-hiwalay ngayon. Eto ngayon, nabigyan ako ng chance kahit medyo... wala akong TV show na ginagawa ngayon, pero isa ako sa nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho.

“Sobrang blessed ako at sobrang thankful na finally, eto, nabigyan ako ng napakagandang role.

"Dream ko talaga ang gumawa ng action pero ito ay hindi lang basta-basta action.

“Ito ay kuwento ng mga Pilipino, kuwento ng Pilipinas, kuwento ng isang bayani. So, lahat ay nakapaloob dito.

“At sigurado ako na maraming artista, maraming aktor, maraming lalaking artista na gustong gawin ito pag nabasa nila ito.

“Ang saya! Ang sarap sa pakiramdam!”

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon: “Siyempre, eight months na po kaming magkakasama! Eto, two weeks lang. OK na iyon. Kaya handa talaga. Handang-handa!”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results