Iza Calzado at Jodi Sta. Maria, magtutuos na; Luis Manzano, sino ang makakasama sa I Can See Your Voice?

by PEP Troika
Oct 21, 2020
Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Luis Manzano
Gabi-gabing nagtatagisan ng husay sa pag-arte ang dalawang bida ng Kapamilya teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Sa Akin na sina Jodi Sta. Maria (left) at Iza Calzado (center). Magsisimula naman sa October 24 at 25 ang mystery music game show na I Can See Your Voice.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

NOEL FERRER

Isang masterclass sa acting ang napapanood gabi-gabi ng mga nakatutok sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin (ASIAA) ni Jodi Sta. Maria at ng aking talent na si Iza Calzado.

Pawang magagandang reviews ang lumalabas para sa performances nina Iza, Jodi, at Diamond Star Maricel Soriano.

Binasag na ni Ellice (Iza) ang kanyang katahimikan at pagmamaangan-maangan sa asawang si Gabriel (Sam Milby), na nagkaanak sa one-night stand with Marissa (Jodi).

Take one ang eksenang yun! Tuhog at pinapalakpakan ng mga Team Asawa—tulad ng isang dating asawa ng pulitiko na hiwalay na ngayon, at open sa paghanga niya sa mga eksena lalo na sa legal wives!

Continue reading below ↓

Magaganap na ang iconic hablutan at kalagan ng perlas, na nasa teaser na noong simula pa lamang ng teleserye.

Aabangan natin ito pati na ang marami pang eksplosibong eksena sa ASIAA, na ang katapat ay ang I Can See You ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Ultimo si Senedy Que, na GMA Creative Consultant at nasa Miss Universe Philippines, ay laging sumusuporta at nagtsi-cheer sa mga eksena sa ASIAA (after FPJ’s Ang Probinsyano).

May tanong ang isang Kapuso rin: Hindi ba’t mayroong malakas na programa na ibabalik ang Kapamilya Channel na I Can See Your Voice?

Sa dinami-dami namang puwedeng maging title ng one-week-episodal teleserye ng GMA, bakit ang abridged title pa na I Can See You ang ginamit?

Sinadya kaya yun, Tito Gorgy at Tito Jerry?

JERRY OLEA

Magtatapos ang ikaapat at huling mini-series ng I Can See You anthology sa Biyernes ng gabi, Oktubre 23, sa GMA-7.

Magbabalik ang mystery music game show na I Can See Your Voice ng ABS-CBN. Magsisimula itong umere sa Sabado, Oktubre 24, 7:45 p.m., at Linggo, Oktubre 25, 7:15 p.m. sa A2Z Channel 11.

Iho-host pa rin ito ni Luis Manzano.

Take note na sa Sabado ng 7:00 p.m. ay mag-uumpisa na rin ang Masked Singer Pilipinas sa TV5.

Continue reading below ↓

Ang host nito ay ang close friend ni Luis na si Billy Crawford.

Frontliner si Billy sa daily noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud, kung saan tampok din sina Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, at Wacky Kiray.

Babalik ba sina Bayani, Alex, at Wacky Kiray bilang judges ng I Can See Your Voice?

Let’s wait and see!

ANG SA IYO AY AKIN

Tungkol naman sa Ang Sa Iyo Ay Akin, balitaktakan ang fans kung sino kina Iza at Jodi ang mas mahusay na aktres.

Nakakaaliw rin ang tarayan at talakan ng kani-kanyang confidant na sina Jimmy Marquez (Pinky) at Brenda Mage (Tutti).

Sundan ang walang tigil na madramang mga tagpo sa Ang Sa Iyo Ay Akin sa A2Z Channel 11 sa marathon telecast nito tuwing weekend at ang bagong episodes nito gabi-gabi.

Continue reading below ↓

WHERE TO WATCH SHOWS ON A2Z CHANNEL 11

Ang A2Z Channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy pa rin itong mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m., sa Kapamilya Channel.

Sa cable at satellite TV, matatagpuan ang A2Z sa SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink Channel 8, at G Sat Direct TV channel 22.

Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app.

GORGY RULA

Pinag-usapan din sa radio program namin sa DZRH itong teleserye nina Iza at Jodi.

Ang dami nang na-hook dito. Kaya nakakapanghinayang na parang limitado pa rin ang exposure nito dahil ang dami na naming naririnig na wala silang A2Z Channel 11 sa pihitan ng kanilang telebisyon.

Hindi kasi nasasagap ang A2Z ng mga tahanang gumagamit ng digibox.

Continue reading below ↓

Nasilip ko ang recap nitong Ang Sa Iyo ay Akin sa A2Z at magaling talaga sina Iza at Jodi.

Malaki ang naitutulong ng ganda ng acting ng mga artista para sa ikakaganda ng isang teleserye o kahit sa pelikula.

Ang napansin ko lang sa ibang supporting cast na maldi-maldita rin ang role, hindi naiiwasan ang tigas-tigasan-ng-leeg acting, na typical na pag-arte ng ilang gumaganap na sosyal na kontrabida.

May ilang artista na hindi ko lang kilala, yung alam mo nang may binabalak na masama sa panlilisik pa lang ng mata at matigas ang leeg na pag-arte.

Sana, yun ang medyo bawasan o iwasan.

Naimpluwensiyahan na siguro ako ng mga K-drama.

Ang mga kontrabida nila, hindi predictable ang pag-arte at hindi nahahalatang masama na ang ginagawa nila sa bidang artista.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabi-gabing nagtatagisan ng husay sa pag-arte ang dalawang bida ng Kapamilya teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Sa Akin na sina Jodi Sta. Maria (left) at Iza Calzado (center). Magsisimula naman sa October 24 at 25 ang mystery music game show na I Can See Your Voice.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results