Chester Chua at Benedix Ramos, payag magka-kissing scene sa Better Days?

by PEP Troika
5 days ago
Real-life vloggers Chesther Chua at Benedix Ramos, nagkuwento tungkol sa first impression nila sa isa't isa bago sumabak ng taping para sa BL series na Better Days.

JERRY OLEA:

Hindi magkakilala ang YouTube vloggers na sina Chesther Chua at Benedix Ramos nang mapili silang magbida sa Pinoy Boys Love (BL) series na Better Days.

Unang pagkikita nila ay sa Zoom meeting ng produksyon, bago nila sinimulan ang 10-day lock-in shooting sa Cabuyao, Laguna.

Sa loob-loob ng 21-anyos na si Benedix nang makaharap ang 19-anyos na si Chester, “Ang cute pala niya sa personal!”

Ang first impression naman ni Chesther kay Benedix ay mukha itong masungit.

Pero nang maka-bonding niya ito at makasama sa kuwarto, napagtanto raw ni Chesther na mabait ang kanyang co-star.

Continue reading below ↓

Ayaw sabihin ng director ng Better Days na si Carlo Obispo kung meron o walang kissing scene ang tambalang Chester at Benediz—na puwedeng ang uniname ay BeSther (or is it ChesDix?).

Ani Direk Carlo, ang challenge sa produksyon ay magpakilig ang dalawang bida kahit nagsusulyapan lang at walang kissing-kissing.

“Gusto kong maramdaman ng manonood ang kilig kahit hindi hubad-hubad ang mga aktor at hindi nagpapakita ng katawan,” nakangiting pahayag ni Direk Carlo sa virtual mediacon nitong Oktubre 16, Biyernes ng hapon.

“Kaya sa tanong kung kailangan ba ang kissing scene sa Better Days, ang masasabi ko... not necessary but possible.”

Just in case, handa o payag ba ang dalawang bida ng Better Days na maglapat ang kanilang mga labi?

Natawa si Chesther, “Noong tanungin po ako kung okay sa akin ang kissing scene, ang sagot ko, ‘Sige po, okay lang po sa akin. Basta walang hubad-hubad.’

“Kasi po, wala akong abs!”

Continue reading below ↓

Napahalakhak naman si Benedix.

Aniya, “Sa akin po, malaki ang tiwala ko kay Direk Carlo. Mahusay po siyang writer-director.

“Sa kanya po, ang mga eksena, may dahilan, may pinaghugutan.

Hindi po iyong gagawin ang isang eksena just for the sake na merong ganoong eksena, kahit hindi naman kailangan.”

Base sa trailer ng Better Days, tungkol ito sa dalawang magkababata na nasa proseso ng paghahanap kung anong purpose nila sa buhay.

Continue reading below ↓

Mas magkakakilanlan sila nang magdesisyon silang subukang buksan ang papasara na sanang restaurant na pag-aari ng karakter ni Chester.

Anim na episode ang Better Days. Mag-uumpisa ang streaming nito sa Oktubre 30, Biyernes ng 8:00 p.m. sa YouTube channel ng Unframed Film.

GORGY RULA:

Noong nagsimula pa lang ang mga BL series, ang Gameboys at Hello Stranger lang talaga ang masasabi mong matino.

Ang iba, pa-puchu-puchu.

Meron na rin ang Regal Entertainment—ang Ben X Jim starring Jerome Ponce and Teejay Marquez. Ang director nito ay si Easy Ferrer.

Nakatakda sa Nobyembre 11 ang streaming sa iWant TFC ng Oh, Mando! starring Kokoy de Santos and Alex Diaz. Ang director nito ay si Eduardo Roy Jr.

At ngayon, itong Better Days ni Direk Carlo Obispo ay impressive ang teaser at trailer. Better than the average Pinoy BL series ang production values nito.

De kalidad ang production design at cinematography. Ang gaganda ng composition ng shots.

Continue reading below ↓

Ang inaasahan natin ay ang pagsali sana ng mga kilala at magagaling na aktor sa Pinoy BL series.

Sa tingin mo, Sir Noel, sinu-sino kaya sila?

NOEL FERRER:

Nakausap ko sa isang forum ang mga bida ng Better Days.

Tama kayo, Tito Jerry at Tito Gorgy, na makakaasa tayo kay Direk Carlo Obispo na magiging maayos ang kalalabasan ng BL series niyang Better Days.

Ang mga artista niya, kahit mga baguhan, ay very willing to learn in the process.

Hawak na hawak din ni Direk Carlo ang realidad ng kanayunan kaya up his alley at under his creative control lahat ng elemento ng Better Days.

Sa Ben X Jim, nakakatulong na malapit ang orientation ng mga tauhan sa kuwento ang mga bumubuo nito. Ine-enjoy lang nila ang nangyayari sa screen.

Ramdam ba ninyo iyun, mga ka-Troika?

Naging lunsaran sa mga bagong artista ang BL series. Pero tama ka, Tito Gorgy, sana ay may mga kilalang aktor din na mangangahas gumanap sa mga ganito!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Real-life vloggers Chesther Chua at Benedix Ramos, nagkuwento tungkol sa first impression nila sa isa't isa bago sumabak ng taping para sa BL series na Better Days.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results