Super Tekla vs live-in partner: dapat bang isapubliko ang magiging pag-uusap?

by PEP Troika
Oct 22, 2020
Public service host Raffy Tulfo on controversy involving Super Tekla and live-in partner Michelle Bana-ag: "Mas maganda nga naman na magkaayos na lamang sila, alang-alang sa… lalo na dun sa kanilang anak."
PHOTO/S: YouTube

GORGY RULA:

Umaasa pa rin si Raffy Tulfo na magsasalita sa kanyang programang Wanted sa Radyo ang Kapuso comedian na si Super Tekla.

Ito ay para raw maipagtanggol ng Kapuso comedian-host ang sarili mula sa mga akusasyon ng live-in partner nitong si Michelle Lhor Bana-ag.

Si Super Tekla ay kilala bilang Romeo Librada sa tunay na buhay.

Ang public service radio program ni Raffy ay mapakikinggan sa 92.3 News FM Radyo Singko.

Tinanong si Michelle noong Oktubre 21, Miyerkules, kung desidido na ba siyang idemanda at ipakulong si Romeo.

Sagot ng babae, iyon na raw ang gusto niyang mangyari kahit naiisip din daw niyang ama ito ng kanyang apat na buwang anak.

October 20 nang magsumbong sa programa ni Raffy si Michelle, at inakusahang nakaranas umano siya ng sexual abuse mula kay Tekla.

Idinetalye ni Michelle sa programa ni Raffy na pinipilit siya ni Tekla na sumiping sa kanya.

Kapag hindi raw pumayag si Michelle, "lalayas" si Tekla at "ni piso" ay wala raw iiwan sa mga-ina niya.

Continue reading below ↓

Kinontra ito ng manager ni Tekla na si Rose Conde.

"Planted" daw ang videos ng pag-aaway nina Tekla at Michelle para maipakita ng huli sa programa ni Tulfo.

Ayon pa kay Conde, itinanggi raw ni Tekla ang akusasyong ibinabato sa kanya ni Michelle. Mahal na mahal daw ni Tekla ang live-in partner.

RAFFY TULFO'S TAKE

Para naman kay Raffy, mas gusto raw niya na magkaayos na lang ang dalawa.

Ito ang sagot sa amin ng broadcaster nang tanungin namin sa virtual mediacon ng programa niya sa TV5 na Idol in Action, kahapon, October 21.

"Para sa akin, magkaayos na lang siguro sila," sagot ni Raffy tungkol sa gulong ito nina Tekla at Michelle.

Aware si Raffy na may netizens na kumukuwestiyon kung kailangan daw bang humantong sa demandahan ang away ng mag-live-in na sina Tekla at Michelle.

Ang sabi ng 60-year-old broadcaster: "Ako’y nakikinig din sa mga netizens, e. Tinitingnan ko ang mga opinyon ng mga netizens.

Continue reading below ↓

"At may punto ang ibang mga netizens na sinasabi nila na, 'Bakit ka magkakaso dito kay Tekla?

"'Samantalang for many years, nagmahalan kayo at maraming naitulong si Tekla sa iyo, sa iyong family?

"'Nasaan ang utang na loob mo, bakit hindi na lang kayo mag-ayos?'"

Kaya hinihintay daw ni Raffy na magsalita sa programa niya si Tekla, para maipagtanggol ang sarili nito.

Baka sakaling mapag-ayos pa raw niya ang komendyante at si Michelle.

"Mas maganda nga naman na magkaayos na lamang sila, alang-alang sa… lalo na dun sa kanilang anak.

"Ang then may mga netizens na nagsasabi na, 'baka pera lang ang habol' nito at 'baka planted yung mga videos' na pinadala sa amin. Sabi ko, 'Puwede...'

"So, mas maganda sana na, kung nakikinig si Tekla, na kung magsalita ka..."

Matindi ang mga binitiwang salita ni Michelle laban kay Tekla.

Pero tatlo na mula sa panig ni Tekla ang dumepensa sa komedyante. Kabilang dito ang kanyang manager na si Conde, ang ninong ng anak nina Michelle at Tekla na si Ogie Diaz, at kaibigan ni Tekla na si Donita Nose.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Raffy para sa komedyante: "Alam mo naman, Sir Tekla, patas ako, puwede kang magsalita para naman mapakinggan from the horse’s mouth.

"Kanina kasi, iba ang nagsalita on your behalf.

"Mas maganda sana kung ikaw ang magsalita."

Siya nga pala, nalipat ng timeslot ang programang Idol in Action ni Raffy sa TV5 at sa OnePH ng Cignal TV.

Napapanood na ito ng 10:30 a.m., mula Lunes hanggang Biyernes, kasama ang co-hosts niyang sina MJ Marfori at Marga Vargas.

At ang tinatawag nilang Liga ng mga Taga-Serbisyo Publiko na sina Maricel Tulfo, Kapitana Carol Domingo, Hannibal Talete, at Roda Magnaye.

NOEL FERRER:

Kung ang objective talaga ay magkaayos ang lahat—si Tekla at ang partner nitong si Michelle—kinakailangan bang isapubliko ito?

O mas mainam na mag-consult sila ng family counselor, psychologist o spiritual adviser, para hindi na isangkot pa ang publiko na may opinyon na sa isyung ito?

Dahil sa pagsasapubliko kasi nito, marami nang nakikisawsaw at may record na ito sa media na puwedeng ma-access ng anak nila kapag nagkamalay na ito.

Continue reading below ↓

Magandang pag-isipan, sa mga isyung ganito, pagpapa-media nga ba ang solusyon?

JERRY OLEA:

Durog na durog si Tekla sa komento ng citizens matapos ang pasabog ng ka-live in niyang si Michelle.

Tumalsik ang sandamukal na memes sa social media kaugnay sa usapin.

Tinawag si Tekla na Tekla Tekol, kesyo Tekla Teklo, at eme-emeng host para sa "Pera o Bayo."

Nahusgahan na agad ang Kapuso comedian.

Maapektuhan kaya ang commercial load ng Kapuso weekly variety show nila ni Boobay na The Boobay and Tekla Show (TBATS)?

At any rate, dahil sa pag-uumpisa ng daily noontime show na Lunch Out Loud noong Oktubre 19, Lunes, ng 12:00 n.n.-2:00 p.m., nagbago ang timeslots ng mga programa sa TV5.

Ang CHIKA Besh na dating 10:00-11:00 a.m., nalipat sa 7:30-8:30 a.m. slot.

Ang Idol in Action na dating 11:00 a.m.-12:00 n.n., nadagdagan ng 30 minuto. Naging 10:30 a.m.-12:00 n.n. ang slot nito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Public service host Raffy Tulfo on controversy involving Super Tekla and live-in partner Michelle Bana-ag: "Mas maganda nga naman na magkaayos na lamang sila, alang-alang sa… lalo na dun sa kanilang anak."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results