Gagastos ba ang Pinoy para sa online screenings at concerts?

by PEP Troika
2 days ago
Ang ticket price para sa Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert ni Alden Richards sa December 8 ay PHP999, habang PHP499 naman ang 13-episode digital series na The House Arrest of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Ano ang uunahin mo, pagbili ng pagkain o online show ng iyong idolo?

Ang tiket sa Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience ay PHP499.

Nangyari ito noong Oktubre 11, Linggo, 7 to 10 p.m.

Matapos ang “over the moon” concert, may pa-victory party ang kasintahan ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Ang tiket sa digital series ng KathNiel na The House Arrest of Us ay PHP499 rin.

Mag-uumpisang mag-streaming sa Oktubre 24, Sabado, 2 p.m., sa iWant TFC at KTX.

Nakakaaliw ang trailer ng THAOU, kung saan tampok din sina Herbert Bautista, Ruffa Gutierrez, Gardo Versoza, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, Alora Sasam, Riva Quenery, Anthony Jennings at Hyubs Azarcon, sa direksiyon ni Richard Arellano.

Labintatlong (13) episodes ito.

Sa Enero 16, 2021 mapapanood ang finale ng THAOU. At ang early-bird offer nitong PHP474 ay hanggang Oktubre 23.

Ang subscription fee para sa Ring Light series ng Miss Universe Philippines 2020 sa website ng Empire.ph ay PHP299 o US$6.

Continue reading below ↓

Walong episode ito, na nag-umpisa sa Episode 1 (“Light On”) noong Setyembre 27, Linggo; Episode 2 (“What Makes You Blush”) noong Oktubre 4, Linggo; Episode 3 (“My Face, My Space”) noong Oktubre 11; Episode 4 (“Work The Runway”) sa Oktubre 18, Linggo; Episode 5 (“Looking In”).

Ang preliminaries at grand finals ng timpalak ay kukunan sa Baguio Country Club sa Baguio City.

Mapapanood ang online ang Preliminary Interview sa Oktubre 21, Miyerkules; National Costume, Swimsuit & Evening Gown sa Oktubre 23, Biyernes; Grand Finals sa Oktubre 25, Linggo.

Si Benjamin Alves ang preliminary host, samantalang si KC Montero ang finals host.

Ite-telecast sa GMA-7 ang grand coronation night. Siyempre, sa Ring Light series ay wala itong commercial break.

Ang tiket naman sa horror movie na U-Turn nina Kim Chiu, JM de Guzman at Tony Labrusca ay PHP150.

Sa Oktubre 29, Biyernes, 7 p.m., ang celebrity premiere nito sa KTX.

Kinabukasan, Biyernes, streaming na ito sa KTX, iWant TFC, Sky Cable via Pay Per View, at Cignal Pay Per View.

Continue reading below ↓

Ayon sa Millennial Horror Queen na si Kim, swak sa Undas ang Indian adaptation movie na ito directed by Derick Cabrido.

Samantala, PHP599 ang 16-day Full Run Pass para sa 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP4) mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15.

Hindi bababa sa 145 pelikula—67 full-length films at 78 short films ang mapapanood sa FDCP Channel.

Ang iba pang subscription options ng PPP4 ay ang Half Run Pass (PHP299) para sa walong araw, Day Pass (PHP99), at Free Pass (para sa short films at public events).

May discounts para sa persons with disabilities (PWDs) at senior citizens na 20%, at mga mag-aaral na 30%.

“Sama All” ang slogan ng PPP4 na in-organize ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Labing-apat (14) ang sections ng online filmfest na ito—ang PPP Short Films, Romance, Youth & Family, Classics, PH Oscar Entries, Genre, Bahaghari, Tribute, From the Regions, Documentaries, PPP Retro, Special Screenings, CineMarya, at PPP Premium Selection.

Continue reading below ↓

Ang general admission ticket sa Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert na nakatakda sa Disyembre 8, Martes, Feast of the Immaculate Conception of Mary, ay PHP999.

Ididirek ni Paolo Valenciano ang concert na ito kung saan ipagdiriwang ang 10th anniversary in showbiz ng Asia’s Multimedia Star.

Ito ang kauna-unahang virtual-reality concert sa bansa. Iba ito sa usual virtual o online concerts na ginagawa dahil sa element nitong virtual reality.

Gamit ang teknolohiya ay makakapag-interact ang mga manonood kay Alden Richards. Ang mga nasa Pilipinas ay may special treat dahil puwede silang maka-avail ng special VIP package sa halagang PHP1,200.

Merong exclusive VR device na puwedeng magamit sa panonood ng concert ni Alden. Ang Alden’s Reality ay produced ng Synergy: A GMA Collaboration.

NOEL FERRER

Kung tutuusin, mas mura na at affordable ang tickets ngayong pandemya kaysa sa noong old normal.

Sana nga ay medyo nakakaluwag-luwag na ang mga manonood na Pilipino para may bago silang pang-aliw sa more than 200 days nang lockdown.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mas maraming kailangan ngayon sa panahon ng pandemya. Ang kainaman nitong online shows, kagaya ng Alden's Reality, mararating nito ang fans sa ibang bansa.

Tiyak na solid ang suporta ng mga Aldenatics at iba pang fans club niya na naglalaan talaga ng datung para kay Alden.

Sana, humupa na itong COVID-19 pagdating ng December para ma-enjoy natin itong kakaibang concert ng Asia's Multimedia Star.

Samantala, naaliw nga ako sa trailer ng THAOU. Nakakatuwa sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista na mag-asawa sa digital movie series na ito.

Natuwa ako kay Gardo Versoza na ratsada sa projects.

Bukod sa guestings, nagawa pa ni Gardo itong KathNiel series at pagkatapos nito, tuloy na siya sa First Yaya ni Sanya Lopez na magsisimula na sa susunod na buwan.

Malamang na bihira na lang sila nagkikita ng asawa niya dahil sa lock-in tapings at may dagdag pang quarantine.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang ticket price para sa Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert ni Alden Richards sa December 8 ay PHP999, habang PHP499 naman ang 13-episode digital series na The House Arrest of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results