Jomari Angeles, Sean de Guzman aspiring housemates sa Pinoy Big Brother

by PEP Troika
Oct 21, 2020
Mga aktor na sina Jomari Angeles at Sean de Guzman, sumali sa online auditions ng Pinoy Big Brother Connect sa Kumu. As of October 21, umabot na sa 37,082 auditionees ang nagpasa ng kanilang video introduction.
PHOTO/S: @jomariangeles_ / @seanpapi_ Instagram

JERRY OLEA:

Noong Oktubre 18, Linggo, inanunsiyo sa Kapamilya musical variety show na ASAP Natin ‘To na magbubukas muli ang Bahay ni Kuya.

Ang Pinoy Big Brother (PBB) ay reality show ng ABS-CBN, kunsaan nadiskubre ang ilan sa sikat na Kapamilya stars tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Melai Cantiveros.

Open ang auditions para sa aspiring housemates na edad 16 hanggang 35 taong gulang.

Kinabukasan, Oktubre 19, Lunes, nag-umpisa ang auditions ng PBB Connect sa Kumu.

Dalawampu’t apat (24) na araw ang audition run, na magtatapos sa Nobyembre 11.


Continue reading below ↓

Ayon sa official Twitter account ng PBB, may 4,615 aspiring housemates na nag-audition as of October 19, Monday, 4:00 p.m.

As of October 20, Tuesday, 3:00 p.m., umabot na sa 11,355 ang auditionees.

And as of October 21, Wednesday, 3:00 p.m. ay 37,082 na ang nagnanais na makasali sa PBB.


Continue reading below ↓

Nagpatutsada naman ang comedian at talent manager na si Ogie Diaz sa netizens na nakiisa sa pagpapa-trend sa social media ng "#YesToABSCBNShutdown," pagkatapos ay gusto palang maging housemate.

Nitong Miyerkules ng gabi, October 21, post ni Ogie sa Facebook: "Yung mga nag-o-audition sa PBB, pero me nakaraang post ng ‘yes to shutdown,’ pwede rin ha?

"Iba-ibang attitude naman ng housemates ang hinahanap ni Big Brother.

"Me isang mabait, isang mahinhin, isang masungit, isang maarte, isang social climber, isang maangas, isang bully, magandang lalake, magandang babae, simple, isang heartthrob.

"Kung maraming sumali na nag-post ng 'yes to shutdown,' maaaring isa diyan, kunin ni Kuya.

"Kasi, sa loob ng Big Brother house, kailangan din ng isang 'makapal ang mukha.'"

NOEL FERRER:

The Pinoy Big Brother season is on!

Actually, it’s a good idea. Kasi, habang nasa enforced quarantine tayo, maraming puwedeng gawin ang mga magiging housemates and they can be so productive.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, nagpaalam sa akin ang talent kong si Jomari Angeles para sumali sa PBB Connect.

He is a graduate of De La Salle University. Kabilang siya sa landmark movie na Ma’ Rosa, na inilaban sa Cannes Film Festival noong 2016.

Kasama rin si Jomari sa acclaimed film na Signal Rock, na sinubukang ipasang entry ng bansa para sa Oscars noong 2018.

Continue reading below ↓

Ang sabi ko lang sa kanya, "Alam mo ba ang pinapasok mo?" Oo raw, sabi niya.

Go through the process, we won’t pull strings. May talent naman si Jomari at may makulay na buhay na tiyak kakapitan ng mga tao.

Tingnan natin kung makakapasa siya.

GORGY RULA:

Ang daming pinasikat ng ABS-CBN na produkto ng PBB.

Hanggang sa huling season nila ay meron pa rin namang nakilala, pero hindi gaanong nag-rate ito.

Kaya meron akong agam-agam kung maghi-hit ito ngayon, dahil hindi pa talaga kalakasan ang napapanood sa A2Z.

Pero magaling magpa-trending sa social media ang mga taga-Kapamilya, kaya tingnan natin kung mapapalakas ito ng kanilang online presence.

Sa panahong naka-quarantine pa rin tayo, swak ding may napapanood tayo ng mga kadramahan sa mga naka-lock-in sa Bahay ni Kuya.

Wala lang sana may magkasakit sa kanila.

JERRY OLEA:

Pati si Sean de Guzman, nag-audition sa PBB Connect.

Tatlong taon nang member si Sean ng dance group na Clique V.

Continue reading below ↓

Isa siya sa Video Call Boys na sumuporta kay Paolo Gumabao sa launching movie nitong Lockdown, na ang director ay si Joel Lamangan.

Si Sean ang napiling magbida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer, na si Joel Lamangan din ang magdidirek.

May link sa Facebook account ni Sean ang Kumu Klips video niya sa PBB audition,

"Hello, Big Brother! Ako nga po pala si Sean de Guzman, 20 years old, from Taguig City.

"Bata pa lang po talaga ako, napapanood ko na po ang PBB. And sabi ko po sa sarili ko, 'Someday, gusto ko pong makapasok sa bahay niyo.'

"So, sana po, Kuya, pagbigyan niyo po ako na makapasok sa bahay niyo. Dahil marunong po akong magluto, marunong po ako ng gawaing-bahay, at marunong po akong makisama sa mga kasama ko sa bahay.

"At bata pa lang po talaga ako, pangarap ko na po talagang maging artista..."

Continue reading below ↓

Gusto ni Sean na makatulong sa kanyang magulang, kaya inaasam niyang makapasok sa Bahay ni Kuya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mga aktor na sina Jomari Angeles at Sean de Guzman, sumali sa online auditions ng Pinoy Big Brother Connect sa Kumu. As of October 21, umabot na sa 37,082 auditionees ang nagpasa ng kanilang video introduction.
PHOTO/S: @jomariangeles_ / @seanpapi_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results