Dalawang young actress, nahumaling sa kaguwapuhan ng young actor

by PEP Troika
Oct 15, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Tumibok ang puso ni Young Actress #1 para sa co-star na si Young Actor #1.

Umasim ang young love na ito, dahil ang damdamin ni Young Actor #1 ay nabihag ni Young Actress #2.

Bago naglagablab ang hidwaan nina Young Actres #1 at Young Atress #2, lumaganap ang pandemya. Tigil-trabaho sila. Hindi na nagkaharap-harap.

Kahit online lang ang pagkibot, yumabong ang pagtitinginan nina Young Actor #1 at Young Actress #2. The feeling is mutual, ang loving-loving ay magtatagal.

Kumusta kamo si Young Actress #1?

Mababaw ang sugat sa kanyang heart, at naghilom iyon agad. Napawi ang hinampo at hinanakit, ang kirot ay forgotten in 20 seconds.

Pinagtagpo kasi sa isang online pasiklab sina Young Actress #1 at Young Actor #2 na sadyang pogilicious. May elemento iyon ng pagpapanggap sa ngalan ng katuwaan at kalokohan.

Sa revelation ay nagkangitian sila, nagkatawanan, at unti-unting nagkamabutihan. Tamis-tamisan ang kanilang suyuan at pagpapakilig sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

My God! Nakita natin itong mga dalagitang ito noong neneng-nene pa sila, and now... nai-in love na!

To be young and in love, that’s the greatest feeling!

Basta sana, tama ang priorities nila at inspirasyon ang epekto nito kanila, hindi desperasyon.

Let the young hearts enjoy!!!

GORGY RULA

Ang babata pa nilang masangkot sa ganitong kadramahan. Pero iba na kasi talaga ang panahon ngayon.

Kasi naman, ang laking bulas at nakitaan na ng kaseksihan ang mga dalagitang ito.

Si Young Actress #1 ay napakabata pa talaga pero seksi-seksihan sa TikTok posts niya.

Si Young Actress #2 ay ubod din ng alindog. Napaka-talented pa na bukod sa husay sa pag-arte, magaling ding kumanta.

Ito namang si Young Actor #1 ay nakitaan na ng kakisigan sa mura niyang edad. Napakaguwapo ng batang ito na hindi kataka-takang mahumaling ang dalawang young actress.

Si Young Actor #2 naman ay parang inosente ang dating pero matangkad kasi, kaya ang lakas din ng dating.

Continue reading below ↓

Wala na tayong magagawa, ang babata na nilang nahinog at namulat sa pag-ibig.

Kaya dito na talaga papasok ang matinding effort sa pagbabantay. Dapat isipin ng mga batang ito na maraming batang humahanga at humuhugot ng inspirasyon sa kanila.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results