Miss Universe Philippines 2020 pageant, hindi biro ang sinuong na hirap dahil sa pandemya

by PEP Troika
Oct 23, 2020
Inamin ng Miss Universe Philippines organization na nagkaroon ng technical difficulties during the prelims via streaming service from "unknown sources." Kuha ang litrato sa taas mula sa rehearsal ng pageant kahapon, October 22.

JERRY OLEA:

Nakaranas ng technical difficulties ang mga nanood ng Q&A ng preliminaries ng Miss Universe Philippines (MUP) 2020, via Ring Light series ng empire.ph., Miyerkules ng gabi, Oktubre 21.

Ang Ring Light series ay maa-avail via subscription, at binubuo ng eight online episodes ng pageant activities leading to the grand coronation day of Miss Universe Philippines 2020.

Ayon sa pageant organizers hinggil sa technical glitch: “We found out that our site has been attacked by unknown sources.

“However, this is not an excuse as we are committed to giving you the best Miss Universe Philippines viewing experience.

“As such, we sincerely apologize for the inconvenience and ask for your patience and understanding...

“As of 11:00 p.m., our site is up and running. For everyone who was not able to view tonight's interview earlier, rest assured we will honor your subscription.”

Ipinost ito ng MUP organization sa kanilang Facebook page bago maghating-gabi noong Miyerkules.

Continue reading below ↓

Panawagan ng organizers, “We urge everyone to report to us those who have been illegally streaming the video on Facebook as this is a copyrighted material.

Hanggang Huwebes ng gabi, Oktubre 22, ang huling araw ng pagboto para sa “contender that makes your heart beat.”

Ang may pinakamaraming boto ay pasok na sa Top 16, at tatanggap ng PHP100,000 sa Lazada Wallet Credits.

Makakapagbigay rin ang winner sa botohan ng PHP100,000 para sa kanyang chosen charity!

Oktubre 23, Biyernes, available na sa Ring Light ang runway competition, hosted by Benjamin Alves.

Sa runway competition ba umangat ang kinatawan ng Mandaue? Runners-up ang Laguna at Parañaque.

Na-shoot na ang opening ng Miss Universe Philippines 2020 grand finals sa Baguio Country Club, kung saan naka-national costumes ang candidates.

Nakunan na rin ang prelims kung saan nagkasubukan sila ng projection sa swimsuits at evening gowns.

May mga nagwagi na rin ng special awards from the generous sponsors.

Continue reading below ↓

Ang grand finals ay mapapanood sa Oktubre 25, Linggo ng 10:30 a.m. sa GMA-7. (Bale Oktubre 24, Sabado ng 7:30 PM sa Los Angeles, California).

May replay ito sa Linggo ng 10:30 a.m. sa GMA-7.

Sa grand coronation day, host si KC Montero at performers sina Jessica Sanchez, Allen Cecilio, Anjo Damiles, at Kevin Montillano.

Ang koronang ipuputong ni Gazini Ganados sa kanyang successor ay likha ng Villarica Family ng Meycauayan, Bulacan, na may-ari ng Villarica Pawnshop chain.

Ang mga bato sa koronang Filipina ay sumasagisag sa “dreams, ambition, happiness, pride, self-worth, and empowerment.”

Continue reading below ↓

Kumusta kamo ang safety and health protocols ng pageant, na nasa ilalim ng bagong organization sa pamumuno ng national director na si Shamcey Supsup-Lee?

Salaysay ng insider na source ng PEP Troika, “October 14 and 15, Wednesday and Thursday, nag-swab test na sa Resorts World Manila ang mga kandidata at buong produksyon ng timpalak. Batch by batch.

“October 19, Monday, may swab test na naman ang lahat sa Baguio Country Club.

“Ang swabbing ng candidates and core production group, after six hours ang labas ng results. The rest, after 24 hours ang resulta.

“Naka-PPE ang mga tao sa venue. May face masks at face shields. By batch of 10-12, tinatawag ang girls para maluwag sa backstage.

“Tapos, bumabalik sila sa hotel rooms nila bago bumaba ang next batch.

“Napakahirap for the girls ang proseso pero pagsampa sa stage, akala mo ay nasa likod lang ang dressing room. Kabugan nang kabugan!

Continue reading below ↓

“Pero kapag pinanood ang VTRs, they are very supportive of one another. More than eight months na kasi silang magkakasama, mula noong February 14 red carpet launch.”

Full support ang local government units (LGUs) ng Baguio City at Benguet province sa Miss Universe Philippines 2020.

Lubos ang pasasalamat ng organizers kina Mayor Benjamin Magalong at Congressman Eric Yap, maging kay G. Anthony de Leon, na general manager ng Baguio Country Club.

Pati na rin kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpunta sa Baguio to make sure everyone is safe and following protocols.

NOEL FERRER:

Beauty contest in time of pandemic.

Limitado man ang kanilang galaw at ingat na ingat man ang lahat, tingnan natin kung paano mairaraos ang prestihiyosong timpalak na ito sa panahon ng COVID!

Ang airing nito ay sa GMA-7 sa Oktubre 25, Linggo ng umaga na may same day replay pagsapit ng 10:30 p.m.

Mukhang wala namang exclusivity sa news coverage dahil parang lahat naman ay welcome.

Continue reading below ↓

Mabuti naman at lahat ay nagtutulungan para maging successful ang event na ito, na kokoronahan ang ating kinatawan sa 69th Miss Universe.

Sinasabing 28 candidates pa lang ang napili sa Miss Universe 2020.

Labing-anim (16) pa ang madaragdag hanggang sa katapusan ng Nobyembre.

Kailan at saan kaya gaganapin ang Miss Universe pageant this year?

GORGY RULA:

Bago pa man putungan ng korona ang kandidatang ilalaban natin sa Miss Universe, may ilang kandidata nang nagka-coronavirus.

Pero itinuloy pa rin ng organizers ang timpalak dahil kailangan talaga.

Sabi ng creative director nilang si Jonas Gaffud, hindi tayo basta pagagapi sa pandemyang ito. Kaya tuloy ang laban.

Kaya mapupuri mo talaga sila na pinipilit nilang mairaos ito sa kabila ng hirap at may mga pangambang baka meron pang mahawa.

Kaya lang, wala pa ring linaw hanggang ngayon, kung kailan at saan gaganapin ang Miss Universe 2020.

Marami pang international beauty competitions na nauudlot pa rin at wala ring katiyakan kung kailan nila ito itutuloy. Kaya tengga rin ang mga kandidata natin na makokoronahan this weekend.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ng Miss Universe Philippines organization na nagkaroon ng technical difficulties during the prelims via streaming service from "unknown sources." Kuha ang litrato sa taas mula sa rehearsal ng pageant kahapon, October 22.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results