Direk Gina Alajar, tiniyak na hindi "papatayin" si Sofia Pablo sa Prima Donnas

by PEP Troika
6 days ago
Direk Gina Alajar (left) on Sofia Pablo's (right) character in Prima Donnas: "Nagkaroon po kami ng malaking-malaking discussion talaga at malaking problema kung paano namin maso-solve. But at the end of the day po, kailangan namin sumunod sa DOLE, kaya po nawala na si Len-len."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Sumalang si Gina Alajar sa lie-detector challenge ni Aiko Melendez, na in-upload nitong Oktubre 13, Martes, sa eponymous YouTube channel ni Aiko.

Kinunan ang vlog sa set ng Kapuso series na Prima Donnas, kung saan direktor si Gina, at tampok si Aiko bilang kontrabidang si Kendra.

Ibinahagi ni Direk Gina kung ano ang mangyayari kay Len-len (karakter ng 14 anyos na si Sofia Pablo) sa pagpapatuloy ng Prima Donnas.

Pahayag ni Direk Gina, “Well, the decision para mawala si Sofia sa show is not ours. Kasi, kung kami ang masusunod, ayaw namin because Sofia is part of the show and we all love her.

“But then, mayroong mga kailangan kaming sundin na rules from DOLE [Department of Labor and Employment], na 14 years old and below cannot work outside from home.

“Although naisip po namin, kasi maraming nagsasabi na, ‘Telephone call man lang,’ ganyan-ganyan.

“Naisip po namin iyon, bakit po hindi? Kaya lang po, it’s part of working also. So...

Continue reading below ↓

“Nagkaroon po kami ng malaking-malaking discussion talaga at malaking problema kung paano namin maso-solve.

“But at the end of the day po, kailangan namin sumunod sa DOLE, kaya po nawala na si Len-len.

“Pero hindi siya nawala totally. Nawala lang siya physically but she's being talked about. Yung pangalan niya ay laging nababanggit sa show.

“Hindi po namin siya pinatay. She’s just somewhere...”

Noong Setyembre 25, Biyernes, ini-announce ng GMA Network na ligwak si Sofia sa balik-taping ng Prima Donnas.

Patuloy na napapanood ang recap ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood ang fresh episodes nito umpisa Nobyembre 9.

NOEL FERRER

Pinag-uusapan na ang pagluluwag ng mga IATF rules sa seniors at kabataan. Pero kailan kaya mangyayari ito, at kailan sila makakapagtrabaho ulit?

Mabuti na lang, magagaling ang creatives ng produksyon at nagagawa nilang mag-adjust ng mga kuwento lalo na sa emergency situations.

After all, sila ang nagsisimula sa isang blangkong papel. Yung sinusulat nila ang siyang batas sa set.

Continue reading below ↓

Kaya mabuhay ang writers at ang mga nasa creative team ng ganitong mga panoorin. Hawak nila ang mabisang paglalahad ng mga kuwento anuman ang mga balakid.

GORGY RULA

Malaking challenge sa writers kung paano gawing kapani-paniwala ang kuwento kung bakit nawala si Len-len.

Ang dinig ko, tila dinala siya sa ibang bansa para mag-aral?

Abangan natin iyan sa pag-ere ng bagong episodes ng Prima Donnas. Pero sana, pabalikin muna si Sofia bago nila ito tapusin.

Hindi pa naman nila ito tatapusin sa isang lock-in taping, dahil may balik pa sila next month.

Sana, by that time, puwede na si Sofia.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Gina Alajar (left) on Sofia Pablo's (right) character in Prima Donnas: "Nagkaroon po kami ng malaking-malaking discussion talaga at malaking problema kung paano namin maso-solve. But at the end of the day po, kailangan namin sumunod sa DOLE, kaya po nawala na si Len-len."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results