Rated Korina ni Korina Sanchez, makakatapat ang Wish Ko Lang ni Vicky Morales

by PEP Troika
Oct 21, 2020
Korina Sanchez, hands-on bilang host at line producer ng Rated Korina, na eere sa TV5 sa October 25. Ang karibal na programa nito sa GMA-7 ay ang Wish Ko Lang na hinu-host ni Vicky Morales.
PHOTO/S: Gorgy Rula / GMA Public Affairs Youtube

GORGY RULA:

Sa October 24, Sabado nang 4:00-5:00 p.m. magsisimula ang Rated Korina ni Korina Sanchez-Roxas sa TV5.

Blocktimer show ito ng Brightlight Productions, na pag-aari ni dating Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez.

Toxic ang mga nakalipas na araw kay Korina dahil hands-on siya sa paghahanda sa bago niyang show, na siya rin ang line producer.

Kaya nababawasan ang oras niya sa pag-alaga sa kanyang kambal na sina Pepe at Pilar, dahil natatakot din siyang umuwi kapag galing siya sa labas at binubuo ang episodes sa bago niyang programa.

Kuwento ni Korina: "Ngayong meron nang show, I have to figure a new schedule so that I get to go home like a week, then I go out for a week.

"Parang ganun, weekly na ako labas-pasok.

"Kinakapa pa namin ang schedule namin in COVID situation."

Nakapanayam namin si Korina sa Brighlight Productions office nitong Oktubre 20, Martes ng hapon,

Continue reading below ↓

Ang mahirap, kapag nakauwi naman siya, iniiwasan niyang hawakan o yakapin ang mga anak para na rin sa proteksiyon ng mga ito.

Lahad pa ni Korina: "Masakit din iyung uuwi ka, hindi mo mahawakan ang mga anak mo from afar. Kaya magki-kiss kami, may salamin. O nose to nose.

"Sabi naman ng Child Psychology sa akin, ang mga ganitong edad ng mga bata, one and a half years old, hindi pa iyan masyado.

"Pero by the time na two and a half, three, ayan... kailangan na nandoon ako palagi."

Tiis-tiis daw muna sa ngayon.

"So, I’m taking advantage, and, hopefully, pag mawala na ang COVID, ayun na, doon na ako maglalagi.

"Pero araw-araw iyung Facetime. Two to three times a day iyan.

"Ayoko ko namang kalimutan nila ako," dagdag niyang pahayag.

Todo ang tutok ni Korina sa Rated Korina dahil ang gusto nila ngayon ay pampa-good vibes lang ang mapapanood sa kanyang programa.

Continue reading below ↓

Hindi raw nila ita-tackle rito ang politics, dahil gusto lang daw nila ay mga positibo lang na mga kuwento ang ilalahad nila.

NOEL FERRER:

Magkaiba ang politika ni dating Congressman Benitez at ng asawa ni Korina na si Mar Roxas.

Pero maganda na puwede nilang gawin itong programang ito na magbibigay ng good vibes sa mga tao na kailangang-kailangan ngayon.


Continue reading below ↓

Ang makakatapat ng Rated Korina ay ang Wish Ko Lang ni Vicky Morales, hindi ang Kapuso Mo, Jessica Soho, na palabas tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7.

Sana nga, dahil sa mga programang tulad ng Rated Korina, may kakapitang pag-asa at inspirasyon ang mga tao lalo pa’t nalalapit na ang Pasko.

JERRY OLEA:

October pasabog ang hatid ng Wish Ko Lang sa limang bagong episode nito ngayong Oktubre, tuwing Sabado ng 4:00 p.m., sa GMA-7.

Iyong episode last Saturday—na tinampukan nina Rita Avila at Vance Larena—as of this writing, ay naka-9.4M views na sa Facebook page ng programa.

Interesting kasi ang kuwento tungkol sa isang ina na nasiraan ng bait, at pinagkamalang aswang.

This Saturday, October 24 sa Wish Ko Lang, tampok naman ang istorya ng isang pamilya na naka-jackpot sa lotto.

Paano kung ang inakala ninyong suwerte ay maging mitsa ng sunud-sunod na kamalasan?

Matagal nang hirap sa buhay ang mag-asawang Nora (Katrina Halili) at Rex (Dominic Rocco).

Continue reading below ↓

Buti na lang, positibo pa rin sa buhay at masayahin ang anak nilang si Louie (Miggs Cuaderno).

Mapapanaginipan ni Nora ang winning numbers sa lotto. Ang panaginip na ito… magkakatotoo.

Biglang yaman ang kanilang pamilya. Paano kung ang suwerteng ito ay may kakambal na malas?


Alin ang tatayaan ninyo: itong Wish Ko Lang ng GMA-7 o ang katapat na Rated Korina ng TV5?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez, hands-on bilang host at line producer ng Rated Korina, na eere sa TV5 sa October 25. Ang karibal na programa nito sa GMA-7 ay ang Wish Ko Lang na hinu-host ni Vicky Morales.
PHOTO/S: Gorgy Rula / GMA Public Affairs Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results