ABS-CBN, full throttle sa 11 teleserye offerings

by PEP Troika
Oct 18, 2020
Ang apat sa 11 teleserye offerings ng ABS-CBN ay: (clockwise) Huwag Kang Mangamba, Oh, Mando!, The House Arrest of Us, at Bagong Umaga.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pagpoprodyus ng ABS-CBN ng mga series.

Mag-uumpisang mag-streaming ang digital movie series na The House Arrest of Us sa Oktubre 24, Sabado, 2 p.m. sa iWant TFC at KTX.

Bida sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa series na ito, na may labintatlong (13) installment at ipapalabas kada Sabado.

Ang bayad ay PHP499 para mapanood ang KathNiel series, na nagtatampok din kina Herbert Bautista, Ruffa Gutierrez, Gardo Versoza, Arlene Muhlach, Dennis Padilla at Anthony Jennings, sa direksyon ni Richard Arellano.

Oktubre 26, Lunes ng 2:30 p.m. magpe-premiere ang Bagong Umaga sa A2Z Channel 11, iWant TFC, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Magkakaibang pagkatao, magkakabit ang kuwento... bida rito sina Heaven Peralejo, Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Yves Flores, at Michelle Vito. Ito iyong dating Cara y Cruz, king saan tinanggal si Julia Barretto matapos umalis ito sa pangangalaga ng Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency.

Continue reading below ↓

Nasa Bagong Umaga rin sina Keempee de Leon, Nikki Valdez, Richard Quan, Bernadette Allyson, Sunshine Cruz, Rio Locsin, Ali Abinal, Criz Martinez, Peewee O’Hara, at Glydel Mercado.

Ayon sa source ng PEP Troika, Nobyembre 11, Miyerkules, magpi-premiere ang BL series na Oh, Mando! nina Kokoy de Santos, Alex Diaz, at Barbie Imperial, sa direksyon ni Eduardo “Roy” Jr.

Ito ang kauna-unahang BL series na nabalitaan natin. Nakailang araw na itong shooting nang matigil noong Marso dahil sa community quarantine.

Kapagkuwan ay ginawa ni Kokoy ang Gameboys, ang unang Pinoy BL series na ipinalabas.

Matapos makunan ang Episode 10 ng Gameboys, saka pa lang nakabalik ang young actor sa set ng Oh, Mando!

Napabalita noong Agosto ito ipapalabas sa iWant. Nag-merge na ang iWant at TFC noong Setyembre 1, pero hindi pa rin matiyak kung kailan ito mapapanood.

Disyembre 2020 ipapalabas ang Bawal Lumabas: The Series. Siyempre, bida rito si Kim Chiu.

Leading man ni Kim si JM de Guzman, at nasa cast din ang SethDrea tandem nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes. Ididirek ito ni Benedict Mique.

Continue reading below ↓

May isa pang series ang SethDrea: ang inspirational na Huwag Kang Mangamba.

For sure, sa 2021 na ito. Nasa cast din nito ang KyCine tandem nina Kyle Echarri at Francine Diaz.

Sumikat ang SethDrea at KyCine bilang Gold Squad ng teleseryeng Kadenang Ginto, kung saan nagbida sina Beauty Gonzalez at Dimples Romana na kapwa merong projects sa TV5.

Kasama sa cast ng Huwag Kang Mangamba sina RK Bagatsing (leading man ni Beauty sa I Got You ng Kapatid Network) at Mylene Dizon (bida sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit ng Kapuso Network).

Kasama rin sina Eula Valdez, Sylvia Sanchez, Diether Ocampo, Enchong Dee, Angeline Quinto, Nonie Buencamino, Matet de Leon, at Dominic Ochoa.

Nag-back out si Ivana Alawi sa seryeng Ang Lihim ni Ligaya na pagtatambalan dapat nila ni Kit Thompson.

Buong ligayang sinalo ni Erich Gonzales ang project, na ang title ay ginawang La Vida Lena. Andiyan pa rin si Kit bilang leading man.

Nadagdag dito sina Carlo Aquino at JC de Vera.

Siyempre, doon muna sa Bawal Lumabas: The Series si JM, kaya malamang sa malamang na next year pa ang maliligayang araw ng La Vida Lena, sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Jojo Saguin.

Continue reading below ↓

Nakabalik na ang production team ng Init sa Magdamag sa kanilang unang lock-in taping.

Babalik sila sa set after two weeks.

Base sa rushes ng Init sa Magdamag, kakaibang Yam Concepcion ang mapapanood. Dito ay wala siyang eme-eme sa pagpapasilip ng panty. Mapangahas din dito si Gerald Anderson—white brief kung white brief. Tinapatan ang pa-panty ni Yam!

Si JM de Guzman, as expected, napakahusay sa seryeng ito na idinidirek ni Raymond Ocampo. Puwede kaya sa A2Z Channel 11 ang Init sa Magdamag?

NOEL FERRER

Understandable na hinay-hinay tayo sa paggastos ng ating resources ngayong panahon ng pandemya.

Pero kung ang isang network o media organization na walang prangkisa ay nagagawang mag-produce ng mga bagong content, tulad ng mga serye with major stars, while observing strict health protocols, what’s stopping the others from doing the same and becoming as active, if not more active?

Nang makausap ko si Direk Lauren Dyogi—na head ng TV Production ng ABS-CBN at concurrent head ng Star Magic—ito raw ang pagpapatotoo ng network sa kanilang slogan na “In The Service Of The Filipino Worldwide.”

Continue reading below ↓

Tama nga naman.

Dahil kung in the service of profit o paramihan ng kita lang ang aalalahanin, puwedeng mag-replay nang mag-replay. Pero kung isasaalang-alang ang tuluy-tuloy na magaganda at makabuluhang content na aabot pati sa mga Pilipino sa ibang bansa, the audience truly deserves more new and meaningful and excellent content.

Kailangang-kailangan pa naman ang pagkukunan ng impormasyon at aliw ngayong pandemya.

GORGY RULA

Base sa napanood kong trailer, impressive ang mga teleseryeng sinimulan ng Kapamilya channel.

Sayang lang dahil hindi pa rin ganoon kalakas at kulang pa sa hatak ang A2Z Channel 11.

Hindi pa sila napapanood sa ilang probinsiya.

Nakakalito pa kung sa free TV o sa iWant TFC mapapanood ang ibang serye ng Kapamilya channel.

Samantala, satisfied kami sa ginawa ni Glydel Mercado sa Bagong Umaga.

Dapat ay eight days lang diyan ang aktres pero na-extend siya dahil nagustuhan siya ng direktor. Humaba tuloy ang role niya.

Continue reading below ↓

Na-guilty lang si Glydel dahil hindi na niya natutukan ang online class ng dalawang anak.

Buti nakauwi na rin siya kaya bumawi na si Glydel sa mga anak nila ni Tonton Gutierrez. Iyan lang talaga ang problema sa lock-in na taping. May mga naisasantabi kang responsibildad sa pamilya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang apat sa 11 teleserye offerings ng ABS-CBN ay: (clockwise) Huwag Kang Mangamba, Oh, Mando!, The House Arrest of Us, at Bagong Umaga.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results