Catriona Gray, ipinagpaliban ang pagsusulat ng libro; mapapasabak sa kantahan sa SNL

by PEP Troika
6 days ago
Catriona Gray on being part of TV5's Sunday Noontime Live: “I will be doing a lot of singing. I feel as an artist and that kind of medium. Maybe a lot of firsts for me then. I’m really excited to grow and the challenge to try to be better in every single performance, trying to give as much as I can."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Itutuloy pa rin ni Catriona Gray ang binubuong libro na matagal na niyang gustong simulan pagkatapos siyang koronahan bilang Miss Universe 2018.

Kung hindi ako nagkamali, ito yung Conquering Your Universe na collaboration niya dapat sa ABS-CBN.

Tinanong kay Catriona ang tungkol sa kanyang libro sa mediacon ng Sunday Noontime Live ng TV5 noong Lunes, October 12.

Sabi niya, “Ang daming pinagdaanan this year for all of us. There were a lot of things that I really need to overcome, and a lot of things that I learned.

“Siyempre, I want to include that sa book. So, please keep an eye for it. Baka next year.”

Sa ngayon ay focus muna siya sa bagong programa niya sa TV5 dahil talagang mapapasalang siya rito sa kantahan.

Iyon ang ipinagmamalaki ni Catriona bilang nag-aral siya ng music.

“I will be doing a lot of singing. I feel as an artist and that kind of medium. Maybe a lot of firsts for me then.

Continue reading below ↓

“I’m really excited to grow and the challenge to try to be better in every single performance, trying to give as much as I can.

“Iba lang ang environment kapag walang audience.

"But me, along with our co-hosts and also all of the other artists that we guest, we’re going to give so much na hopefully our viewers will be able to feel that,” sabi pa ni Catriona.

Nandiyan ang support ng kasintahang si Sam Milby na nagbibigay sa kanya ng tips.

“He’s giving me guidance siyempre sa mga moments na medyo nervous ako. So, happy lang,” napapangiti niyang pahayag.

Kaagad daw nakasundo ni Catriona ang co-hosts niya sa SNL na sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Donny Pangilinan, at Jake Ejercito.

Huhusgahan na sila sa darating na Linggo, October 18 .

JERRY OLEA

Lalo pang kikinang ang bituin ni Catriona sa Sunday Noontime Live (SNL), na buena mano sa mga handog ng Brightlight Productions sa TV5.

Continue reading below ↓

Mahahasa ang kanyang talento, lalo pa’t si Johnny Manahan ang direktor ng kanilang programa.

Magkakabugan kaya sina Maja at Catriona?

Kasado na ang pakikipagsalpukan ng SNL sa All-Out Sundays ng GMA-7 at ASAP Natin ‘To ng A2Z Channel 11.

Maski itanong niyo pa sa bagong online tindera na si Aling Mema!

NOEL FERRER

Ngayon pa lang, ramdam mo na ang salpukang magaganap sa Sunday noontime shows. Labasan ng mga alas!

Ang ASAP... world-class performances from the home of the best and the brightest.

Ang All-Out Sundays... isang masaya party. All-out kantahan, all-out fun, all-out entertainment. AOS!

And Sunday Noontime Live... malamang, middle ground ng dalawa. Bigger, better ber-months na aabangan natin! Sa lahat ng ito, audience ang panalo!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Catriona Gray on being part of TV5's Sunday Noontime Live: “I will be doing a lot of singing. I feel as an artist and that kind of medium. Maybe a lot of firsts for me then. I’m really excited to grow and the challenge to try to be better in every single performance, trying to give as much as I can."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results